Binilang ni Patty ang pera sa pitaka niya. Singkuwenta pesos! Nanaykupo! Paano na 'to? Marami pa naman siyang pagkakagastusan para sa thesis niya. Graduating siya ngayon sa kursong Interior Design sa UST at kelan ba hindi naging mahal ang mag-aral sa kolehiyo?
"I want your board of inspiration be passed on Friday," ang sabi ng professor sa harap ng klase habang inaayos ang gamit dahil tapos na ang klase.
Dinampot ni Patty ang mga illustration boards niya para makuwi na rin. Magsisimba siya ngayong Miyerkules sa Quiapo kaya mas maiging idaan niya sa Recto para doon niya ipa-ring bind dahil mas mura doon. Kasama si Mylene ay lumabas silang gate ng UST. Niyaya nga niya ang kaklase na samahan siyang pumunta ng Quiapo kaso tinatamad na raw itong maglakad. Sa malapitan na lang daw ito magpapa-ringbind ng board of inspiration nito.
Mag-isa siyang umakyat sa overpass ng Morayta habang nakasukbit ang T-square sa likod. Kapag may papupuntahan siya sa malapitan ay naglalakad lang siya para walang gastos sa pamasahe at exercise na rin. Tinago niya ng maigi ang cellphone sa bag para hindi ma-snatch ng mga naglipanang mga kawatan dahil nasampolan siya minsan. Mabuti sana kung may pera siyang pangbili ng bago. Halos wala na ngang maipadala ang tatay niya dahil sa maliban na napeste ang kanilang manggahan ay nagkasakit pa ng cancer ang ina niya kaya apektado ang kanilang kabuhayan.
Dumaan siya sa harapan ng FEU bago lumiko sa National Bookstore at pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa may nakitang puwesto na punong-puno ng mga party invitations at tarpaulin. Marami ngang costumer kaya nakisingit siya.
"Ate, magkano ring bind nito?" Tinaas niya ang dalang mga illustration boards.
"Singkuwenta," sagot ng tindera.
"Ate, tawad naman. Forty na lang."
Umiling ito.
'Bruha!' saisip niya bago naghanap ng ibang puwesto. Bilihan kasi ng mga second hand na libro ang sunod kaya sa sunod na tindahan siya pumasok -sa Balugdani Printing Press at Services. Kumpara sa kabila, mas maliit ang puwesto na ito at mukhang madumi dahil nagkakalatan lang ang mga papel at madungis ang sahig sa nagtatalupang vinyl. Pati ang printing press sa gilid ay nangingitim na sa langis at alikabok. Siguro dito makakatawad siya dahil hindi masyadong maraming costumer, hindi tulad sa kabila. Kaso walang tao, pero nakaawang kaunti ang isang pintuan sa gilid. Doon na lang siya magtatanong.
Tinulak niya ang pintuan at napahaba ng leeg nang isang malapad na silid na iniilawan ng mapusyaw na kandelabra ang kanyang natunghayan. Naagaw agad ang kanyang tingin ng isang malaking makina na gumigiling sa isang gilid na mukhang pinaghalong tarpaulin printer at gilingan ng mais. Basta malaki ito at may mga kadenang gumagalaw at nagkrikris-crossan sa isa't-isa. Sa gitna ng silid ay isang lamesa na may name stand na MARCIEL CDIX, REGISTRAR OF RECORDS. May nakaupo sa likuran ng mesa ngunit hindi niya makita dahil matayog kasi ang mga libro na nakapatong sa mesa. Parang lalake.
BINABASA MO ANG
ANG NAWAWALANG PINTUAN SA RECTO (published by Bookware Publishing Corporation)
FantasíaSi Patty ay may nakilalang Anghel ng Kamatayan sa isang sekretong pintuan sa Recto, Manila. Malamig man ang Anghel at weirdo pero paano naman hindi mahuhulog ang loob ni Patty dito gayong mabait naman ito sa kanya? CURRENTLY IN BOOKSTORES! ...