Chapter 6: A question

19.8K 672 98
                                    

Pinandilatan ko siya ng mata, ano bang problema niya at ayaw niya pa akong paalisin sa show na ito?

"I want to leave." Madiin kong sabi.

"I won't give you the permission." He said firmly saka lumingon doon sa epal na direktor na umuusok na ata ang ilong dahil sa kagagahang ginawa ko nanaman, "I'm going to talk to this lady first. Let's take a break first."

Ibinaling niya muli ang tingin sa akin, "Come with me."

I glared at him, seriously? Hindi niya ba maintindihan na ayoko sa kanya? Mygodsz

Bumuntong-hininga siya at hinila nalang ako palabas ng studio, nag-loosen yung hawak niya sa braso ko as it go down my wrist.

Halatang gulat lahat ng staffs pati na ang mga contestant nang lumabas kami, may ibang naiiling pa dahil sigurado silang may ginawa nanaman akong mali.

"How do you calm yourself?" Tiim niyang tanong habang kinakaladkad pa din ako.

"Singing." Sagot ko naman, nagkakandatapilok na ako dahil naka-heels pa din ako kaya naman inis ko siyang sinigawan, "Will you please slow down?! I'm still wearing my heels, so if you don't want me to break my bone, slow the freaking down!"

Tumigil naman siya at hinarap ako, he looked down on my feet before kneeling in front of me, napasimangot ako nang dahan-dahan niyang tanggalin ang magkabilang heels ko.

"Hold this." Sambit niya saka pinahawakan ang heels ko, sinambot ko naman ito at agad akong napatili nang bigla niya akong buhatin ng parang pambagong kasal.

"Ibaba mo nga ako!" I squealed pero dahil hindi nga pala niya ako naiintindihan, naglakad lang siya't hinayaan akong magpupumiglas.

Kinalaunan ay napagod din ako at hinayaan nalang siyang buhatin ako. Ayos din yun, conservation of energy. Ha-ha. Tss

"Why are you so earsplitting?" He asked with scrunched forehead. Umirap lang ako saka ngumuso kaya natawa siya.

Maya-maya lang ay ibinaba na niya ako, nasa tapat kami ng isang malaking kwarto.

"Wow." I mumbled in astonishment. Bakit ngayon ko lang nakita to? It would be a great place to ease my annoyance to this show.

Alam niyo yung sinayawan ni Belle at nung beast? Parang ganun yung style eh. Ang kaibahan lang, pinalilibutan ito ng ilang libro at musical instruments. Sa gitna ay mayroong nakadisplay na kulay puting piano. At may napakagandang chandelier sa ceiling.

Mayroon ding sofa sa gilid at tea table. Ang sososyal ng mga kagamitan na para bang nasa isa akong palasyo.

Ohmygods. Pinangarap ko pa namang maging prinsesa tapos tumira sa isang napakagandang palasyo. Kaya dream come true na may ganitong klase ng kwarto sa mansyon ng mga Constantine!

Natauhan lang ako nang sinuotan ako ni Ryker ng isang fluffy house slippers.

Biglang nawala yung irritation ko kay Ryker because of this wonderful place tapos ang cutie cutie pa nung slippers!

"You're drooling." Natatawa niyang sambit saka kunwari'y pinunasan ang laway ko sa gilid ng bibig. Umirap nalang ako saka naglibot sa place pero hinila naman ako nito sa gitnang parte kung nasaan yung piano.

"Sing." Utos niya saka humalukipkip sa harap ko.

"Why would I?" I asked arching an eyebrow.

"You said it will make you calm."

"I'm calm."

"No you're not. You're Breanna." He chuckled. Uhmm, nag-joke ho siya. Tatawa ba ko?

The Puerile QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon