P3 Chapter Twenty-3: Way back home;

1K 37 4
                                    


Way back home;


Reign's POV


  Ang saya sa pakiramdam na maayos na ang lahat. Oopps. Hindi pa pala.


  Andito kami sa eroplano at napatingin ako kay Papa. Ang himbing ng tulog niya. Hmmmn. Sobrang pagod siguro sa work niya.



  Now i realize, that he was the best father. Lahat ginagawa niya para samin ni Mama. Lahat ng pagkabusy niya sa trabaho ay para din samin. For us, to have a better future.



  Isa pa, sobrang strikto niya pagdating sakin. Pero alam ko naman na gusto niya lang akong protektahan. Alam ko din na sobrang sama ng loob niya sakin nung sinuway ko ang kagustuhan niya.



  Nagka-boyfriend kasi ako nun nang hindi niya alam. Sobrang mahal ko kasi si Tobe kaya ko nagawang sumuway sa utos ni Papa. Hmmmn.



  Pero sana maging ok na sila ngayon.



  Gusto ko nang makasama si Tobe na wala na kaming inaalalang problema.



  Hmmmn, tumingin ako sa mga ulap sa labas ng bintana. Muling bumalik sa ala-ala ko ang mga nakaraan. Ang dami na palang nangyari.




***Flashback***



  May laro ng basketball sina Blaire at kasama niya nun sina Tobe. First time ko siyang nakita at first time ding bumilis ang tibok ng puso ko nun.



  I know that he is the one i loved.



  Kaya nung nag-college na kami ni Amber ay nagdecide ako na sa Endozo University kami papasok. Nagpanggap ako nun na isang nerd para wala masyadong makakilala sakin.



  Nag-audition ako nun sa Music Melody Club at nakapasa ako dahil kay Ate Eumi.



  Pero nawalan ako nun ng pag-asa kay Tobe ng malaman kong girlfriend niya si Stacey.



  "You belong with me" yung song na kinanta ko sa audition. Favorite ko kasi at saka bagay sa sitwasyon namin nina Tobe.



  Popular guy si Tobe. Cheerleader si Stacey. At nerdy-looking girl naman ako.



  Malabong mapansin ni Tobe, di ba. Kaya ginamit ko yung secret account ko sa facebook na ginawa namin nina Blaire at Amber. Tapos si Tobe lang ang inadd ko sa account ko na yun. At sobrang saya ko na nun nung inaccept niya ang friend request ko as Elarei Gomez.




  Hanggang sa nakita ko sa newsfeed ko yung post niya na


  haixts., kaboring nmn ng bkasyon. mkpghanap n lng ng karelasyon :-)




  Tapos naisip kong icomment nun yung nasa Quote ko na To the one i love


  :-) gwin mu lng aqng krelasyon., promise i won't leave u alone. :-*



  Tapos after nang post na yun, chinat niya ko. Hanggang sa nagkatawagan na kami at dun na nagsimula ang lahat.



  Naging kami muna as Elarei Gomez bago niya nalaman na ako na pala yung girlfriend niya sa facebook.



  Naging masaya kami sa piling ng isa't-isa hanggang sa dumating ang maraming problema at nakalimutan ko ang lahat.



  Mabuti na lang at nagbago si Stacey at bumalik ang mga ala-ala ko. Tinanggap niya ang pagmamahalan namin ni Tobe. Akala ko nun, huli na ang lahat. Pero binigyan pa rin kami ng Diyos nang isa pang chance para mag-umpisang muli.








My Facebook Girlfriend - ♥ My FB GF Story ♥ ☺ Complete ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon