CHAPTER 13

1.6K 196 7
                                    

Gusto sana ni Patty na magbakasyon sa probinsiya, ang kumain ng lutong-bahay, ang maligo sa dagat, ang makipagtsismisan sa mga kapitbahay at matulog nang matulog. Nami-miss nga niya ang mga kapamilya, lalo na ang ina ngunit kailangan niya talagang magtrabaho para mabayaran ang utang niya kay Marciel. Pero syempre, hindi niya rin makaila na masaya siya habang kasama ang lalake. Hindi nga tao 'yan, pero lalake pa rin 'yon at araw-araw pa silang nagkikita, impossible namang hindi mahuhulog ang loob niya. Pagdating ng tanghalian ay narinig niya ang yapak ni Marciel na papalapit. May dala itong KFC meal para sa kanya. Umupo ito sa gilid niya at tiningnan ang kanyang sinusulat.



"Itigil mo muna 'yan at kumain."



Tinigil naman niya ang sinusulat at binuksan ang dala ng lalake. Kinuha niya ang manok at sinubo dito. Nilayo naman ng lalake ang kamay niya.



"Maglaway ka! Masarap kaya 'to."



"Ano ba ang lasa?" tanong ng lalake sabay akbay sa upuan niya.



"Masarsa. Manamis-namis. Hindi ka ba makalasa?"



Umiling ang lalake.



"Ayyy! Kawawa ka naman! Alam mo ba sa nabasa ko food and sex daw ang pinakapleasurable na mga bagay sa mundong ito. Ano bang buhay 'yan, kuya?!"



Napabungisngis ang lalake.



Kinausap niya ito na lilinisin niya ang isang silid sa ibaba dahil gusto niyang laruin ang piano. Marunong naman siyang tumugtog nito, Chopstick nga lang ang nag-iisang piyesa na alam niya. Pumayag naman. Mga gamit daw ito na nakolekta sa buong oras na pamamalagi sa mundo.



"Grabe! Ang kaunti! Kung ako ang nabuhay ng ganyan, baka kulang ang isang barangay sa mga makokolekta ko."



"Lalake kasi ako."



At napunta sa awayang lalake kontra babae ang pinag-usapan nila hanggang sa nagpaalam ang registrar dahil may pupuntahan daw.



"Kuya, hindi mo pa rin ba nakikita ang hinahanap niyo?"



Napailing si Marciel.



Isang nag-iencourage na ngiti naman ang binigay niya.



Tinapos niya ang sinusulat. Pagdating ng alas-singko ay iyon na siya bumaba sa ilalim para maglinis ng silid. Hindi na siya takot dahil naniniwala siyang kahit anong oras kapag kailangan niya si Marciel ay darating ito. At wala naman siyang naririnig na iyakan ng mga kaluluwa dito sa loob. Doon sa tunnel banda 'yon. Baka kasi ginawang sound proof dito.

ANG NAWAWALANG PINTUAN SA RECTO   (published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon