Chapter 10
--
I am not a religious type of person. Siguro nga'y kung pupwede lang palitan si Lilith bilang first lady ng impyerno, baka isa ako sa mga aplikanteng qualified para sa trabaho niya roon. I can't even remember if I had tried praying before— not until now.
Kung siguro'y may kasama ako sa chapel ng ospital, baka pagkakamalan na ako nitong baliw dahil sa lakas ng hagulgol ko habang nakapikit at nakaluhod. I've been calling unto the Almighty to help Enzo wake up that I don't know which and what words will I use to do it.
"P-Please..." that's all what I can say.
Paulit-ulit lamang akong nagmamakaawa sa takot at pag-aalala. Gusto ko Siyang sisihin. Gusto kong isumbat sa Kaniya na nagsisimula pa lamang kami ng asawa ko. Hindi pa nga fully okay ang mga bagay-bagay pagkatapos ay bigla na lamang niya akong sasampalin ng ganito.
"I know that I've been a bad daughter, sister, wife, friend, and your human, but please, God..." I cried.
It's hopeless. Before, I promised myself that I will never be like my mom, the one who do the begging. Gusto kong ako 'yong hihingian ng awa. I want them to beg for me, but then, para yatang sinampal ako ng Panginoon ng reverse card. I did think too higly of myself, I forgot that I'm just a mere dust when my body bite the dust.
Wala na akong ideya kung gaano katagal o kung gaano karaming luha ang naibuhos ko sa chapel na iyon. When I stood up, I almost fell on my knees. Hindi ko na sila maramdaman. Namamanhid na sila at namumula sa sobrang tagal ng pagluhod ko. Hindi na ako magtataka kung magkakaroon ako ng pasa.
Ang lagkit na ng mukha ko. Ang sakit-sakit na ng mata ko. Nararamdaman ko na ang pagod mula sa trabaho at ang bumabalik na gutom na kanina pa lumipas. Gustong-gusto ko nang humiga sa tabi niya. Gustong-gusto ko na siyang yakapin ulit at sabihing mahal ko siya.
I walked back to his room. Para akong hinahapyaw ng hangin. Ni hindi ko maramdaman 'yong pagtapak ko sa sahig. Para akong lumulutang sa mga paglakad na ginagawa ko. Dinaig ko pa ang multo na nakalutang sa ere.
I snapped back to reality when I saw people (patients, nurses, guardians) gathered around the door near Enzo's room. Para silang may pinagkakachismisan doon, may bulong-bulungan pang nalalaman.
Para akong sinampal no'n ng malapad na kamay. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Nagmadali akong lumakad doon at nakipagsiksikan sa mga tao. May natapakan pa nga akong paa at naitulak pero wala akong pakialam. Ang nasa isip ko lang no'n may magdali para mapuntahan ang asawa ko.
And there, I saw his family crying for him— especially his ate Lucy.
"You!" she shouted the moment she saw me.
Napako ako sa kinatatayuan ko. I was stuck between running away or facing them that time. I was calling for all heavens. Sa dinami-rami ng araw, bakit ngayon pa?
"Bakit?! Cindy, bakit?!" paulit-ulit niyang sigaw.
Napakaingay ng paligid. Nararamdaman ko rin ang mararahas na paghila niya sa buhok ko at ang masasakit na kalmot niya sa braso't mukha ko. Ni hindi ko alam kung ilang tao na ba ang umaawat sa kaniya, ngunit wala akong ginawa. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hinayaan ko lang siyang ganoon.
"Ang tagal na pala, Cindy, bakit hindi ka nagsalita?" aniya bago ako binitiwan dahilan para bumagsak ako sa malamig na sahig. Idinuro ako nito't muling bumulyaw, "Bakit hindi mo man lang ipinaalam sa amin?"
Umiling ako. Hirap makahinga. Nag-pa-panic. Naghahabol ng hangin. "A-Ayaw niya..."
"At kailan mo balak sabihin, ha?! Kapag bangkay na lang ang kapatid ko? Ganoon ba?!"
"Hindi!" agad kong tanggi. Maging ako ay napapataas na rin ang boses. "Gustong-gusto kong sabihin sa inyo, ate, pero... p-pero natakot ako..."
"Anong rason 'yan, Cindy?" humahagulgol niyang wika saka napaupo na lamang sa sahig at tinakpan ang mga mukha. Kuya Eric immediately come to assist her. "Anong klaseng rason 'yan? Napakawalang kwentang rason 'yan."
"Sinong hindi?" Pinilit kong tumayo kahit pa hinang-hina na ang mga paa ko. "Kahit minsan ay hindi ninyo ako tiningnan sa mata. Kahit minsan ay hindi ninyo ako pinakinggan. Kahit minsan ay hindi niyo hinayaan si Enzo sa gusto niya. Matanda na si Enzo, ate, pero trinatrato niyo pa rin siyang bata! Masisisi niyo ba kami kaya hindi kami nagsalita?"
Ate Lucy looked at me with bitterness, anger, and pain in her eyes. It feels like she's killing me with her stares and I couldn't take it.
"Get out."
By just that, I turned by back at them and slowly walk away from them. Away from all of this.
"I never liked you. Napakaduwag mo. Ni hindi mo siya kayang ipaglaban..."
So again, I run and run and run, anywhere, somewhere, everywhere. Pilit kong binubulong sa sarili kong mali ang huling sinabi ni ate Lucy. No, I fought for us. I fought for Enzo. They just couldn't accept defeat.
And again, I bump into someone that made me fell on the floor. Pag-angat ko ng tingin ay doon ko nakita ang malalamig na mga matang nakatingin sa akin na tila tumatagos sa kaluluwa ko.
How come you and Enzo have the same almond eyes, but yours are the coldest?
"Engineer Villarin..." I said under my breath.
"Come with me," she said with her cold tone and turned her back at me. Mukhang nakaramdam yata itong hindi ako nakagalaw kaya't muli itong nagsalita't sinabing, "Habang natatansya pa kita, sumama ka."
I believe in mother's love and care. Naniniwala akong ito ang pinakamahirap na kalaban sa lahat. Iba magmahal ang isang ina. Hindi iyon matutumbasan ng kahit anong ginto, bagay, o kahit pa ilang babaeng dumating sa buhay ng isang tao.
And tonight, I proved that right when my husband's mom took me to a restuarant where Enzo brought me after we had our secret wedding.
"Eat first," anang ina ni Enzo habang eleganteng nag-s-slice ng kaniyang steak.
Nakakatakam. Sa totoo lang ay kung nasa hulog lang ako, kanina pa ako kumakain. Sinong tatanggi sa pagkain? Pero dinaig ko pa ang baliw ngayon. Wala akong gana at ayoko rin ng kasama ko kumain.
"Sorry, ma'am. Can we go straight to the point?" pagpraprangka ko rito. Kung pupwede ko lamang itong dugtungan ng mga salitang, 'Wala akong panahon para makipagplastikan' ay malamang, ginawa ko na. Mabuti na lamang at tinuruan ako ng karanasan sa buhay maging marespeto.
"Brave," she shortly replied.
Nanatili akong walang kibo o galaw. Nakayuko lamang at tinititigan ang medium-rare steak. I never liked unwell cooked foods. Never even raw foods. I tried once and sworn to myself that I will never do it again unless it's vegetable, tapos ay se-serve-an niya ako ng medium-rare steak? Alam na alam niya talaga kung paano ako gaguhin.
"Well then, dahil na rin sinabi mo na. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Nilapag niya ang isang brown envelope sa lamesa at tinulak 'yon patungo sa akin. "Check it yourself," she commanded.
Gulong-gulo man ay pilit ko pa ring binuksan ito't tama nga ako. Isa nga itong annulment papers na may kasama cheke na nagkakahalaga ng milyones.
"Restart your life, build a business, move elsewhere far, find another man, I don't care. Just go and run away from my son. He doesn't deserves you."
Who are you to dictate whom I deserve and whom I don't?
"You don't deserve to love an ill man. Mapapagod ka lang mag-alaga. Maiiwan ka lang mag-isa sa dulo. You deserve someone better. Someone who can live a longer life for you, Cindy, so go." She came closer to me and held my trembling hand. I looked at her and she also looked at me. Pakiramdam ko, naglalaban ang mga tingin namin. "Go. Go far away. You don't want to see him dying, aren't you?"
I goes.
‐-
asereneko.
BINABASA MO ANG
Wife Series #6: Last Flight Home (PaperInk Imprints Collaboration) | COMPLETED
RomanceAwesomely Completed! Drama - Under Paperink Imprints Collaboration Monitored by The Project Finish Wife Series Collab House #6: Last Flight Home ───────────────────── How far can Cindy Arizala-Villarin stand and fight for her family if the hardest p...