Chapter 8: Breaking news

20.1K 671 52
                                    

"Good morning, world!" I bubbly said pagkarating ko sa dining area para kumain ng breakfast.

"Good morning, Avon, Hayley, Levi, Lee Min, Franchez, Angel, Ara, Patricia, Paula, Trisha, Kyrish, Danee, Jaymee, Jackie, Cyrene, Gica, Mique, Danika, Estela..." Binati ko silang lahat ng good morning dahil ang hyper ko ngayon.

"Good morning, Ryderbebelabs!" I shouted saka ko bibigyan sana ng mahigpit na yakap si Ryder pero bigla akong nahiya kaya hindi ko na tinuloy. Tumawa naman si Ryder saka ako pinaunlakan ng yakap. #kiligmuch hihi

"Good morning, Jack!" Bati ko kay Jack nang makita ko siyang papasok ng dining area. Ngumiti lang siya sa akin at tumayo. Kinuha ko yung pagkain ko at naghanap ng mauupuan.

"Won't you greet me too?" A voice said from my back na biglang nagpatalon ng puso ko. Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng pilit, "Good morning, King."

"Good morning, Anna." He smiled before walking pass me. I sighed in relief, kagulat naman yun, biglang sumusulpot.

Kumain ako sa tabi nina Hayley at Avon, "Sarap pala ng pagkain ngayon eh! Tinapay at butter. Hahaha."

"Ang hyper mo. Anyare te?" Takang tanong ni Hayley.

"Ganito naman talaga ako ah." I mumbled while eating my bread. Nagkibit balikat lang siya at hinayaan nalang ako.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Stasia, mga pitong ring pa bago niya ito sagutin, "Good morning, Stasia! Musta kayo ni Papi Cassion ha?"

"Well, good night! Have you forgotten na magkaiba ng oras dito at diyan?" Galit nitong sagot. Tumawa naman ako, "Sorry!"

"I want to sleep. Bakit ka ba tumawag?!"

"Oh, chill. I just want to say that I mis--Ay pinatay!" I pouted. Kainis talaga si Stasia, nagkaasawa lang, ayaw na akong kausap. Huhu.

Tinawagan ko naman si Sissy Caeleah, mas mabilis nitong sinagot ang tawag ko, "CAELEAH! GOOD MORNING!"

Nakita kong napatingin na sa akin ang ilang tao including Ryderbebelabs kaya nag-peace sign lang ako at medyo hininaan ang boses ko, "Good morning, sista!"

"What do you want?" Masungit nitong tanong. Bakit ba ang susungit nila tuwing umaga? Ajujujuju.

"Binabati lang kita ng magandang umaga! Kamusta ang buhay buhay?" Maligaya kong sambit pero binabaan niya lang ako.

"Grabe talaga sila! Bakit nila ako binababaan?!" I said frowning.

"Because you're too loud. Ang aga-aga." Naiiling na sambit ni Hayley. Ngumuso lang ako at tinawagan naman yung isa ko pang kapatid, kaso hindi nanaman sumagot. Cannot be reached lagi yun! Nasaan na kaya yun? Laging MIA eh.

So I decided na si Candice nalang ang bulabugin ko, "Good morning, Candice."

"Bribri, ang aga-aga. Bye." Medyo paos nitong sagot saka ako binabaan.

"Why can't anyone talk to me?" I asked myself, scowling.

"I can talk to you." Ryker said in front of me. Tinaasan ko lang siya ng kilay, "Talk to someone else, boy."

Tumawa lang siya na ikinainis ko. Oh gosh, Breanna, wag kang magpapadala sa stress!!!

Tumawa nalang ako ng peke saka ko tinawagan si Anaxandria, "Anong kailangan mong talipandas kang bata ka?" Bungad nito sa akin kaya natawa ako.

"Miss you, Anaxandria." I teased. I don't call her mom kasi wala lang, ayos lang naman sa kanya eh, feeling bagets kasi siya.

Isang malaking pagkakamali naman na tinawagan ko siya dahil sinermunan niya ako sa behavior ko sa school pati sa contest na ito kaya I decided to end the call. I have no time for morning sermons! Huhu. Hindi na ako bata para pagalitan!

The Puerile QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon