Tobe's POV
Parang may napapansin ako sa kilos nina Ate Eumi at Amber nitong mga nakaraang araw. Masyado ata silang masayang dalawa. Pero pag naaabutan ko silang mag-kausap ay bigla na lang silang mananahimik.
Andito kami sa gym ngayon ng mga kavarsity ko para sa practice game. Naabutan namin sina Amber, Ate Eumi at Stacey na magkakausap. Nakita naming natumba si Stacey nung tumayo siya.
"Ui, sandali lang muna mga pare. Tulungan ko lang muna si Stacey." nag-aalalang sabi ni Josh at kaagad niyang pinuntahan si Stacey.
Pagkaalis naman nina Josh, Stacey, Ate Eumi at Amber ay nag-umpisa na kami ng practice namin.
Makalipas ang ilang oras ay bumalik na ulit dito sa gym si Josh.
"Kamusta Josh? Anong nangyari kay Stacey kanina?" tanong ni Blaire.
"Nabalian siya ng ugat sa bandang kanan ng paa at siko niya. Bigla daw kasi siyang inihagis ng mga kamember niya pero wala pa yung mga sasambot sa kanya. Kaya siya bumagsak." sagot naman ni Josh.
"Kawawa naman si Stacey. Eh, bakit ganon? Bakit kayo nina Amber at Eumi yung umalalay sa kanya kanina? Asan yung mga kaibigan niya? Sina Rachel?" tanong naman ni Peter.
"Sabi nina Amber sakin eh galit daw kay Stacey yung mga kabarkada niya. Tinanggal na daw nina Rachel sa grupo nila si Stacey."
"Ha? Pano? Eh di ba si Stacey yung leader nila?" tanong ni Blaire.
"Ewan. Inutusan daw kasi ni Stacey yung mga friends niya na makipag-friend at makipag-ayos kina Amber kaya yun, nagalit tuloy yung mga katropa niya sa kanya."
"Ibig sabihin, nakikipag-ayos si Stacey kina Amber. Kaya naman tinutulungan nila si Stacey ngayon."
"Siguro, ganun na nga Drake." sagot ni Josh tapos tumingin siya sakin. "Oh? Tobe. Tahimik ka ata diyan."
"Ah. Eh wala naman kasi akong sasabihin Josh eh." tumayo na ko pagkasabi ko nun.
"Oh? San ka na pupunta Tobe?"
"Lilinisin ko lang yung tambayan namin ni Reign."
"Dati?" nagbibirong sabi ni Josh.
"Uo pare. Dati. Geh." tapos naglakad na ko palayo sa kanila.
Hmmmn. Kahit alam kong hindi na pwede. Naniniwala pa rin ako sa forever. Dahil si Elarei lang ang taong mamahalin ko magpakailanman.
BINABASA MO ANG
My Facebook Girlfriend - ♥ My FB GF Story ♥ ☺ Complete ☺
Подростковая литератураPrologue What's on your mind? Benjamin Jake Torres haixts., kaboring nmn ng bkasyon. mkpghanap n lng ng karelasyon :-) Elarei Gomez :-) gwin mu lng aqng krelasyon., promise i won't leave u alone. :-* tug tugz tug tugz tug tugz ❤ One month...