Christmas Party Event
Amber's POV
"Tita Nadine. Si Reign po?" tanong ko sa Mama ni Reign.
"Nagbibihis na siya Amber. Halika muna sandali."
"Bakit po Tita?"
"Please Amber. Ayokong palapitin si Reign kay Tobe. Wag mo siyang hahayaan na mapalapit ulit kay Tobe."
"Pero Tita."
"Please. Or else babalik kami sa Canada."
"Hmmn. Sige po."
"Thanks Hija."
Bumaba naman ng hagdan si Reign.
"Amber, aalis na ba tayo?" excited na sabi ni Reign.
"Oo. Si Stanley? Asan?"
"Susunod na lang daw siya. Kay Stacey na lang daw siya sasabay eh."
"Ganun ba. Sige. Let's go na. Inaantay na tayo ni Drake at Blaire."
"Oo nga pala. May nabasa ko sa kuwarto ko na Slamnote Profile."
Slamnote Profile? Nung highschool pa yun ah.
"Nabasa mo?"
Nag-uusap kami habang naglalakad palabas ng bahay nila.
"Oo siyempre. Kaso hindi ko naman alam kung sino mga nakalagay dun."
"Ano mga nabasa mo?"
"About sa'yo, kay Blaire at sakin. Sino ba si Blaire? Saka si Benjamin Jake?"
"Ahm, si Blaire. Kababata natin. Crush ko siya dati pero ikaw ang crush niya. Pero dati lang yun. Kasi ngayon, boyfriend ko na si Drake. Tapos siya, girlfriend niya naman si Eumi."
"Ah. Kaya pala. Eh sino naman yung Benjamin Jake?"
Hmmn. Pano ko nga ba ipapaliwanag? Haixts.
"Ahm, crush mo siya nung highschool pa tayo."
"Ganun ba."
Pagdating namin sa kotse ay lumapit agad si Drake at Blaire samin.
"Reign." sabi ni Blaire tas niyakap niya si Reign.
"Siya si ---?" tanong ni Reign sakin matapos siyang yakapin ni Blaire.
"Siya si Blaire, Couz. Kababata natin. At eto naman si Drake. Boyfriend ko."
"Hello. Pasensya na Blaire at Drake ha. Hindi ko pa kasi kayo maalala eh."
"Ok lang yun. Tutulungan ka namin Reign para maalala mo kami lahat. Miss na miss ka na ng barkada."
"Oo nga Reign. Lalo nshtbb---" tinakpan ko yung bibig ng boyfriend ko para di matuloy yung sasabihin niya.
"Ano yun?" tanong ni Couz kay Drake.
Tumingin ako kay Drake.
"Ah. Eh sabi ko. Tama. Tama yung sinabi ni Blaire. Miss ka na naming lahat."
Ayan palusot.com na naman kami. Haixts.
"Oh. Tara na sa School. Para makapag-party party na tayo." sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Facebook Girlfriend - ♥ My FB GF Story ♥ ☺ Complete ☺
Teen FictionPrologue What's on your mind? Benjamin Jake Torres haixts., kaboring nmn ng bkasyon. mkpghanap n lng ng karelasyon :-) Elarei Gomez :-) gwin mu lng aqng krelasyon., promise i won't leave u alone. :-* tug tugz tug tugz tug tugz ❤ One month...