CHAPTER 15

1.8K 189 13
                                    

"Kelan mo ba ipapakilala sa amin si Marciel na 'yan?" tanong ni Maritess kay Patty nang pumunta sila sa birthday ng kaklase nila dati noong high school. Nagtutunggaan sila ng Tanduay at iyon nga walang katapusang kulit ni Maritess sa kanya.



"Doon lang siya sa Recto," sabi niya sabay bigay ng nakakamatay na tingin kay Maritess. Ang kulit kasi. Paano naman niya maipapakilala sa mga ito si Marciel gayong hindi nga tao? Ipakilala niya ang mga kaibigan sa hangin. Hindi nila makikita 'yon kahit magkaharap ang mga ito.



"May nangyayari na ba sa inyo, Patty?" tanong ni Agnes habang inaabot ang isang baso ng ice tea at isang jigger ng Tanduay. Tungga na niya kasi.



Nagbigay naman siya ng hindi makapaniwalang tingin sa kaibigan. Hindi pa nga sila nakapag lips-to-lips tapos nagtatanong na ito kung virgin pa rin siya.



Nabasa naman ng mga kasama ang reaksiyon niya. Napatawa ang mga ito.



"Don't tell me mahina 'yang Marciel na 'yan," tanong ni Maritess. "Ano naman ang ginagawa niyo kapag kayong dalawa lang? Don't tell me nagja-jack stone lang kayo? Ang alam ko gabi ka na kung umuuwi."



"Alam mo namang nagtratrabaho ako kaya gabi na kung umuwi," sabi niya kay Maritess.



"Grabe naman 'yan! Ilang buwan ka nang pabalik-balik doon at wala pa ring nangyayari? July ka nag-umpisa doon. Second week na tayo ng December. Mukhang inlove ka naman doon at kung ako ang tumingin sa kutitap ng mata mo, parang pinapasaya ka naman ni Marciel."



Binigyan niya ng masamang tingin ang mga kaibigan. "Grabe kayo ha! Ang dami-dami kong problema tapos sex life pa ang uunahin ko. Kristiyano kami kapwa ni Marciel! Kasal muna!"



Tumawa naman si Maritess at Agnes sa narinig. Hindi na raw uso ngayon 'yan.



Pagdating niya sa opisina kinabukasan ay ikukuwento niya sana sa lalake ang pangungulit ng mga kaibigan, ngunit nahiya siya. Mukhang hindi nga rin matukoy ang relasyon nila ni Marciel. Parang M.U. na walang pisikal na ugnayan. Habang nakaupo sa couch ay tahimik niya lang na tinitigan ang lalake habang abala ito sa kakasulat sa libro. Solido ang balikat nito. Nahihiwagaan siya kung ano kaya ang pakiramdam na madapo ang mga palad niya sa balat sa balikat nito o ano kaya ang pakiramdam kung ang palad nito ang mapadapo sa balat sa bewang niya, sa likod, sa batok. Ano kaya kung hubarin niya ang kapa ng lalake at idis-angkla rin nito ang mga butones sa blouse niya?



Napatitig sa kanya ang lalake. Ewan niya pero parang nababasa ng lalake ang nasa utak niya. Dinuko na lang niya ang tingin. Dinampot niya ang cellphone at nag-aktong nagti-text.



"Patricia," tawag ng lalake.


ANG NAWAWALANG PINTUAN SA RECTO   (published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon