Chapter 9

81 2 2
                                    

Chapter 9

--

My routine went from house, clinic, party to house, clinic, hospital. Nagtataka na ang ibang mga kaibigan ko, lalo na 'yong mga hindi ko naman madalas nakakasama kung bakit puro tanggi ako sa mga paanyaya nila na pumunta sa ganito't ganiyan o mag-inom.

I want to, but I can't. Kailangan kong unahin ang asawa kong puro na reklamo dahil katatapos lang ang unang session niya ng chemotherapy no'ng nakaraang araw.

"Mahal, tingnan mo, para akong itlog," natatawang sambit niya sa sarili.

Natigil ako sa pagtitiklop ng mga damit niya nang marinig iyon. Mahina na lamang akong natawa. Paano'y kinakapa niya ang ulo niyang ipina-shave niya na tapos ay nag-po-posing pa sa salamin.

"Pogi ka pa rin, mahal," sagot ko naman.

Napasimangot siya. "Kaya nga ako nag-engineering para 'di magpakalbo. Kakalbuhin lang pala ako ng cancer."

That humor is damn dark. Sa katunayan ay hindi ko maintindihan ang kung anumang tumatakbo sa isipan niya o kung anumang nararamdaman niya dahil hindi naman ako ang nasa kalagayan niya, ngunit hindi naman lingid sa aking kaalaman ang pagkawala niya ng pag-asa.

Minsa'y napagtanto ko pa sa aking sarili na, 'Ah, kaya lang siya nagpapagamot dahil gusto ko, hindi dahil gusto niya.'

Almost a year of our marriage, everything was smooth and peaceful, pagkatapos ay bigla na lamang kaming sasampalin ng cancer? No, this is not just the way we planned. We planned on having a child next year, then this?

Napaigtad na lamang ako nang maramdaman ang pagtapik niya sa balikat ko. Nang mapatingin ako sa kaniya ay kita ko ang maliit na ngiti sa kaniyang labi bago ako hila papalapit sa kaniya't ipinasandal sa kaniyang balikat.

"Umiiyak ka na naman," aniya.

I wipes my tears away immediately. Hindi ko nga man lang namalayan. "Hindi, ah," tanggi ko.

He chuckled and sighed. A really deep sigh. "Huwag ka umiyak. Sa 'yo na nga lang ako kumukuha ng lakas, umiiyak ka pa."

"Eh, papaano'y pinaiiyak mo 'ko. Masyadong dark ang humor mo. Ang pangit mo na ka-bonding," I complained, trying to put some hint of joking in my tone.

"Hoy, hindi, ah. Nagsasabi lang naman akong nakalbo ako, eh."

Hindi ako sumagot. Pinili kong yumakap nang mahigpit sa kaniya saka marahang itinapat ang tainga ko sa kaniyang dibdib. We remained silent, hugging each other, trying to get comfort. Parang sa mga oras na 'yon, yakap na lang ang may kakayanang pagaanin ang mga nararamdaman namin pareho. Parang no'ng mga oras na 'yon, yakap na lang ang magbibigay kalma sa mga alon na nangyayari sa amin.

His warmth. His faint scent. His calm breathing. And the fast and loud beating of his heart like they are screaming my name— where our enemy lies.

"Your heart..."

I felt him kissed the top of my head. "Hmm?"

"It is beating so fast, love..." I looked up at his pale face. "Is it because I'm locked in your arms or because of your enemy?"

He caressed my cheeks. Those genuine gentle touches that brings butterflies in my stomach; it never faded even if it's been years. Ganoon na ganoon pa rin ang pakiramdam.

Then he touches my lips. Ni hindi ko maalala kung kailan ko ba siya huling nahalikan. Ang alam ko lamang ay tila pisikal siyang dumidistansya sa akin noong mga nakaraang araw. He kept on saying that he smells and tastes like medicine as if I actually care.

"Nothing beats my love for you, Cindy..." he whispered before crossing the distance between us.

He slowly kissed me, passionately, gently. Damang-dama ko. The way he's trying to send the silent message of his longingness... I feel it... I'm feeling it... I felt it.

"My heart only beats the river of my life and my love for you," he said again and hugged me on my waist still kissing my lips while caressing my cheeks.

That time I wanted to cry. Alam ko naman sa sarili kong nahihirapan siya kahit hindi niya sabihin. Alam ko rin sa sarili kong pilit lamang niya nililibang ang isip niya para hindi masyadong makaapekto sa amin pareho ang mga ganap.

Everything were so fast like it's only a blink of an eye. For one, we escaped the marriage, then we were just living our lives like a normal married couple do, then suddenly, we have cancer and my husband... he's... he's dying...

"Nothing can conquer my love to you, Cindy," he whispered again as he pulled me closer and rested his head on my shoulder. "Not mama, not papa, not my family nor your family..."

"Enzo..." I called when I heard his low sobbings.

That time, hindi ko alam kung saan siya umiiyak. Kung dahil ba sa sinasabi niya, dahil ba sa akin, o dahil ba sa sakit niya. Wala akong ideya. All I know is that he refused me to see him and check.

"Not the people in this planet nor the president of this country," he added and hugged me tighter— so tight that it felt like he's afraid of letting me go. "Not even cancer, Cindy, not even cancer or death."

I nod. Of course, of course. How stupid of me to forget that my husband is Enzo Arizala. He's the greatest. He vowed to our wedding. Through healthy and life, through sickness and death.

"So don't cry, love. I'm trying to get better..."

I bobbed my head again and raised on my knee, almost sitting on his weakened lap. "I know. I really know. I can see that you're trying," I replied sobbing.

"See? I'm trying... I'm doing my best," he also said weeping. "So don't be sad. Sinusubukan ko... para sa akin... para sa 'yo... para sa atin."

Paulit-ulit lang akong tumango. Puro lamang pagsang-ayon sa kaniya ang ginawa ko. Tama siya. Bakit? Bakit ako malulungkot? Bakit ako panghihinaan ng loob? Bakit ako masasaktan? Lumalaban ang asawa ko pa sa amin. Kailangan, mas matatag ako sa kaniya dahil ako ang mas malakas ngayon.

"Mahal na mahal kita, Cindy... mahal na mahal."

The night comes, Enzo was rushed in the emergency after his heart suddenly stopped.

The same night, furious Ate Lucy with their angry mom arrived and they kicked me out.

--

asereneko.

Wife Series #6: Last Flight Home (PaperInk Imprints Collaboration) | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon