Lumipas ang ilang araw, naging abala silang lahat sa practice at paghahanda para sa linggong ito. Para sa Foundation Week Program.
Elarei's POV
Nakakaboring pag walang klase. Hindi ko masyadong nakakasama si Tobe. Hmmmn.
Pag wala akong practice, may practice naman sina Tobe.
Pag wala naman silang practice. Ako naman ang busy dito sa Club room ng pagkanta kasama ang iba pang members at sina Ate Eumi.
Miss ko na siya ng super-duper. Pag nakita ko siya. Yayakapin ko siya ng super-duper higpit. Hmmn.
I want to spend more time with him. Kaso hindi pa pwede. Busy pa kami parehas sa practice. Haixts.
Nag-umpisa na ulit kaming mag vocalized ng mga kasama ko.
"Elarei!"
⊙▽⊙
Waaahhhhhh!!!!!
Nagulat ako. May yumakap kasi sakin mula sa likuran ko. Lumingon ako sa kanya.
"Tobe! Anong ginagawa mo dito?"
pagtingin ko sa likuran niya, andun sina Amber, Drake at iba pa naming tropa.
Tama. Kasali na kami ni Amber sa tropa nila. Pati sina Mikei at Ate Eumi. Katropa ko na din.
May napansin akong mga bitbit nila.
Si Amber may dalang apat na red heart balloons. Kay Drake naman eh isang malaking kahon ng pizza. Si Mikei may bitbit na pulang kahon. Sina Josh at Peter naman eh may bitbit parehas na kaserola. Tapos si Blaire may bitbit na supot. Parang medyo basa na nga yung supot eh.
"Anong meron Tobe? Bakit may mga dala silang ganyan?" tuluyan na kong humarap sa kanila.
"Happy monthsary sa inyong dalawa." bati samin ng lahat ng nasa loob ng MMClub room.
Tapos nahihiyang tumingin ako kay Tobe.
"Happy monthsary Shiela Reign." inilabas ni Tobe ang kamay mula sa likod niya na may hawak na bouquet of roses.
Ibinigay niya sakin yun tapos pagkakuha ko eh humalik naman siya sa pisngi ko.
Hala nakalimutan ko. Ano bang date ngayon? July 4 na ba agad? Ang bilis naman ng araw. Hmmn.
Naku! Nakakahiya naman kay Tobe.
"Masyado ka atang naging busy kakaisip sakin Gfq. July 4 na ngayon. Nakalimutan mo noh?" nakangiting sabi sakin ni Tobe.
![](https://img.wattpad.com/cover/11374660-288-k586056.jpg)
BINABASA MO ANG
My Facebook Girlfriend - ♥ My FB GF Story ♥ ☺ Complete ☺
Genç KurguPrologue What's on your mind? Benjamin Jake Torres haixts., kaboring nmn ng bkasyon. mkpghanap n lng ng karelasyon :-) Elarei Gomez :-) gwin mu lng aqng krelasyon., promise i won't leave u alone. :-* tug tugz tug tugz tug tugz ❤ One month...