Mga bandang alas-kuwatro ng hapon nakatanggap si Patty ng text mula kay Marciel. Nagtatanong ang lalake kung nakapag-enroll na siya. Humilam kasi siya ng pera dito dahil hindi siya makapag-enroll. Wala talagang mapadala ang ama niya. Plano nga niya na makapag-graduate sa Marso, hindi muna siya maghahanap ng trabaho. Magtratrabaho muna siya sa anghel ng ilang buwan para mabayaran ang utang niya. Nakakahiya namang "salamat kuya" lang ang sukli niya.
"Oo," text niya habang sumasakay ng jeep papuntang SM San Lazaro. Plano niyang manood ng The Incredible.
'Uwi ka ng maaga, Patricia.'
'K,' ang tanging sagot niya. Ala-sais na siya nakapasok ng sinehan dahil alas-sais kasi ang umpisa ng pelikula. Pagkatapos manood ng Incredible ay dumiretso pa siya ng National Bookstore at doon nagbasa ng Neil Gaiman na libro. Kung hindi pa binaba ng gwardiya ang accordion door dahil papasarado na ay baka hindi pa siya nagpasyang umuwi. Imbes na sumakay ng traysikel ay nagpasya siyang lakarin na lang ang boarding house mula sa mall dahil mga twenty minutes lang naman.
Naglalakad siya nang may naramdaman siyang nakakaiba. Parang balisa siya na ewan. Siguro mainit lang ang panahon. Dineretso niya ang lakad at iyon siya parang nagsisi kung bakit siya hindi sumakay ng traysikel. May kalye na mahaba na walang kabahay-bahay at may dadaanan siyang madilim na basketball court pagkatapos nito. Lumaki ang takot niya nang may nakita siyang lalakeng nakabuntot sa kanya. Mabilis itong naglakad hanggang sa naabot siya.
"Pauwi ka na ba, Miss? Kain muna tayo ng kaldo doon sa karinderya." Suminghot-singhot ang lalake. Mukhang sabog.
"Kuya, busog po ako," sabi niya.
"Hingiin ko nga number mo." Hinawakan ng lalake ang siko niya. Winaslik naman niya ang kamay at binilisan ang lakad.
"Aba, mayabang ka ah!" singhal ng lalake. "Humihingi lang naman ako ng number ah!"
Lalo niyang binilisan ang paglakad, at hindi na niya napigilan ang maghisterya nang hinablot siya ng lalake. "Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!"
"Number lang eh! Anong masama doon?!"
Nasasaktan siya sa hawak ng lalake dahil parang babasagin talaga nito ang buto niya sa higpit. Amoy na amoy niya ang mabaho nitong hininga at natilamsik pa ang laway sa mukha niya habang sinisigawan siya. "Bitiwan mo ako!"
Ngunit pinilit talagang baliin ng lalake ang kamay niya hanggang sa nakita na lang niyang lumutang ito sa hangin dahil may sumakal dito mula sa likod.
BINABASA MO ANG
ANG NAWAWALANG PINTUAN SA RECTO (published by Bookware Publishing Corporation)
FantezieSi Patty ay may nakilalang Anghel ng Kamatayan sa isang sekretong pintuan sa Recto, Manila. Malamig man ang Anghel at weirdo pero paano naman hindi mahuhulog ang loob ni Patty dito gayong mabait naman ito sa kanya? CURRENTLY IN BOOKSTORES! ...