Chapter 5
--
"Galaw ka nang galaw, Enzo. Hindi ka ba makatulog? Namamahay ka ba?" tanong ko nang maalimpungatan dahil sa kalikutan ni Enzo.
Kanina pa siya paikot-ikot. Hindi siya mapakali. Para niyang hinahanap ang tulog na hindi niya makuha-kuha, bagay na imposible naman yata sa amin dahil madalas na siya rito sa apartment ko— or hindi ko alam. Baka may seasonal homesick din?
"Huh? Wala. Ayos lang 'to," sagot nito.
That didn't help. Lalo lamang akong na-bother especially when I think its almost an hour past pero ganoon pa rin ang lagay niya. Papunta't parito na ewan. Para siyang hindi kumportable.
Hanggang sa hindi ko na siya natiis. Napatayo ako't agad na binuksan ang ilaw at doon, mas klaro kong nakita ang pagngiwi niya't pagtakip niya ng mga mata na tila nasilaw. "Seryoso, mahal, kanina ka pa. Bakit? May problema ba?"
But then, he let out a small curve and shake his head. "Wala talaga. Pro—"
Nahinto siya sa sinasabi niya nang bigla na lamang siyang napaubo. Isa pa 'yan. No'ng nakaraang araw ko pa 'yan naririnig umuubo. Malamig ba sa construction site nila't dinapuan na siya ng lamig? Dapat dito'y pinapainom ng oregano.
"Tagal na ng ubo mo. Uminom ka kaya mu—"
Ako man ay natigilan din nang makitang bigla siyang napatitig sa palad niya't bigla na lamang tila nawalan ng kulay sa kaniyang mukha. Agad akong napalapit sa kaniya't tiningnan din ang kaniyang palad.
Alam mo ba 'yong pakiramdam na para bumabagyo ng malakas ta's bigla kang na-strike ng kidlat kasabay ng malakas na kulog? Ganoon ang pakiramdam ko nang makita ang palad nitong may bahid ng dugo. Agad akong nakaramdam ng literal na pag-pa-panic na parang nilukso ng sampung kuneho ang puso ko.
"Tangina, Enzo? Ano 'yan? Kailan pa 'yan?" Agad akong kumuha ng wipes at pinunasan ang kaniyang palad.
"Hindi ko alam. Bago pa tayo ikasal, ilang beses na rin akong naubo na may kasamang dugo." Then he chuckled. "Gagi, what if may TB talaga ako?"
I glared at him and replied, "Hindi ako natutuwa. Bakit hindi ka nagsasabi? Asawa mo ako, Enzo. Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Hindi naman sa ganoon. Nakakalimutan ko lang kasi busy ako ta's madalas, pagod na tayo pareho."
"Kahit pa antok na antok na ako, sabihin mo agad 'yong ganito. Health, Enzo. Anong silbi ng pagtratrabaho ko sa medical field kung ikaw mismo, hindi ko maalagaan?"
Pakiramdam ko, iiyak ako. Na-fru-frustrate ako na ewan. Nagsisimula akong mag-overthink na baka tama siya. What if hindi lang 'to simpleng gasgas ng lalamunan? What if iba na talaga 'to o baka may mas malala siyang health condition? Hindi pwedeng basta-basta lang namin isasawalang-bahala ang pag-ubo na may kasamang dugo. Una sa lahat, hindi mainit ang panahon, please lang.
"Kumalma ka muna, oh," wika ni Enzo saka tinapik ang balikat ko.
"Anong pakiramdam mo?" Then he smiled again. Sa ngiti pa lang na 'yon, alam ko na kaagad. "Subukan mong sabihing wala, iiwan kita rito. Wala akong pakialam kahit sa kalsada ako matulog ngayong gabi."
He chuckled and sighed before wincing. See? Sa ngiwi pa lang na 'yan, alam ko na kaagad na may iba siyang nararamdaman pero aayaw-ayaw pa. Ayan talaga ang pinakaayaw ko ba. 'Yong nag-co-contradict mga words niya sa actions niya.
"Masakit lang sa dibdib. Mahirap huminga."
Tinitigan ko siya na tila nagdududa pa sa sinabi niya. Iyon lang ba talaga? Iyon lang ba talaga o may iba pa siyang nararamdaman?
"'Yon lang, promise. Totoo na 'to," hirit pa niya na tinaas pa ang palad na tila aminadong nagsinungaling pa siya kanina.
Agad akong tumayo't kinuha ang jacket kong nakasampay sa pader. "Tumayo ka riyan. Papa-check up tayo."
"Pero gabi na?"
"Kahit madaling-araw pa. Emergency 'yan, Enzo. Kaya mo bang mag-drive o ako na?"
Agad siyang napaupo nang marinig ang sinabi ko't kinuha ang susi ng kotse niya sa side table. "Ako na. Baka mapaaga ang buhay natin sa driving skills mo."
Hanggang makarating sa ospital kung saan may record at kilala na sila ng pamilya niya, hindi pa rin napapawi ang kaba ko. Hindi ako madasaling tao, pero no'ng oras na 'yon ay kulang na lang, lumuhod ako't magmakaawa sa Panginoon na huwag naman sanang maging malubha ang kung anumang dahilan ng paggaganoon ni Enzo.
Enzo undergo Complete Blood Count (CBC) and Chest X-ray for his primary concern is all about his heart. Hindi ko rin mawari kung bakit. Oo nga't may history of heart attack ang father side ni Enzo, pero sa pagkakaalam ko, mas healthy pa siya sa akin.
Ako nga yata ang deserving ng early libing dahil sa lifestyle ko't kakulangan sa tulog dahil na rin sa trabaho ko. Dumidepende na lang ako sa Ferosulfate FE para sa dugo.
Hindi kaya't sa sobrang stress ito? Nagkakaroon na siya ng irregular beating of the heart dahil sa super stress, pero na-s-stress ba si Enzo? Siya na yata ang pinaka-chill na engineer na nakilala ko. Fresh pa siya sa bagong sinag na sunflower.
What if lamig lang talaga 'yon? Change of climate lang talaga 'yon, hindi ba? Syempre, may kalamigan ang panahon pero nasa construction site siya madalas. Maalikabok 'tsaka mainit-init kaya naapektuhan ang health niya.
Kung anu-ano ring naaamoy niya sa construction site. Mabaho ang paligid dahil sa amoy ng semento, hollowblocks, metal, pati grasa (kung may grasa ba sa kanila) 'tsaka 'yong pantakip ng bitak sa kalsada— aspalto, hindi ba? Kung ako rin araw-araw makaamoy ng ganoon, sasakit din puso ko. Sa amoy pa nga lang ng rugby at pentelpen, para na agad akong sinasakal. Aspalto pa kaya?
Nabalik lamang ako sa ulirat nang makita ang paglabas niya mula sa X-Ray area. May bulak pa siya sa may ante-cubital kung saan siya kinuhanan ng dugo. Lalo tuloy siyang namumutla. Ako man ay ayaw din makuhanan ng dugo. Tali pa lamang sa torniquette, masakit na.
"Kumusta?" tanong ko kaagad saka ito pinaupo sa tabi ko.
"Bukas pa raw ang result, eh. Gusto ko na sanang umuwi kaso nahihilo na ako. 'Di ko na kaya mag-drive," sagot nito.
"Magpahinga ka muna since ayaw mo naman akong mag-drive."
"Gusto ko na humiga kingina."
I sighed. "Pwede naman tayo sa emergency ward?"
"Ayoko roon. Pakiramdam ko, malubhang pasyente ako."
Malubha nga. Sobrang lubha.
--
asereneko.
BINABASA MO ANG
Wife Series #6: Last Flight Home (PaperInk Imprints Collaboration) | COMPLETED
RomantikAwesomely Completed! Drama - Under Paperink Imprints Collaboration Monitored by The Project Finish Wife Series Collab House #6: Last Flight Home ───────────────────── How far can Cindy Arizala-Villarin stand and fight for her family if the hardest p...