Chapter 25: The Song

17.8K 684 198
                                    

Last chapter of TPQ. Hihihihi.

-

"Jingle bells! Jingle bells! Jingle all the way! All out fun idyayusturan enahoping gashting pay! Hey!" Kanta ko saka pinakalembang yung hawak hawak kong bell.

"Kingina, mali lyrics!" Sigaw noong kasama ko sa pangangaroling.

"Ikaw kaya kumanta, alam mo ba lyrics?" Hamon ko.

"Hindi rin. Hahahahaha. Apir!" Tumawa din ako saka kami nag-apir.

Siya si Naruto, short for Nashiel Rurukii Tostillas. Kababata namin siya ni Dakota, at nandito siya ngayon kasi dito daw siya sa lola niya magpapasko.

"Bakit hindi mo kasama si Dakota? Birthday pa naman namin bukas." Naglakad kami patungo sa isa pang bahay.

"Ayaw ka daw niya makita." Sagot ni Naruto kaya napanguso ako, tumawa naman siya sabay sabing, "Juk juk lang. HAHAHAHA. Busy yon sa thesis nila, gagraduate na kasi next year!"

"Ano na ba itsura niya ngayon?" Tanong ko. Syempre kamukha ko siya kasi kambal kami eh. Mwahahaha

"Eto, teka, may picture kami." Kinuha niya ang cellphone niyang tatak Daniel Padilla #myphonekid.

"Hala ka!" Gulat kong sambit nang makita ko ang picture ng kapatid ko, "Mukha siyang duck!"

"Kasi naka-duck face." Tumawa siyang muli kaya nag-apir kami. Nangaroling na ulit kami sa mga kapit bahay namin pero dahil kuripot ata sila ngayon, naka-bente singko lang ang kinita namin.

Umupo kami sa labas ng bahay namin saka nagbilangan ng pera, "Dahil mali-mali lyrics mo, 13 ang akin tapos 12 lang ang iyo."

Binatukan ko siya, "Tig-12.5 tayo, wag kang madaya."

"Gwapo ako kaya 13 sa akin." Giit niya.

"Maganda ako kaya akin to lahat." Saad ko saka kinuha yung mga baryang kinita namin.

"Wag kang madaya! Tsaka hindi ka maganda, si Dakota lang maganda sa inyong apat."

"Wooh, biased. Palibhasa may HD ka sa kapatid ko! HAHAHAHA--" Napatigil ako sa pagtawa nang biglang bumukas ang gate at tumumbad sa amin si Stasia na lukot na lukot ang mukha. Agad kaming napatayo ni Naruto at napalayo sa kanya.

"Sino sainyong dalawang kutong lupa kayo, ang kumain ng black forest cake ko?" Her voice was scary kaya pareho kaming napalunok ni Naruto at tinuro ang isa't isa, at sabay na sinabing, "Siya."

Pinanliitan niya kami pareho ng mata, "Uulitin ko, sino sa inyong dalawa ang kumain ng black forst cake ko?"

Sabay kaming umiling ni Naruto, at sabay din nagsabi ng, "Hindi ako."

Napalunok akong muli nang ipakita ni Stasia ang hawak niyang baril at ikinasa ito sa harap namin. Ohmygosh. Mas beastmode siya pagbuntis. Huhuhuhu

"Sino?" Itinutok niya sa amin pareho ang baril. Salit-salitan kami ni Naruto.

"Ako!" Sigaw namin pareho sa sobrang taranta saka agad na umiling at tinuro ang isa't isa, "Siya! Siya talaga!"

The Puerile QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon