Chapter 3: Midnight Sneak

20K 801 102
                                    

Elimination night. Tonight is the night I am going to send my good byes to everyone in the show kahit halos lahat sila ay galit sa akin because of the attitude I've shown during the introduction.

Pinilit ako ni Hayley na suotin ang isang floral dress na siya daw ang nag-design. She's so gorg kaya hindi ako nakatanggi. She even put some make up on my face. Super light lang naman.

Pinapila na kaming 200 girls, "In five minutes, the show will start. Ready." Sambit kung director na kinainisan ako kagabi. Ugh.

After 5 minutes ay nagsimula na ang taping. Isa isang kinuhanan ng close up ang mukha namin and after that, King Ryker entered the door which made the other girls squeal in happiness. Sa kanya nakatuktok ang camera as he walk inside the studio.

Napangiwi ako nang mapatingin siya sa gawi ko pero agad din naman siyang umiwas ng tingin.

Kung anong chemenes pa ang sinabi ng host bago ipaliwanag kung paano gagawin ang elimination.

Kung sino ang hahalikan ni King Ryker sa pisngi ay yun ang matatanggal sa contest. Bumuntung-hininga ako as the elimination started.

"Contestant number 2 eliminated." Sambit noong host, "Contestant number 5 eliminated."

And the list goes on and on, may ilang umiyak pa dahil tanggal na sila. Ugh. They should be proud of themselves na aalis na sila sa contest na ito. Anyways, ako lang yata ang masayang magpapafly chikaroo na sa contest ni Ryker.

"Contestant number 178 eliminated."

Ang talagang nagustuhan ko lang ngayon ay ang nagkaroon kami ng bonding moments ng Ryderbebelabs ko. OMG. I need to thank the principal for choosing me for this competition. Nabuhay ang pag-asa ng mga BRYDER. Hihihi

"Two more girls to eliminate."

I gulped as King started walking near me. Hindi ko alam kung bakit parang may urge sa akin na sana'y hindi ako matanggal sa kumpetisyong ito.

Maybe because of Ryderbebelabs or our deal earlier.

I am a very observant person kaya alam ko kung bakit gusto ni Ryderbebelabs na pasayahin ko ang kapatid niya.

King Ryker's eyes are full of sadness, loneliness, annoyance, hurt and tiredness. And my Ryderbebelabs want me to change the look in Ryker's eyes and I've got this feeling that I want to change that too.

"Number 194th eliminated. One more." The host said.

I hate seeing someone looking so down and sad. And the puerile queen's specialty is to make someone happy! At ngayon, kailangan ko atang gampanan ang tungkulin ko sa pagpapasaya ng tao.

Napatingin ako kay King na ngayo'y papalapit na sa akin. Sabi na nga ba't palalayasin na ako nit— Ay hindi pala, sa tapat siya ni 199th tumigil. Hinalikan niya ito sa pisngi before moving his way again in the middle of the studio.

Bakit hindi niya ako tinanggal?

The show has ended with the girls crying their eyes out and me being dumb founded and confused why he didn't eliminate me.

Hayley tapped my shoulder which made me go back to reality, "Gusto ka daw niya makausap." Ngumisi siya saka itinuro si King Ryker na nakaupo sa isang tabi habang nakatingin sa akin.

"Bakit daw?" I asked confused.

"Malay." She shrugged, "Diretso ka nalang sa room after."

Umalis na siya at ako nama'y naglakad na papalapit kay King Ryker. His boring eyes looked at me kaya medyo na-awkward ang dyosa. Hehe

The Puerile QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon