Chapter 1
--
Have you ever seen someone so beautiful in your eyes? 'Yong tipong kahit nakapikit ka pa o kahit mabulag ka, pakiramdam mo, ang ganda-ganda niya? 'Yong para siyang kumikinang sa mata mo kahit madilim ang paligid?
"What if tumahan ka na riyan at kumain na. Kanina ka pa nakatutok diyan," wika ng aking anim na taon nang kasintahan na mukhang mas sumasakit pa ang ulo sa akin. Inabutan pa niya ako ng malamig na tubig at bakas sa kaniyang mukha na kung pwede lamang niya akong kaladkarin para kumain, ginawa niya na.
Tinanggap ko ang inaabot niyang tubig at hinarap siya. "Hindi ko na alam gagawin. Mababaliw na ako," sagot ko.
"Ano ba 'yan? Wala ka pa bang nadadagdag?" tanong niya saka sinilip ang laptop ko. Ultimo siya ay napasimangot mang mapansing walang progress ang ilang linggo ko nang ginagawang nobela. "Ilang linggo na 'yan, mahal. Anong klase pa ba ng motivation ang kailangan kong gawin sa iyo?" dagdag niya't bumuntong hininga.
Maging ako ay napabuntong hininga rin. Parehong tanong sa isipan ko ang bagay na 'yan. Kung bakit kasi romance pa ang genre na napunta sa akin? Iyan na yata ang pinakamahirap na genre para sa akin.
Sa ilang taon kong pagtigil sa pagiging nobelista dahil sa kaabalahan ko sa pag-aaral sa kolehiyo, kasunod ng paghahabol ko sa midwifery career ko, parang nakalimutan ko nang bumuo ng mga salita at maglathala ng mga pangyayari. Nabulok na yata ang writing skills ko sa sobrang tagal ng pagkatengga nito sa baul.
Pero kahit anong gawin ko, palagi pa rin akong tinatawag ng mga paksa. The pen keeps on messing with my peace, kaya nga sinubukan ko ulit magsulat at tanggapin ang offer ng isa sa mga kasabayan kong manunulat noon na may-ari na ng publishing house ngayon nang sabi niya'y naghahanap siya ng romance writer na gagawin niyang ganap na author at gagawing traditional book ang magiging akda nito.
Nagpadala ako sa matatamis niyang salita dahil sinong tao ang may ayaw ng libro, at ngayon, nagdudusa ako dahil walang-wala talaga akong maisulat.
"Hindi ko rin alam. Parang gusto ko nang atrasan. Ang hirap ng romance. Hindi ko mahugot 'yong emosyon," reklamo ko na naman kay Enzo.
Mahina itong tumawa saka hinila ang upuan patungo sa tabi ko. Inagaw niya ang laptop ko't binasa ang dalawang daang salita na nai-type ko roon.
"Ito naman, parang single. Akala mo wala kang boyfriend para mahirapan gumawa ng romance," pang-aasar niya saka ako mahinang pinitik sa noo na ikinasimangot ko. "Gawin mo na lang libro ang love story natin para hindi ka na mahirapan."
"Aba'y sinong teenager ang magkakainteres sa love story nating dalawa? Wala, uy," irap kong sagot.
"Hindi ba interesting ang love story natin?"
"Hindi."
Dramatiko siyang napahawak sa kaniyang dibdib na akala mo'y nasasaktan talaga. "Aray. I feel my heart cracked."
Natatawa ko itong hinampas sa hita saka inagaw ang laptop ko pabalik. Lalo akong walang matatapos sa ginagawa niya. "Doon ka na. Mamaya na ako kakain. Isa kang malaking distraction," pagtataboy ko.
Gayunpaman, lalo lang siyang lumapit sa akin. Niyakap pa niya ako kahit napakainit ng panahon (salamat sa aircon ng condo niya, nabawasan ang init) at sinandal ang ulo sa balikat ko kahit alam niyang mag-ty-type ako.
"Ang lambing mo ngayon. Anong kasalanan mo?"
"Hoy, wala, ah."
Napaarko na lamang ang kilay ko. Hindi naman ganito si Enzo. Hindi siya clingy o sweet. Hindi ko nga rin alam kung papaano ko siya natagalan ng anim na taon bukod sa kaisipang mayaman-yaman siya. Hindi naman sa pagiging gold digger. Gusto ko lang maging practical. Siguro isa na rin 'yon sa dahilan, pati 'yong personalidad niyang pagiging mabulaklakin magsalita.
BINABASA MO ANG
Wife Series #6: Last Flight Home (PaperInk Imprints Collaboration) | COMPLETED
RomanceAwesomely Completed! Drama - Under Paperink Imprints Collaboration Monitored by The Project Finish Wife Series Collab House #6: Last Flight Home ───────────────────── How far can Cindy Arizala-Villarin stand and fight for her family if the hardest p...