STORY SYNOPSIS:
Si Patty ay magpapa-ringbind lang sana ng mga illustration boards sa Recto, Manila nang may nakilalang misteryosong lalake sa isang nakakaibang pintuang aksidente niyang nabuksan. Guwapo kaya pa-cute siya ng bongga para makatawad sa ringbind. Ang hindi niya alam ay nakaharap na pala siya sa Anghel ng Kamatayan na nagpa-utos sa lahat ng kamatayan dito sa Pilipinas sa nagdaang libo-libong taon.
Paano hindi mahuhulog ang loob ni Patty kung pinapakitaan naman siya ni Kamatayan ng kabutihang loob at tinutulungan pa siya sa gastusin niya sa eskwelahan? At paano naman sila magkakatuluyan kung taong mortal siya habang anghel naman ang isa?
IMPORTANT: HOW TO READ THIS BOOKI have one instruction for you to enjoy this book:
If you find Chapter 1 to be difficult to read, keep going because Patty's POV will start on Chapter 2 and it is where she would meet Kamatayan. Chapter 1 was written to show a quick history of our leading man, Marciel CDIX, the death's registrar.
Ma-excite ka nang magkakilala si Patty at ang death registrar! I assure you na hindi 'to pangkaraniwang nobela!
***** CHAPTER I
Isang uwak na itim ang lumipad sa alapaap at dumapo sa tuktok ng Isetann Mall sa Quiapo. Abala ang Kamaynilaan at mukhang ang uwak lang ang nakakaamoy na maya-maya ay may mangyayaring aksidente sa kalsada. Napamasid ang ibon sa dalawang lalakeng nakaitim ng roba at nakatayo sa riles ng LRT at nakatingin sa Quiapo underpass sa baba. Kung may mga pasahero lang sa baba o mga tambay o tindero ng fish ball na makakita sa dalawa ay baka napasigaw na para humingi ng tulong para sa mga lalake dahil ang tarik ng riles; ngunit walang ni isang nakakakita sa dalawa kundi ang uwak lang. Dumaan nga ang isang tren. Imbes na matakot na baka masagi o mahulog ay walang kisap pa ang mga lalake na tumingin sa baba kung saan dumadaan ang mga sasakyan.
Tinuro ng lalakeng nakatirintas ang mahabang itim na buhok ang isang bughaw na motor sa malayuan. Nakadikit ito sa isang bus pa-Fairview. Hinanda naman ng kasamang lalake na may mas maiksing buhok ang kanang paa na may nilalarong bato sa riles ng LRT. Papababa ang motor sa underpass nang sinipa ng lalake ang bato. Natamaan nito ang mata ng motorista kaya napaliko-liko. Hindi na makita ang tagpo sa underpass dahil natatakpan na ng kalsada ng Recto, basta isang malaking alingawngaw ang pumuno sa lugar. Nagtakbuhan ang mga tao para dumungaw sa underpass at matingnan kung ano iyong masigabong na umpugan.
"Tumawag kayo ng ambulansiya! Tumawag kayo!!!" sigawan ng karamihan dahil malubha ang salpukan sa baba. Isang bus ang bumundol sa isang jeep. Wasak ang jeep, ang bughaw na motor ay hindi na makita dahil sa ilalim ng bus. Umiiyak ng tulong ang mga pasahero sa baba.
Ang dalawang lalake sa riles ng LRT ay lumipat sa kabilang banda dahil mas kita doon ang tagpo. May nakikita silang apat na kaluluwang papalipad pataas. Kulang! Ang sabi sa listahan ay lima ang mamatay sa kalsada. Mula sa riles ay tumalon sila pababa ng underpass. Hindi man lang ang mga ito napatumba sa taas. Napa-squat pagkababa pero parang sa mga pusa na napatayo pagkatapos. Lumapit sila sa bus kung saan nagmamadaling nagsisilabasan ang mga pasahero na hindi napuruhan sa salpukan. Doon sa driver's seat duguan ang drayber. Sa pagkaputla ay sigurado silang ang drayber ang isa sa kanilang susunduin at mukhang nakikita na sila ng tao. Alam na nito ang kanilang pakay.
BINABASA MO ANG
ANG NAWAWALANG PINTUAN SA RECTO (published by Bookware Publishing Corporation)
FantasySi Patty ay may nakilalang Anghel ng Kamatayan sa isang sekretong pintuan sa Recto, Manila. Malamig man ang Anghel at weirdo pero paano naman hindi mahuhulog ang loob ni Patty dito gayong mabait naman ito sa kanya? CURRENTLY IN BOOKSTORES! ...