Chapter 7
--
My mind went from being to noisy to suddenly blank. Pag-uwi ko sa apartment ko ay naabutan ko si Enzo bahagyang nakahiga lamang sa sofa habang chine-check ang tablet niya kung may kailangan pa bang ayusin sa blueprint na trinatrabaho niya last week.
Napaka-chill lang niya na akala mo'y wala kaming natanggap na masamang (hindi lang masama kundi masamang-masama) balita. Tila hindi niya iniisip. Parang wala lang.
Hindi ko alam kung dapat ba akong natuwa dahil hindi siya bothered at hindi niya in-o-overthink o kailangan ko bang magalit dahil ganoon nga.
I don't understand him. How can he chill like that when he's silently dying? How can he chill like that after knowing that he's being silently killed by an undefeatable enemy? How can he chill like that when I can't?
"Have you taken your medicine?" I asked him. Mabilis akong nagtungo sa lamesa saka chineck kung may bawas ba ang gamot niya. "Bakit hindi ka pa umiinom ng gamot?"
Enzo didn't answer. Nanatili siyang bahagyang nag-he-headbang habang tumutugtog ang paborito niyang banda sa smartphone niya. Nanatili siyang pokus sa blueprint na tila hindi narinig ang sinabi ko.
I looked at my wrist watch to check time. It's past dinner already. "Kumain ka na ba, asawa?" tanong kong muli saka binusisi ang kaldero at rice cooker. May laman pareho na kanin at chicken curry pero halatang walang bawas.
Napabuntong hininga ako no'ng hindi pa rin siya sumagot. Napapagod ang pisikal kong katawan galing sa trabaho kahit pa half day lang naman ako at walang masyadong pasyente. Lalo akong napapagod sa kaiisip ng mga bagay-bagay sa pamilya ko at kay Enzo na parang wala namang kaano-ano sa mga kaganapan.
"Kumain ka na. Hoy," tawag kong muli habang naghahanap ng pantulog. Gusto ko nang mag-shower at matulog. "Para makainom ka na ng gamot," dagdag ko pa.
Ngunit wala ulit siyang sinabi. Kung normal and healthy day lang namin ito, baka kanina pa ako nagagalit at sinisigawan siya. Baka kanina pa kami nag-aaway— o kanina pa ako nang-aaway sa pagkapikon, pero hindi. Ayokong dagdagan ang sakit niya. Natatak sa utak ko na isa na siyang time-bomb at kailangang-kailangan kong habaan ang pasensya ko.
Ngunit nang makalabas ako sa banyo ay wala pa rin siyang kibo sa sofa. This time, he's no longer checking his blueprint. He's now playing an online MOBA games— his past time. Damang-dama ko pa ang gigil ng mga daliri niya sa pagpindot ng phone.
Hindi ba siya nagugutom? Nalipasan na siya sa tamang oras naman na dapat pagkain niya na. After changing clothes, ako na mismo ang pumunta sa kusina para magsandok ng makakain. Pagod at inaantok na ako sa puntong wala na akong ganang kumain, pero sasabayan ko na lamang siya.
"Enzo."
It was as if my last call. Napapagod na akong magpaulit-ulit ng tawag. Akala ko'y lalapit na siya sa warning tone ko dahil ganoon naman siya lagi noon, pero hindi ko alam kung bakit hindi siya lumapit ngayon. Hindi ko alam kung hindi niya ba ako narinig o sadyang ayaw niya lang kumain which is hindi naman pwede.
"Enzo, ano ba? Bingi ka ba?" bulyaw ko sa kaniya.
Saglit lang niya akong tiningala saka bumalik sa paglalaro na parang walang nangyari. "Ayoko kumain, e," sagot niya sa akin na lalo kong kinainis.
Lumapit ako sa kaniya saka inagaw ang phone niya't pinatay 'yon. Wala na akong pakialam kung magalit siya o hindi. Ayoko ng ganiyan siya umasta. Parang tanga na barumbado na ewan.
"Magpapakamatay ka ba, Enzo?" singhal ko na dinuro pa siya— bagay na ayaw na ayaw niyang ginagawa ko. "Hindi ka pwedeng magganiyan-ganiyan! Please lang, huwag ngayon! Napapagod ako sa trabaho. Huwag ka munang magmatigas ngayon at magpaalaga na parang bata."
"Wala namang nagsabi sa 'yong alagaan mo ako, ah?"
I was stopped because of that. Hindi ko inaakala na biglang niyang sasabihin 'yon sa harap ko. Napatayo rin ito, kamuntik-muntikan pang matumba, saka pumasok sa kwarto at sumalapak na lamang sa kama.
"Matulog ka na kung napapagod ka. Walang nag-uutos sa 'yong mag-alaga ka ng parang bata na may cancer pala," dagdag pa niya.
It strucked my heart. Naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganiyan. Gusto ko lang naman siyang tulungan maging fit at ma-maintain ang healthy body niya.
"Kakain lang, Enzo. Ayaw mo bang humugot ng lakas? Jusko, Enzo, mag-che-chemotherapy ka. Kailangan—"
"Ayoko."
"What?"
"Ayaw kong magpa-chemotherapy. Ayaw ko nang maghirap. Doon lang din naman papunta 'yon."
Para akong nabingi. Tuluyan nang nagpatakan ang mga luha ko sa sobrang pagkagitla sa sinabi niya. "What the hell are you talking about, Enzo?"
He sat on the bed and grab his bottle of pills on the bed side table. Akala ko naman ay iinumin niya ang gamot pero nagulat na lamang ako nang bigla niyang ibato 'yon sa malapit na basurahan.
"Ayoko, Cindy. I'll die anyways."
"Enzo, ano ba?! Nanggagago ka ba? Tangina, ginagago mo ba ako?!" I clenched my fists after getting the pills bottle on the garbage. "Hindi mo man lang inisip ang maiiwan mo, Enzo! Nandito pa ako, oh. Putangina naman. Sinaway na natin lahat. Tinalo na natin lahat. Ultimo batas ng magulang mo! Bakit ka ba nagkakaganiyan?"
He didn't answer. He remained quiet. Nanatili siyang nakayuko lamang habang nilalaro ang kaniyang mga daliri. He's like that when he's anxious... when he doesn't know what to do.
"Please cooperate! Nandito pa ako, oh. Nandito pa ako. Asawa mo ako, Enzo, asawa. Parang-awa mo na, huwag kang magsalita ng ganiyan kasi nasasaktan ako!" I roughly wiped my tears away and looked at him in the eye, pleading and begging for healing.
He looked back at me, emotionless and blank. It's the first time I saw him like that. It feels like he's no longer the Enzo I used to know. Why? Why does he look at me like that? Bakit?
"What do you want me to do then?" he coldly ask that as if brought shivers in my system.
I walked near him, bend my knees, and held his hand. "Please, let's heal together. Cooperate with me, love. Let's have chemotherapy and medication..."
But he just turned his gaze away, didn't even hold my hand back, and shook his head.
"Ayoko."
So I run.
--
asereneko.
BINABASA MO ANG
Wife Series #6: Last Flight Home (PaperInk Imprints Collaboration) | COMPLETED
RomansaAwesomely Completed! Drama - Under Paperink Imprints Collaboration Monitored by The Project Finish Wife Series Collab House #6: Last Flight Home ───────────────────── How far can Cindy Arizala-Villarin stand and fight for her family if the hardest p...