Prologue

38.9K 836 54
                                    

PROLOGUE
The Puerile Queen

Kunot na kunot ang aking noo nang maputol ang teleseryeng pinapanood ko just to watch this paepal advertisement of a new reality TV show.

"You frown like my lola, Bribri," my housemate, Candice, commented.

"Eh kasi naman!" Reklamo ko sa isang mataas na tono sabay turo sa screen. "Look! Pinutol nila ang teleserye ng bebelabs ko, just to show this annoying face of the King Ryker Constantine!"

She only laughed at that. Umismid ako at tinitigan ang lalaki sa screen. Nakasuot ito ng isang dark green na trench coat na may itim na panloob. Hapit sa kanyang legs ang suot niyang jeans na pinartneran ng kulay dark brown na leather shoes.

Mayabang siyang nag-sasalita sa harap at nanghihikayat ng mga babaeng sumali sa bago niyang show na tila hinango lang naman sa The Bachelor. Walang originality. I don't even know why he's famous. Not only here in England, but worldwide!

"You're glaring too much, Bri!" Natatawang puna ni Candice. "Don't throw something on the screen, please!"

Ngumuso ako. Hindi ko talaga alam why girls keeps on idolizing him! I get that he's handsome, but hey, how can people admire someone who's always seen with girls in different clubs?! Laman iyon palagi ng news. Walang palya, kada linggo ay naiissue siya sa iba't ibang modelo!

Not only that, there are pictures who show that he smokes! And there's even a rumor that he uses illegal drugs! He's all over the news. My gosh, he's an eyesore!

Ni hindi nga maganda yung mga ginagawa niyang kanta! He only talks about the "s" word, drugs, cigarettes in his songs. Walang laman ang mga kanta and he claims he wrote it himself!

Siguro nga may mga taong ganoon ang tipo ng kanta. Pero sana manlang maayos ang delivery niya. Parang laging rushed ang ginagawa niyang music. Basta lang may mailabas na bagong kanta! And he sounds like a robot too! Is he really a musician?!

"Bri, your nerves are showing," puna muli ni Candice. Bumuntong hininga nalang ako. I should stop thinking about him, it stresses me out. Hindi ko dapat siya pinaglalaanan ng panahon.

"The production will choose two hundred lucky girls all over the world to be part of this show..." Paliwanag ng boses ng babae sa TV habang pinapakita ang iilang clips nung kinaiinisan kong artista.

The newest reality TV show is a contest between girls. The prize? She'll be King Ryker's date for the upcoming Christmas Ball. And he will also decide whether to keep the girl as her girlfriend or not.

Silly way to find someone a date. Masyado nilang bini-big deal iyon. Siguradong aabot sa langit ang ego ng lalaking iyan dahil 200 ba naman na kababaihan ang pipila sa kanya eh!

I let out a deep sigh. "Kung si Ryder pa 'yan edi sana ako ang kauna-unahang nagpupumilit na makasama sa 200 lucky girls."

That was a joke. Even if it's my crush, I will not participate sa mga ganoong klaseng contest. Char. Di 'ko sure.

Tumawa lang si Candice. "I hope you'll be one of the candidates. It would be cute and hilarious."

I pouted. "Don't wish for that!"

Kung si King Ryker lang din naman pala ang premyo, 'wag na uy! Over my dead body! Charot.

Minsan ang OA ko talaga. Masyado kong jina-judge si Ryker base lamang sa mga issues na nakikita.

She shrugged. "Sige't ipagdadasal ko nalang."

Ngumuso lang ako at ibinalik na ang tingin sa screen. Candice is my bestfriend here in England. We met each other the first week I went here in London. That was two years ago. Naghahanap kasi ako ng makakahati sa bayad sa bahay dahil masyado itong malaki para sa akin.

The Puerile QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon