Chapter 2: A deal with the Prince

21.6K 780 186
                                    

I was so happy na kasama ko si Hayley sa designated room namin dahil if not, my life would be a living hell inside this mansion.

"You surely need to get a hold of yourself next time you face King." Hayley warned me.

Bumuntong hininga ako, "I was pissed and hungry kaya ganun yung inasta ko that time."

"But I am pretty sure, you gained his attention." Avon said for the first time since we entered this room last night. Oo, kasama din naman siya dito pati yung apat na babaeng hindi ko alam ang pangalan dahil hindi nila ako kinakausap.

Napangiwi ako sa sinabi niya, "I hope he'll eliminate me tonight. I can't afford embarassing myself in front of the cameras again."

After that oh-so-tragic news, agad akong tinadtad ng text ni Anaxandria, Kuya Hunter Panget, Stasia, and Caeleah. At ngayo'y sinisisi ko ang mga epal na inventor na umimbento ng cellphone, TV, computer, laptops, at kung ano pang chemenes na nagagamit para mabilis na kumalat ang isang balita. Sila ang may kasalanan kung bakit alam na ng buong mundo ang katangahamg ipinairal ko sa harap ng dakilang si King Ryker Constantine.

Lumabas muna ako ng kwarto namin to inhale some fresh air and to eat some chocolates. I need to be hyper na.

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng isang box ng Macadamias! Parang biglang nagliwanag ang buhay ko dahil dito! This is one of my favorites! Buti't meron sila nit—

"You'll not gonna get that, sweetie."

I shivered as a familiar male voice starts to linger inside the kitchen. Lumingon ako to see...

"Holy Macadamia! Prince Ryder Constantine!" I shrieked happily kaya napabitaw ako sa hawak kong chocolates.

"I...uhh...I..." Sheez! Anong sasabihin ko? Ohmygods! My oh so hot, handsome idol is right in front my gorgeous eyes!

He chuckled as he started walking towards me. Holy smutfs! Hindi naman siguro ako nananaginip ngayon diba? Hindi diba?! Ohmygods.

Yumuko siya para pulutin ang Macadamia na nahulog ko. Nakangisi siyang tumingin sa akin at ipinakita yung chocolate, "You don't want to get your butt troubled again, right? You better not eat my bro's Macadamia or he'll sue you to death."

With that, I can't help myself but to pout and sing, "Sayang na sayang lang ang Macadamia ko. Laan pa naman ang puso ko rito yeaaaah~"

Napatigil ako dahil sa pagtawa ni Ryderbebelabs at agad na napaawang ang bibig ko at the realization na, PINAHIYA KO ANG SARILI KO SA HARAP NG LALAKING PAKAKASALAN KO.

"You really remind me of someone I know. Kamukha mo nga din siya eh." He chuckled kaya napaawang muli ang bibig ko.

"Did I just hearyou speak in tagalog?" Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang tili ko. Well, I know he's part Filipino but I have never heard him speak in Tagalog sa interviews niya!

Tumango siya, "Tumira ako sa Pilipinas for 18 years of my life. Together with my mom. Samantalang si Ryker ay dito na tumira kasama si papa ever since we're kids."

I nodded before getting another chocolate, this time, Snickers naman ang kinuha ko, "Hindi naman siguro ako kakatayin noong kapatid mo kung kakainin ko itong Snickers diba?"

"That's mine." He grinned. Napasimangot nanaman tuloy ako, wala na ba talaga akong karapatang kumain ng mga paborito kong tsokalate?!

"Sige na, sa'yo na." He chuckled, my eyes glimmered, "Omg. Really?"

He smiled at me as he nod his head, "By the way, congratulations for bothering my bro's head. I am sure he's been thinking about you all night."

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil hindi pa rin nagsisink in sa maliit kong utak na kausap ko ngayon ang lalaking araw-araw kong pinapantasya.

The Puerile QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon