Kinabukasan;"Oh Reign. Ang aga mo ata nagising ngayon."
"Ang dami ko kasing iniisip Stanley."
"Ano namang iniisip mo? Pwede ko bang malaman?" tanong niya habang nagta-type sa laptop.
"Hmmmn. Stanley. Bumalik na ang ala-ala ko."
Lumapit agad sakin si Stanley.
"Ano nang naaalala mo Reign?"
"Lahat-lahat Stanley."
"Pati ba yung tungkol kay Abie?"
"Na anak namin siya ni Tobe?"
"Naaalala mo na nga. Pano at kelan mo pa naalala ang lahat?"
"Simula nung makita namin sina Rachel sa mall. Sinabi niya sakin na best enemy ko daw si Stacey. Tapos kahapon nung nagpunta kami sa school. Narinig kong kinakanta ni Tobe yung themesong namin nung kami pa. Kaya nagbalik ang mga ala-ala ko."
"Naaalala mo na rin ba yung nangyari nung naaksidente ka?"
"Oo. Naaalala ko pati yun Stanley. Yung araw na sinugod ako ni Stacey sa bahay at tinulak sa hagdan." natahimik kami parehas sandali.
"Galit ka ba sa kanya?" tanong niya sakin.
"Hindi ako galit kay Stacey. Napatawad ko na siya. Alam kong lasing siya nung panahong nangyari ang aksidente. Kaya pala, pag gising ko pa lang nung na-comatose ako ay nagso-sorry na siya sakin dahil sa nangyari. At isa pa, sobrang laki ng pinagbago niya Stanley."
"Napansin ko rin yun Reign, simula nung mangyari ang aksidente. Sobrang pinagsisisihan niya ang lahat ng nangyari at nagawa niya sa inyo ni Tobe."
"Oo. Alam ko naman yun Stanley. Kaya nga mas pinaniwalaan ko siya kesa sinabi nina Rachel."
"So what's your plan? Sasabihin mo na ba sa parents mo na bumalik na ang ala-ala mo?"
"Hindi pa sa ngayon. Alam kong ilalayo na naman ako nina Mama at Papa pag nalaman nilang bumalik na ang ala-ala ko."
"Eh pano si Tobe? Sasabihin mo na ba sa kanya ang katotohanan?"
"Gustung-gusto kong malaman niya. Pero ayokong pahirapan na naman siya ni Papa. Mas ok na lang sigurong umarte muna ako na walang naaalala. Para mas ok ang lahat."
"Eh kina Amber at Stacey? May balak ka bang sabihin sa kanila?"
"Hmmn. Bahala na."
Stacey's POV
Sa School;
"Amber, nagtext ba sa'yo si Reign?"
"Nagtext din ba siya sa'yo?"
"Oo eh. Gusto daw niyang makipagkita. May gusto daw siyang sabihin eh."
"Sakin din eh. Tungkol kaya saan yun?"
"Baka may naaalala na ulit siya Amber?"
"Siguro nga. Tara. Baka iniintay na niya tayo." sabi ni Amber tapos nagpunta na kami sa restaurant.
Sa Oreo Resto;
Naabutan namin si Reign na nagbabasa ng magazine.
"Kanina ka pa ba Reign? Pasensya na ha. Di kasi agad namin nabasa yung text mo."
BINABASA MO ANG
My Facebook Girlfriend - ♥ My FB GF Story ♥ ☺ Complete ☺
Teen FictionPrologue What's on your mind? Benjamin Jake Torres haixts., kaboring nmn ng bkasyon. mkpghanap n lng ng karelasyon :-) Elarei Gomez :-) gwin mu lng aqng krelasyon., promise i won't leave u alone. :-* tug tugz tug tugz tug tugz ❤ One month...