Noong naupo si Constantine the Great bilang emperador ng Emperyong Romano ay nilipat nito ang capital ng emperyo sa Byzantium at binigyan ito ng bagong pangalang Constantinople. Pagkatapos noon ay marami na ang nangyari sa kaharian na nasa gitna ng Dagat Marmara at ng Black Sea, nasakop ito ng mga Ottoman sa pangunguna ni Mehmed II kaya naging Muslim Caliphate hanggang sa naguho ang emperyo bago nag-umpisa ang unang digmaang pangdaigdig. Noong 1920's ay pinangalanan ito na Istanbul at sa ngayon ay naghahanda para maging miyembro ng European Union.
Sa gitna ng siyudad nakatayo ang nakapakagarang apartment sa tuktok ng luma at pinakainiingatang gusali. Sa teresa nakaupo ang dalawang lalakeng may mahahabang buhok. Ang isa ay itim ang buhok habang ang isa ay blonde. Parehong nakadamit ng itim na roba ang mga ito at parehong may mga umaapoy na berdeng mata na nakatingin sa direksiyon ng palasyo ng Haggia Sophia sa malayuan kung saan may isang uwak na lumilipad papunta sa kanilang direksiyon.
Paglapag ng uwak sa sahig na baldosang may disenyo ng mga gumagapang na arabeskeng ahas ay naging anghel na ito ng kamatayan sa itim na roba at itim na buhok. Sa ngisi pa lang ay alam nang kampi ito sa dilim.
"May balita?" tanong ni Marubi, ang itim ang buhok. Isa rin itong anghel ng Kamatayan at pinakamalakas na puwersa sa komisyon.
"Si Marciel ay nagpasa na naman daw ng aplikasyon paakyat ng langit."
Nagkatinginan ang dalawang nakaupo at pinagsaluhan ang masisigabong na halakhakan pagkatapos.
"After a long time, nagkalakas loob na naman pala," ani ni Marubi sa demonyong katabi.
"Ano na ang balita kay Salazatter?" tanong ni Azael XXIDI, isang dating anghel na Erelim sa ikalimang langit na nahulog din dahil kumampi kay Sataniel.
"Hindi pa nga nagpaparamdam," sagot ni Marubi. "Tinuruan ko nga kung paano gumamit ng cellphone bago umalis pero wala talaga. Circa 2000BC pa rin kung mag-isip."
Napatawa si Azael. "Baka padalhan ka ng sulat na nakakabit sa kalapati."
Napatawa rin si Marubi. "'Yan nga rin ang inaasahan ko eh."
"Ano ba plano no'n?"
"Ang sabi niya, buburahin niya rin daw sa mapa ang kinasasakupan ni Marciel."
"That shabby little rathole," sabi ni Azael, "but I find their women very attractive though."
BINABASA MO ANG
ANG NAWAWALANG PINTUAN SA RECTO (published by Bookware Publishing Corporation)
FantasíaSi Patty ay may nakilalang Anghel ng Kamatayan sa isang sekretong pintuan sa Recto, Manila. Malamig man ang Anghel at weirdo pero paano naman hindi mahuhulog ang loob ni Patty dito gayong mabait naman ito sa kanya? CURRENTLY IN BOOKSTORES! ...