Chapter 3

106 4 0
                                    

Chapter 3

--

Napapatulala na lamang ako habang magka-holding hands kami ni Enzo na naglalakad-lakad para mag-unwind. Para akong natutuliro, nababalisa, nauulol na ewan.

"Ayos ka pa ba?" tanong nito 'tsaka ako sinulyapan.

I sighed. Papaano'y kani-kanina lang ay nagdesisyon si Enzo na mamanhikan (syempre mag-isa lang dahil tutol naman ang kaniyang graceful mother) sa bahay. Actually, tutol ako agad sa kaisipang 'yon sa dalawang dahilan;

Una, may pagka-gold digger si mama. Hindi ko naman sinisiraan ang sarili kong ina, pero alam ko kasi ang ugali niya. Sabihin na nating lahat naman tayo ay mukhang pera— lalo na ako syempre, sinong tatanggi sa pera?— pero ibang klase ang pagka-gold digger ni mama. Kaya kahit halos isang dekada na kami ni Enzo, ni minsan ay hindi ko binanggit sa kanila na isang golden spoon si Enzo at isang tanyag na engineer na sumasahod ng six to seven digits depende sa project. Paniguradong kapag nalaman 'yon ni mama at natumbukan na maglalabas ng pera si Enzo, lulubos-lubusin niya 'yon at hindi na ako kailanman tatantanan pa para humingi ng pera para sa ganito at sa ganiyan.

Pangalawa, I am not condemning my family, pero tanginang pamilya 'to, isa lang matino. Si mama, gold digger. Si papa, sugarol. Ang kuya, lasenggo. Hindi ko alam. Bunso lang yata namin ang may matinong utak. Ako man ay gago rin, siguro dahil na rin sa environment ko habang lumalaki ako at dahil na rin sa genes. Nakakahiya kay Enzo. Hindi ko naman kinakahiya ang pamilya ko, pero basta.

We are not the most welcoming family ever.

Pero dahil sa kagustuhan ni Enzo, pumayag na lamang ako sa hiling niyang ipaalam sa kanila ang plano naming pagpapakasal kahit hindi naman na kailangan pa. Non-essential 'yan sa pamilyang hindi naniniwala sa power of marriage.

At ayon na ang automatikong kinainit ng ulo ko dahil hindi pa nga kami nakakatapak sa loob ng aming bahay, malayo pa ang distansya sa pintuan, kahihiyan na agad ang dinulot sa akin ng pamilya ko. Sayang naman ang effort na magbiyahe kami ni Enzo mula syudad hanggang probinsya para lang maabutan ang nanay, tatay, at kuya mong nagsisigawan at nagbabatuhan ng gamit. Kung hindi pa kami nakita ng bunso kong kapatid na sinabihan akong bumalik na lang dahil nababaliw na naman ang mga tao sa bahay, nagmukha siguro kaming siraulo ni Enzo roon na nakatingin at pinapanood silang maghagisan ng plato, tsinelas, at hanger.

Ngayon alam ko na kung bakit palagi kaming may basag na plato. Kahit pa plastic ang mga plato namin, talagang susukuan nito 'yong hagisan nila na akala mo ginawang pang-flying saucer ang dapat kainan. Sa susunod na manghihingi sa akin ng pera 'tong mga 'to para bumili ng plato, bibilhan ko silang styrofoam o kaya paper plate.

"Magpakasal na lang kaya tayo ngayon?" suhestyon ko. Hindi ko naman sinasadya 'yon. Naisipan ko lang dahil na-s-stress na ako sa nangyari. This is hopeless. Bakit pa kami hihingi ng basbas, hindi naman pamilya ng isa't-isa ang pakakasalan namin.

Batid ko na bahagyang natigilan si Enzo, tila hindi inaasahan ang sinabi ko. Kahit sino naman ay hindi aasahan 'yon. Naglalakad lang naman kayo sa gilid ng kalsada, tapos bigla ka na lang mag-aaya ng kasal.

"Huh?"

"This is hopeless," wika kong muli saka hinarap si Enzo. "Napapagod na ako. Nagpapakairap pa tayo kung pwede namang diretso na lang. Alam ko, importante ang family etiquette, pero alam mo 'yon? Kesyo pumayag naman sila o hindi, magpapakasal pa rin tayo."

Hindi agad nakasagot ang minamahal kong irog. Nakatayo lang ito roon, hawak ang kamay ko, tinititigan ako na akala mo'y ine-x-ray ang pagkatao ko. Napaangat tuloy ang kilay ko. Makatingin, akala mo'y may planong lusawin ako sa tingin.

"Anong tinitingin-tingin mo riyan?" taas-kilay kong tanong, may bahid pa ng pagsusungit sa tono.

Bigla na lang siyang napangisi tapos ay tumawa at umiling-iling. Pakiramdam ko tuloy ay nababaliw na ang future asawa ko.

Wife Series #6: Last Flight Home (PaperInk Imprints Collaboration) | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon