"Achoo." I sneezed loudly before wrapping myself with my blue blanket.
"Jusmiyo, Breanna. May sakit ka nanaman." Utas ni Hayley saka ako nilagyan ng bimpo sa noo.
"Yung snow kasi eh. Ang cute." I said pouting. Tumayo na si Hayley saka isinuot ang jacket niya, "In-on ko na yung heater. We're going out today para makabili ng winter clothings. May ipapabili ka ba? Ako na ang bibili at mukha ka ng lantang gulay diyan."
Ngumuso na lamang ako at sinabing bilhan niya nalang ako ng sweaters dahil hindi ako nakapagdala noon.
"By the way, Bri, we'll be filmed tomorrow para sa isang morning interview, okay? So you need to wake up early." She reminded. Tumango na lamang ako at nagtalukbong na ng kumot.
"Rehearsals will be on Friday. Then Sunday ang talent sho--"
"Kailan tayo magdedecorate for Christmas?" Tanong ko nang medyo nakadungaw sa kumot.
"Aba, malay ko." Kunot-noo niyang sagot, "Sige na, magpahinga ka na."
Pinagmasdan ko siya hanggang sa makalabas siya ng kwarto ko. I sighed exasperately before staring at the ceiling, "Anong kakantahin ko sa Linggo?"
Imbis na nagsasaya ako dahil malapit ng magpasko, namumroblema pa ako kung paano ako kakanta sa harap ng madaming tao.
I decided not to think about it muna. Kinuha ko ang laptop ko at nag-bukas na lamang ng social media accounts ko. After scanning my facebook and instagram account na halos puro admiration at criticisms ng ilang fans ang nababasa ko ay naisipan kong mag-open ng twitter.
Sakto namang nakavideo-call kami ni Candice, "Ano twitter account ni Ryker?"
From the screen ay nakita ko ang paglawak ng ngisi ni Candice, "Iba na talaga yan, Bribri. I think, hindi na si Ryder ang laman niyang puso mo."
Ngumuso naman ako, "Loyal to." Loyal nga ba?
"Just tell me his twitter account, please." I pleaded, trying to prevent my sipon from falling. Hehe
"You can ask him naman, there's nothing wrong."
"Wala siya dito."
She grinned at me, "Edi itext mo."
"You can just tell me naman, why you gotta be so rude?" I said frowning, "Don't you know I'm human too?"
Tinaasan niya lang ako ng kilay, kinuha ko naman yung hairbrush at ginawa itong mic, "Why you gotta be so rude? I'm gonna marry him anyway! Marry that guy. No matter what you say. Marry that guy."
"Hanep ka, Bribri." She laughed softly, "Parang may hugot feels eh. Sige't ipapakasal na kita sa kanya."
"Kay Ryderbebelabs?!" I asked gladly. Libre na niya ang kasal namin ni Ryder, good news ito. Mwahahaha
"Hindi. Kay Ryker." She teased.
I scowled at her then said, "Katampo ka na ah! You always bully me. Huhuhu."
"iamkingryker nga pala."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Ha?"
"iamkingryker." Ulit nito.
"Nakadrugs ka ba? Hindi ikaw si Ryker!" I said, slowly widening my eyes, "Holy smurfs, kaya ba ang pangit mo na kasi you're taking illegal drugs?! Tapos akala mo pa ikaw si Ryker! Ohmygod, nagdadrugs ka nga!"
Nakita ko ang pag-sapo niya sa noo niya bago umiling-iling, "Kailan ka ba tatanda, Bribri?"
"Magtu-twenty one na ako sa December 24. Hihihi." I giggled. One of the reasons why I love Christmas is because of my birthday.
BINABASA MO ANG
The Puerile Queen
Fiksi Penggemar[[THE QUEENS SERIES II: The Puerile Queen]] Puerile (adj.) : silly or childish especially in a way that shows a lack of seriousness. Queen (n.) : a woman eminent in rank, power, or attractions Puerile Queen (n.) Breanna Suarez. - This is a work of...