Reign's POV
Sabay kaming nagbe-breakfast ng asawa ko ng bigla kong maisipan na sabihin sa kanya yung plano kong pag-uwi.
"Stanley, ok lang ba na umuwi tayo sa Pilipinas after ko manganak?"
Napansin kong nagulat siya sa sinabi ko.
"Gusto mong umuwi ng Pilipinas?" seryosong sabi niya.
"Oo sana kung ok lang sa'yo."
"Teka lang. Bakit gusto mong bumalik dun? May naaalala ka na ba?"
"Hmmn, wala naman akong naaalala. Pero nacu-curious kasi ako. Gusto kong makita yung pinagmulan ko. Yung school na pinasukan ko at yung mga classmates and friends na naiwan ko dun sa Pilipinas. Gusto ko rin makilala ng personal si Amber."
"Si Amber ba ang nagsabi sa'yo na umuwi ka ng Pilipinas?"
"Hindi, ako talaga yung may gusto na umuwi."
"Oh sige. Ok lang sakin. Pero hindi ko alam kina Tita Nadine at Tito Ricky kung papayagan nila tayo."
"Papayagan nila tayo. Kasama naman kitang babalik dun eh. Basta ako na bahala magpaalam kina Mama at Papa."
Stanley's POV
Hindi ko inaasahan na sasabihin sakin ni Reign yun. Na gusto niyang bumalik sa Pilipinas.
At hindi ko rin alam kung papayagan kami nina Tita Nadine at Tito Ricky na bumalik dun.
Alam kong sinabihan na ni Tita Nadine si Amber tungkol sa kalagayan ni Reign at tungkol sa paglilihim dito ng buong katotohanan.
Kinabukasan;
Tinawagan ako ni Tito Ricky sa office niya para kausapin.
"Stanley, ayusin mo lahat ng papeles niyo ni Reign."
"Po? Pinayagan niyo po si Reign sa gusto niya?"
"Hindi ako pumayag nung una. Kaso wala akong maisagot sa kanya nung nagtanung siya sakin ng dahilan kung bakit ayaw ko siyang payagan na bumalik sa Pilipinas."
"Unti-unti na po siyang nagtatanung tungkol sa nakaraan niya Tito Ricky."
"Napapansin ko nga Hijo. Kaya nga hahayaan ko na lang siya sa mga kagustuhan niya. Kasal na kayo ni Reign, Stanley. Wala na siyang magagawa kahit maalala pa niya si Benjamin."
![](https://img.wattpad.com/cover/11374660-288-k586056.jpg)
BINABASA MO ANG
My Facebook Girlfriend - ♥ My FB GF Story ♥ ☺ Complete ☺
Novela JuvenilPrologue What's on your mind? Benjamin Jake Torres haixts., kaboring nmn ng bkasyon. mkpghanap n lng ng karelasyon :-) Elarei Gomez :-) gwin mu lng aqng krelasyon., promise i won't leave u alone. :-* tug tugz tug tugz tug tugz ❤ One month...