Chapter 2
--
This is the thing I had forgotten before saying 'yes' to Enzo for marriage— the approval of his graceful family.
"Ah, magpapakasal kayo?"
Sa tono pa lang ng mommy ni Enzo, halata ko na noong oras na 'yon ang hindi pagsang-ayon nito. Kahit ang paggalaw ng kubyertos sa babasaging plato ay parang nagdadabog na.
Hindi ko maiwasang hindi biglang ma-conscious. Matagal ko nang alam na ayaw sa akin ng kaniyang ina. Sino ba naman kasing magkakagusto kung ang isa kayong pamilya ng mga engineer at pinanganak na may ginintuang kutsara sa bibig tapos ang bunso mong anak ay magpapakasal lang sa gaya kong kinayod lang sa luha para maka-graduate ng kolehiyo?
Ako lang naman si Cindy. A commoner compared to Enzo's family. Mas malaki pa ang binabayarang utang ng pamilya ko kaysa sa sinasahod ko. Ni hindi ko lang din maisip kung papaano ako nakatapos ng pag-aaral at nakapasa ng board exam na hindi nagiging bayaring babae.
"Yeah. Is there something wrong?" sagot din ni Enzo sa tabi ko na kalmado lang na kumakain.
Hindi ko rin maisip kung paano niya nagagawang kalmado sa ganitong sitwasyon. Siguro nandoon na rin ang fact na pamilya niya ito kaya bakit siya kakabahan, pero that's not the point! Kahit yata magulang ko ang kaharap ko tapos ganito ang set-up— kumakain sa mahabang dining table na napupuno ng mga pagkain na hindi ko na mapangalanan pa kung ano, tapos ay nandito ang Petroleum Engineer mong kuya kasama ang Chemical Engineer niyang asawa, ang Biomedical Engineer mong ate kasama ang Architect niyang asawa, tapos ang isa mo pang kuya na Aerospace Engineer na wala ngang asawa o kasintahan, katabi naman ang nanay mong retired Environmental Engineer, tapos nasa gitna pa ang kanina mo pang tahimik na Civil Engineer mong ama— kakabahan talaga ako malala!
Pakiramdam ko ay naligaw lang ako rito. Kung alam ko lang na ma-i-in love ako sa lalaking may pamilya ng mga engineer, edi sana nag-engineering na lang din ako no'ng college ako, pero huli na ang lahat para mag-shift!
Sa tuwing tatanungin ako kung bakit palong-palo pa rin ang relasyon namin ni Enzo kahit pa alam ko na ayaw sa akin ng pamilya niya ay sasagutin ko 'yon ng; 'Hindi ko rin in-expect na tatagal kami. Akala ko kasi, joke lang'.
"When?" tanong ng kuya nitong Petroleum Engineer— ang kaniyang kuya Renz.
Saglit na napahinto si Enzo at tumindig ng upo. Hinawakan nito ang kamay ko na kanina ko pa tinatago sa ilalim ng lamesa dahil pakiramdam ko, kung hahawakan ko ang malamig na ginintuan nilang kutsara, magiging yelo 'yon.
"Sa pasko," maiksing sagot ni Enzo saka pinagsiklop ang aming mga daliri. Dama ko pa ang marahang pagpisil nito sa aking kamay na tila kinakalma ang kaba ko.
Napatingin ako sa kaniya. Isali mo pa 'yong plano niya sa kasal. Akala ko naman kung patatagalin pa namin ang engagement, 'yon pala ay sa pasko na agad! Anong petsa na ngayon, konting kembot na lang, kumakanta na ulit si Jose Mari Chan! Hindi ako nagrereklamo o umaangal, mas maganda nga 'yong mas maaga, pero pupwede bang tumakbo na lang sa pamamanhikan?
"Lapit na," kumentong muli ni kuya Renz na mukha namang walang masyadong pakialam.
"What's with the sudden decision?" tanong din ni ate Lucy, ang Biomedical Engineer na ate na naka-designer drip mula ulo hanggang paa. Ultimo clip niya sa buhok, logo pa ng sikat na luxury brand!
"What do you mean by sudden? Matagal ko na naiisip 'yan. Hinihintay ko lang na maging handa si Cindy."
Parang nalagutan ako ng hininga nang marinig na binanggit nito ang pangalan ko. Sabay-sabay yatang nalipat ang tingin ng buong angkan niya sa akin at sa mga tingin na 'yon, pakiramdam ko, kinakatay ako. Legit! Wala nga akong nagawa kundi alanganing ngumiti na bahagyang yumuko.
BINABASA MO ANG
Wife Series #6: Last Flight Home (PaperInk Imprints Collaboration) | COMPLETED
RomansaAwesomely Completed! Drama - Under Paperink Imprints Collaboration Monitored by The Project Finish Wife Series Collab House #6: Last Flight Home ───────────────────── How far can Cindy Arizala-Villarin stand and fight for her family if the hardest p...