Chapter 14
--
That time, I was busy folding his clothes to put it inside the cabinet. Mayroon kasi siyang maliit na cabinet dito sa loob ng hospital room niya kung saan niya nilalagay ang basic neccesities niya. Para na rin niyang bahay ito kung tutuusin. Kunsabagay ay dito na siya namamalagi.
Nasasanay na lamang akong tingnan siya na may IV drip sa kamay. Noon ay parang sobrang sakit sa paningin na makita siyang ganoon, pero ngayon, parang nababawasan ang sakit. Napapansin ko rin naman ang unti-unting pagbawi niya ng lakas at ang pananaba niya which is a good thing for me. That only means that he's getting better lately.
I will not joke to myself anymore. It's cancer, I know. Pakiramdam ko, nasa isang square room lang kami at kahit saang kanto o sulok kami sumuot, nandiyan lamang siya't patakbo-takbo, hinahabol kami, at wala naman kaming takas.
Wala kaming takas at unti-unti ko na 'yong tinatanggap.
Nasa mga huling piraso na ako ng kagamitan niya nang bigla na lang bumukas ang pinto. Halos mapatalon ako sa gulat. Natigil ang ingay na ginagawa ng mga pumasok sa loob nang magsalubong ang mga mata namin.
Bigla na lamang akong nilamig. Bigla na lang akong pinagpapawisan ng malamig at bahagyang nanginginig ang aking kamay. Panigurado ring nawalan ng kulay ang akong mukha nang makita sila. Suddenly, fear overcame me.
"Anong ginagawa mo rito?" iritang tanong ni ate Lucy saka padabog na ibinaba ang paperbag na hawak niya sa side table.
All I see in her eyes are disgust and irritation. Ang kaniyang ina naman ay walang pakialam na umupo sa sofa at nagsindi pa ng sigarilyo. Gusto ko siyang sitahin. Gusto ko siyang pagalitan. Hindi pwede ang sigarilyo at alak kay Enzo. Hindi pwede ang bisyo. Bakit niya ginagawa 'yan?
Do they want him dead?
"Akala ko ba't nagpakalayo-layo ka na? Hindi ba't binigyan ka na ng pera?" dagdag pa ni ate Lucy na mukhang anumang oras ay sasabog na sa pagkagalit sa akin.
Engineer Edna blow her smoke that made me cough a little upon smelling it. "Hindi niya tinanggap," sagot niya sa tanong ng sariling anak.
Hindi ako makapagsalita nang biglang lumihis ang tingin sa akin ni ate Lucy. Pakiramdam ko'y kinikilatis niya ang buong pagkatao ko sa pinakatagos na paraan na may halong pagkadisgusto.
"Ano bang gusto mo? Hindi mo ba tatantanan ang kapatid ko hanggang kamatayan? Baka gusto mong sumunod?"
I gulped, almost choke myself with my own saliva. They just can't understand. "Kasal ho kami ng kapatid at anak ninyo—"
"Fuck wedding. Para lang kayong pumirma ng kontrata," putol ni Engineer Edna.
"Still, that made us legally and legitimately wedded husband and wife," mabilis ko ring sagot na hindi ko alam kung saan ako kumuha ng tapang.
"Ipapapilit pa. Gaano ba karaming suhol ang kailangan mo?" ate Lucy scoffed.
"Mawalang galang na po pero hindi naman lahat ng tao, madadaan sa suhol. Pasensya na. Kung ayaw niyo po sa akin, huwag niyo na lang akong pansinin at kausapin, ganoon din ang gagawin ko sa inyo."
If only I could clap at myself, I would. Hindi ko rin alam sa kung papaano o saan ko pinupulot ang lahat ng lakas ng loob para sabihin iyon, pero hindi ko rin naman maitatanggi na pakiramdam ko'y hindi na ako makatatayo pa sa kinauupuan ko.
"Aba! Pumapalag ka—"
Ate Lucy was stopped before she could even throw me the bottle of pineapple juice she's holding when we heard a voice coming from the outside.
BINABASA MO ANG
Wife Series #6: Last Flight Home (PaperInk Imprints Collaboration) | COMPLETED
RomansaAwesomely Completed! Drama - Under Paperink Imprints Collaboration Monitored by The Project Finish Wife Series Collab House #6: Last Flight Home ───────────────────── How far can Cindy Arizala-Villarin stand and fight for her family if the hardest p...