Sa Restaurant;"Anong ginagawa natin dito Stanley? Bakit di pa tayo umuwi sa bahay?" kanina pang tahimik si Stanley.
"Kailangan nating makausap Reign, sina Mommy at Dad?"
"Bakit? Tungkol saan? May kinalaman ba sila dito?"
"Reign, sina Mommy ang nag-decide kung sinong priest ang magkakasal satin."
"So alam nila kung nasaan si Mr. Paul Gaudinberge."
"Yes. Sila ang tatanungin natin about kay Mr. Paul." sabi ni Stanley.
Finally, dumating na rin si Tita sa restaurant.
"Hi Mom." sabi ni Stanley.
"Hello po Tita." sabi ko.
"Hi. How are you Reign and Stanley?" bumeso at yumakap siya samin ni Stanley.
"Well, we're not fine Mom. Have a sit first." seryosong sabi ni Stanley.
"Why? Is there any problem?" tanong ni Tita bago naupo.
"Mom, who is Mr. Paul Gaudinberge?"
"Stanley. Siya yung nagkasal sa inyo ni Reign last year hindi ba."
"Mom, we found out na hindi kami nakalista sa mga kinasal dito sa Canada. Paano yun nangyari? Sino po ba talaga si Paul Gaudinberge? Please tell us the truth Mom."
"Hmmn. Ok. Fine. I'm sorry Stanley and Reign. Hindi ko sinabi sa inyo ang totoo."
"What do you mean Tita?" tanong ko.
"I'm sorry. Hindi totoong priest ang nagkasal sa inyo Reign, Stanley. Kababata namin siya, si Mr. Paulo Gaudinberge. Isa siyang theater actor sa Mandarin kaya nakiusap ako sa kanya na maging pari sa kasal niyong dalawa." paliwanag ni Tita.
"Bakit niyo po yun ginawa Mom?"
"I just think na posibleng maghiwalay rin kayo ni Reign. Dahil sa umpisa pa lang, alam ko naman na hindi niyo mahal ang isa't-isa. Na kagustuhan lang ni Stacey ang makasal kayong dalawa."
"Kung ganun, bakit hindi niyo po sinabi samin?"
"I'm really sorry for that Reign. Akala ko kasi ay magiging maayos ang samahan niyo ni Stanley. Kaya hinayaan ko na lang na paniwalain kayo sa kasal-kasalan na nangyari last year."
Ibig sabihin, walang bisa ang kasalan na nangyari samin ni Stanley. Na walang dahilan para pigilan kaming makasama yung taong tunay naming minamahal.
"Thank you Tita." napayakap ako sa kanya dahil sa nalaman ko. Tumingin naman ako kay Stanley.
"Ok na pala ang lahat Stanley."
"Tama ka Reign. Makakapag-umpisa na ulit tayong dalawa."
"Tama ka Stanley. Eh yung tungkol kay Kristine? Di mo ba ipapaalam kay Tita?" ngumiti sakin si Stanley.
"Ano yung tungkol kay Kristine? Nagkabalikan na ba kayo?" nagtatakang tanong ni Tita.
"Mom, 2 months pregnant po siya. At ako ang ama ng ipinagbubuntis niya." masayang sabi ni Stanley sa Mommy niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/11374660-288-k586056.jpg)
BINABASA MO ANG
My Facebook Girlfriend - ♥ My FB GF Story ♥ ☺ Complete ☺
Fiksi RemajaPrologue What's on your mind? Benjamin Jake Torres haixts., kaboring nmn ng bkasyon. mkpghanap n lng ng karelasyon :-) Elarei Gomez :-) gwin mu lng aqng krelasyon., promise i won't leave u alone. :-* tug tugz tug tugz tug tugz ❤ One month...