"You're joining the contest! Ohmygod! Dininig ang dasal ko, Bri!" Candice hollers laughing. Tawang-tawa siya na napagulong pa siya sa kama habang abala akong nag-iimpake para sa contest.
Ngumuso ako at binato siya ng panty. Iyon kasi ang una kong nahawakan. "Mabilaukan ka sana sa sarili mong laway! At lamukin ka ng sobra mamaya!"
Lalo lamang siyang natawa. Kainis. Siya lang ata ang tuwang-tuwa na sasali ako sa contest ng pinakakinaiinisan kong artista. Wala namang nakakatuwa!
"Don't frown na, Bribri. Malay mo you could get a chance to meet his brother, diba?" She winked at me.
I pouted and nooded. Ayon na lang talaga ang pinang-hahawakan ko, ang tiyansang makita ang super duper mega crush kong si Prince Ryder! Baka iinvite nila si bebelabs ko sa show nila dahil nga twin sila!
"Magkakaroon na kami ng chance ni Princey! Baka nga blessing in disguise ito 'no?!"
Candice glared at me, napataas nanaman kasi ang boses ko. I giggled and showed a peace sign using my finger.
"You surely need to control yourself, Bribri. Sige ka, matuturn off sa'yo si Ryder," pangaral niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko.
Nakaka-turnoff ba kapag matinis ang boses? Minsan kasi hindi ko napipigilan ang taas ng boses ko. Lagi ngang pinupuna ni Stasia 'yon eh.
"Nakakaturn off ba ko?" I asked in disbelief.
"You're too noisy, Bribri."
"But...that's me." I bit my lower lip.
"Pero tanggap kita." Bawi naman niya agad. I only pouted. Pinagpatuloy ko ang pag aayos ng gamit. "Saan daw ba ang venue ng show?"
Napangisi ako ng malawak saka humawak sa magkabilang pisngi ko, "In the city of love!"
Napasinghap naman si Candice. "Ang daya."
Mahina akong natawa. Matagal na kasi naming pinaplano ni Candice na mag-bakasyon sa Paris kaso hindi natutuloy dahil busy siya sa pag-aaral. Kung ako lang naman ang tatanungin, pwedeng-pwede ako pumunta doon sa kahit kailan ko gusto. Ang boring nga lang kung ako lang kaya hinihintay kong maging available si Candice.
After three days of my peaceful life, dumating na din ang magic pumpkin na susundo sa akin. Char. Syempre hindi talaga magic pumpkin iyon kun'di isang limousine!
Masaya nga lang sana kung magic pumpkin nga. Tapos may mga taga-sundo akong ang pangakan ay Gusgus na dati ay isang daga. Hahaha!
"Come on, Cinderella, nandyan na sundo mo."
"Ugh. I'll miss you." Pagiinarte ko saka yumakap sa kanya. Agad naman niya akong tinulak, "May facetime naman!"
Ngumuso ako. "I'll still miss you."
"Daming arte. Dali. Hinihintay ka na ni King." Biro niya while pushing me outside the house.
"You really want me out? Katampo ka!" I mumbled, crossing my arms.
"I'm just too overwhelmed na magkakaroon ako ng medyo tahimik na buhay." She laughed. Pabiro kong sinabunutan ang buhok niya kaya naman umirap siya, "Anyways, sana magtagal ka doon."
"Papa-eliminate nga ako agad!" Sabi ko sa kanya habang iniisip ang mga kagagahan na maaari kong gawin para lang mapauwi agad. Siguro in three days time, makakabalik na ako dito at makakamtan ko na ang pasadong grade!
She tapped my shoulder, "King will love you for sure."
"I hope not!"
She chuckled.
BINABASA MO ANG
The Puerile Queen
Fanfic[[THE QUEENS SERIES II: The Puerile Queen]] Puerile (adj.) : silly or childish especially in a way that shows a lack of seriousness. Queen (n.) : a woman eminent in rank, power, or attractions Puerile Queen (n.) Breanna Suarez. - This is a work of...