Chapter 11

83 2 0
                                    

Chapter 11

"Ano ba, Cindy?"

Napabalikwas na lamang ako nang marinig ang aking ina na bigla na lang akong sinita at hinampas ng bitbit niyang malunggay na malamang ay pinitas na naman niya sa puno ng chismosa naming kapitbahay.

"Huh?" tanging tugon ko na tila nabalik sa ulirat. Lumingon-lingon pa ako na akala mo'y hinahanap siya kahit nasa harap ko lang naman siya.

"Bakit ka ba umiiyak? Hindi mo matatapos hiwain 'yang bawang kung iiyak ka lang diyan. Ano ba nangyayari sa 'yo?"

Napapunas ako sa aking pisngi. Doon ko lamang napagtanto na basa nga ito. Hindi ko man lang ba namalayan na umiiyak pala ako. Kung ganoon man, bakit ba ako umiiyak? Anong nakakaiyak?

"Nakakaiyak kasi 'yong amoy ng sibuyas, 'ma," paninisi ko pa sa tangang sibuyas na nanahimik lang naman sa plato. Pati sibuyas, nadadamay sa kabaliwan ko.

"Ay tantanan mo akong babae ka." Malakas na nilapag nito ang maliit na palanggang lalagyan niya ng pinaghimayan ng malunggay. "Bakit ka umuwi rito bigla? Hindi ba't nagtratrabaho ka? Paano ka magkakasahod kung nandito ka?"

Napasimangot ako. Bigla na lamang may kirot sa dibdib ko nang marinig iyon. Hindi ko tuloy alam ang tamang reaksyon sa narinig ko sa sinabi niya kahit naman alam kong may bahid lang 'yon ng kuryosidad at kaunting panenermon.

I sighed and shortly replied, "Naka-leave ako."

"Leave? Para saan? Nag-leave ka para tumambay dito sa probinsya? Siraulo ka ba?"

Napatango-tango na lamang ako sa sinabi niya. "Oo, 'ma. Malapit na talaga akong masiraan ng ulo."

Kasabay ng pagkakasabi ko no'n ay aksidente ko namang nahiwa ang daliri ko. Agad akong napaangal. Napakatanga. Hindi naman bawang 'yan, bakit hinihiwa mo rin? Napaka-wrong.

"Ano ba 'yan, Cindy? Hundi ka naman ganiyan. Ano bang nangyari?" sermon ulit ni Mama na masama pa ang tingin sa akin, naghuhugas lang naman ako ng kamay.

"Wala nga. Trip ko lang magbakasyon. Ayaw mo ba kasama ang anak mo?"

'Yong mga tingin ni Mama, halata mo nang hindi siya nakikipagbiruan, eh. Iyong tinging tila kapag sinabi ko pang 'wala' ay isasaksak na niya sa akin ang kutsilyong nasa harap niya at doon pa lang, parang gusto ko nang umiyak.

It's been a week. I've been keeping things all by myself since a week. Pakiramdam ko, sobrang bigat na. Pakiramdam ko, sasabog na ako sa sobrang bigat ng nararamdaman ko sa puntong parang 'yong bawat tibok ng puso ko ay may halong semento. Ang sakit-sakit sa dibdib. Ang hirap-hirap huminga. Ang bigat-bigat sa puso.

Gusto kong may matakbuhan. Gusto kong may mapagsabihan. Gustong-gusto ko magwala at humagulgol nang malakas habang may masasandalang balikat. Gustong-gusto ko nang ipahinga ang isip at puso ko. Gustong-gusto ko na magpahinga...

Pero hindi ko magawa.

"Huwag mo nga akong inaano riyan. Ano nga?" pamimilit pa ni Mama at kung pupwede lang siguro niyang ibato sa akin ang hinihiwa niyang papaya ginawa niya na.

"Wa—"

"Isang wala pa, pababalikin kitang syudad," putol niya sa sinasabi ko bago pa man ako makapag-deny. She sliced the papaya on the middle before asking, "Anong problema? Okay ka lang ba?"

Simpleng tanong. Napakasimpleng tanong. Ang simpleng katanungan na 'yon ay sapat na para mawala lahat ng panimbang ko sa sarili. Walang humpay at sunud-sunod na pagluha ang inabot ng mga mata sa puntong kailangan ko pang ihinto ang ginagawa ko dahil sa sobrang labo ng paningin ko.

"Oh, ba't ka umiiyak? Siraulo ka na yata talaga, Cindy."

I nod. "Oo, 'ma. Nasisiraan na akong bait. Sobra." I exhaled a deep breathe trying my best to calm myself. "Hulaan mo kagagahan ko ngayon, 'ma."

I heard her scoff. "Dati ka nang gaga. Hindi na ako magugulat sa sasabihin mo."

I chuckled sarcastically. May point, but at least try sounding interested. Tinanong mo kaya ako kung anong problema...

"Pero ano?"

Mula sa bulsa ko ay kinuha ko roon ang aking singsing. My wedding ring. Ilang araw ko na rin itong tinatago hindi dahil kinahihiya ko ito kundi dahil iniisip ko kung tama bang tumakbo ako palayo o hindi.

"Nagpakasal ako, 'ma..."

Ang ginagawang pag-s-slice ni Mama ng papaya ay nahinto nang marinig ang sinabi ko. Para siguro siyang biglang nabingi sa narinig. Kunsabagay, kung may anak din ako tapos biglang nagpakasal na hindi ko alam ay ganiyan din ang magiging reaksyon ko. Stuck between 'should I be happy?' or 'should I get mad?'

"Ano?" she asked again as if trying to get confirmation from me.

"Kinasal kami ng boyfriend ko, 'ma, no'ng August last year. Secret wedding kaya hindi ninyo alam, kahit no'ng pamilya niya."

"Ay gaga ka talaga," sagot niya na mas tumaas na ang tono ng boses. "Hindi ba't ayaw sa 'yo ng pamilya ni Enzo? Jusko, Cindy. Anong desisyon 'yan? Kaya ka bang pakainin ni Enzo? Ano bang ginagawa mo? Nakakayamot ka naman."

I swallowed the lump on my throat and replied, "Engineer si Enzo, 'ma. Registered engineer siya sa Italy. Kauuwi niya lang sa Pinas."

Natahimik si Mama. Syempre nakarinig ba naman ng magandang career. Just by the thought that Enzo is an engineer in somewhere across Europe, mapapa-shut the fuck up ka na lang talaga.

"Nag-propose siya sa akin pero hindi kami makapagpakasal kasi ayaw ng magulang niya. Mamamanhikan sana siya rito noon pero naabutan namin kayong nagbabatuhan ng plato, kaya sabi ko sa kaniya, magpakasal na lang kami kahit walang consent ninyo. Ganoon pa rin naman. Ikakasal pa rin naman kami."

Bumalik si mama sa pag-s-slice ng papaya. Mabibigat pa ang paghati niya roon na akala mo'y nagdadabog pa siya. "Oh, ngayon? Bakit ka nagmumukmok dito? Nakikipaghiwalay na ba sa 'yo?"

"Nalaman ng mama niya na nagpakasal kami at gusto niyang makipag-annul ako kay Enzo. Sabi niya, iwan ko na raw ang anak niya because I don't deserve him."

"Eh, sino naman siya para mag-decide kung sinong deserve mo at hindi? Para namang sinasabi niyang napakahampaslupa mo. Oo nga! Nandoon na tayo, pero bakit? Bawal na ba magmahal ng hindi mo ka-level? Hindi mo naman ginayuma anak niya. Kasalanan mo bang maganda ka?"

"May sakit si Enzo, 'ma."

She sighed and asked, "Ano?"

"Heart cancer."

Pareho kaming natigilan. Hindi siya nakasagot. Naiwan ang kutsilyo sa tangang papaya habang nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Ako naman ay sinalubong lamang ang mga tingin niya, in-e-expect nang magsasalita ito ng masasakit na salitang palagi niyang ginawa noon.

Iwan mo na 'yan.

Wala nang silbi 'yan.

Lumevel ka. Hindi kayo pareho ng tungtungan.

Siguro'y nakabawi na si Mama at muling pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Napayuko na lamang ako at lihim na pinusan ang luha na bumabasa sa aking pisngi. Siguro'y mas maganda ngang walang marinig mula sa kaniya. Mas magandang wala siyang sasabihin.

Mas magandang ganoon minsan...

"Una sa lahat, napakagaga mong nagpakasal ka tapos 'di mo man lang sinabi sa amin. Hindi ka naman namin pipigilan sa gusto mo. Mukhang pera lang ako, pero gusto ko pa ring makita kang masaya."

I bit my lower lip, trying my bestest to supress my tears. I'm this close on bursting. Konting-konti na lang ay sasabog na ako.

At tuluyan na akong nawalan ng panimbang sa sarili nang bigla ko na lamang ang maramdaman ang biglang pagyakap sa akin ni Mama. Awtomatiko na lamang din akong napayakap sa kaniya pabalik at malakas na humagulgol sa kaniyang dibdib.

"Pangalawa, ang tanga-tanga mo sa parte na iniwan mo 'yong asawa mo roon sa syudad at nandito ka, naghihiwa ng bawang habang nakatulala. Tanga ka, Cindy. Ngayon ka niya pinakakailangan tapos iniwan mo siya roon. Ang tanga-tanga mo talaga."

That was a damn hard slap enough to wake my sleeping bravery.

--

asereneko.

Wife Series #6: Last Flight Home (PaperInk Imprints Collaboration) | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon