Chapter 13
--
One of the reasons why I'm breathing in this world is our mutual smiles and chorus laughters. Oh, God, how I live for those.
"Hala, mahal, naka-ruler ka na nga, baliko pa linya mo," natatawa niyang wika saka itinuro ang drawing ko sa sketchpad niya.
"Aba, pasensya? Midwife ako, hindi ako engineer," irap kong sagot sa kaniya. Kung pupwede nga lang ay ihampas ko sa ulo niya ang sketchbook ay baka ginawa ko na, kaso huwag. Baka lalong umiksi ang buhay.
"Pantayin mo, asawa. Paano tayo magpapatayo ng bahay niyan?"
"Kuha na lang tayo sa mga old sketches mo."
"Gusto ko, dream house mo 'yon ipapatayo natin."
"Pero na-drawing mo na 'yong dream house ko." I looked at him, smiled, and kissed his chin making him also smile sweetly at me. "Actually, kahit saan, basta kasama ka."
Natawa na lamang ako nang bigla siyang napapalakpak na parang bulateng inasinan. May paliyad-liyad pa na akala mo'y hindi nanghihina. "'Yun, oh! May paganon si madam. Kinikilig naman ako," he joked.
"Luh? Baliw?" Inirapan ko siya kahit natatawa pa rin ako bago muling itinuloy ang pag-dra-drawing kuno mg dream house ko na non-existent naman. "Parang teenager, oh."
We laughed. I felt his arms encircled my waist before resting his head on my shoulder. We fell silent. He's just watching me doing some random sketch lines which I had no idea which and what for— maybe just to say that I'm drawing something.
It was one of the calmest situation we've ever been since he was admitted in this hospital months ago. Palagi kasi akong binabagabag ng mga agam-agam, takot, at pangamba. Kung hindi man ako natatakot para sa sakit at buhay niya, iisipin ko naman ang pamilya niyang kaswerte-swertihan lang na hindi ko nakakasalubong dito sa tulong na rin ng kuya Eros niya na tumutulong din naman sa aking magtakas-takas kung makakasalisi ko na sila.
Not only that. Hindi naman kami palaging magkasama kaya't kapag nasa labas naman ako't magkahiwalay kami, lalo akong hindi mapakali. Bilang lamang sa daliri ang mga panahong nagkakasama kami during his therapy and it's making my anxiety worse than ever.
Waring isipin na nasa kalagitnaan ako ng pagpapaanak sa pasyente pagkatapos ay iniisip ko pa siya. Isa na lamang himala ngayon kung papaanong wala pa akong nahuhulog na sanggol dahil bigla akong nawalan ng lakas.
That's why now, the way silence dominate the cold room due to the air-conditioning . . . .
The way how his frail body embraces mine as if he's trying to take my warmth . . . .
His breath within my skin . . . .
Oh, God, I live for these moments. His calmness gives me strength to fight and the ought to continue. After all these years, after all this struggles . . . he's still my everything.
"What are you thinking?" he asked me when I suddenly stopped drawing as he kissed my cheek.
I lightly shrug before signing the artwork— if it is even an artwork. "Before, palagi kong sinasabi na kapag nakasal na tayo, kapag nagkabahay na tayo, mag-s-stop muna ako mag-work as midwife kasi gusto kong magkaanak," I replied.
"Hmm?"
"I am always curious what would you look like when you're holding our child in your arms. Will you be happy? Will you cry? Will you thank me or will you curse me?"
He giggled. "I'll thank you, of course. I'll probably too grateful, I'll kneel for you."
"Baliw," natatawa kong kumento sa sinabi niya.
Kinuha niya ang sketchpad na hawak ko't inilapag iyon sa katabi niyang lamesa bago humiga sa mga hita ko't pumikit. "Totoo naman. Baka mas masaya pa ako kaysa sa 'yo," katwiran niya naman.
I gently stroke his head. Nakasuot siya ng bonnet dahil ayaw niyang nakikita ang ulo niyang nalagasan na ng buhok. Lately, I've been thinking if I should cut my hair too so that he won't feel insecure anymore. Pogi ka pa rin sa aking paningin, mahal kong asawa, may buhok man o wala.
"I wonder what will your kid look like. Will he take your looks? Or will he take mine?" I asked again, daydreaming, imagining what it feels to carry my own kid.
"I conclude na ikaw na lang maging kamukha nila. Okay na ako sa mukha ko. Sosolohin ko na lang 'to."
Mahinang palo sa braso ang inabot niya sa akin dahilan para mapaatungal siya. "Ang seryoso ng tanong ko rito tapos i-do-dogshow mo lang ako? How dare you, madam?"
He laughed at what I said like it's the most hilarious thing he had ever heard. Pati tuloy ako ay napapatawa na lamang. Marahil nadadala pa sa tawa ang mga agam-agam naming dalawa. Tama, itatawa na lamang namin ang lahat. Besides, pain is inevitable, suffering is optional. It is your own choice if you decide to suffer or not.
"But kidding aside, love, I want them to look like you. I want my kids to be the proof of what the most beautiful woman I've ever met looks like."
It makes my heart flutter. Parang teenager. Kinikilig pa rin ako sa mga kalokohan at mabulaklak niyang mga salita. Tanda ko pa ang mga panahong nililigawan niya pa lamang ako. Ganito rin ang kilusan niya. Sinabi niya pa nga noon, "Araw-araw kitang liligawan", and he's doing it. He's courting me everyday and even if he's now weak and sick, he's still courting me like the good old days, keeping his promise.
"Just how many children do you want?" I asked again.
"Hmm? Let's see," he answered and jokingly counted his fingers. Parang gusto ko tuloy siyang hampasin ng bilao. "Siguro mga walo."
"Walo— what the hell?"
"Joke lang!" he giggled. "Hindi ko na kaya 'yong walo. Baka nga imposible na 'yong isa, pero kung tatanungin ako, dalawa or apat. Basta walang gitna."
I nods. "Tama. Mahirap maging middle child. Dalawa lang, okay na 'yon. Mahal ang gatas at diaper."
"Agreed."
Parang biglang may dumaang anghel sa pagitan naming dalawa nang bigla kaming manahimik. Ilang segundo lang ay bigla na lang kaming nagkatinginan na parang pareho yata kami ng iniisip.
"We can't sex anymore, right?" he stated and intertwined our hands. "Sayang. Masarap pa naman 'yon."
"Gago, bastos," puna ko kaagad na patawa-tawa pa, pero sa loob-loob ko ay sumasang-ayon talaga ako, eh.
"Kung ako tatanungin, gusto ko pa, pero hindi na kaya ng katawan ko. So, are you thinking what I'm thinking?"
Tahimik akong tumangong muli. Sa katunayan ay kanina ko pa 'yan naiisip. Kanina ko pa gustong i-suggest kaso baka ayaw niya kaya inunahan ko muna ng booster topic para mapadpad kami roon. Pangit naman kung biglang arangkada na lang ng suhestyon na 'yon, hindi ba?
"Do you want it?"
"That's the last option we have so you can conceive?"
"Yeah. If we can't coitus, we can do that. Though we'll pay big time."
Napaupo siya't napahawak sa mga kamay ko. "Money is not a problem. Mayaman ako. The thing is. . ." then he looked into my eyes directly. "Kaya mo ba? Gusto mo ba talaga?"
"Oo," mabilis kong pagsang-ayon, hindi na iniisip kung anong mga maaaring negative impact nito sa amin lalo na ngayong may sakit siya. "Kaya ko. Gusto ko."
He smiled sweetly and replied, "Let's do it."
And that's the start of our IVF journey.
--
asereneko.
BINABASA MO ANG
Wife Series #6: Last Flight Home (PaperInk Imprints Collaboration) | COMPLETED
RomanceAwesomely Completed! Drama - Under Paperink Imprints Collaboration Monitored by The Project Finish Wife Series Collab House #6: Last Flight Home ───────────────────── How far can Cindy Arizala-Villarin stand and fight for her family if the hardest p...