"MR. Adamas, where are you going again?!" sigaw ni Logan nang tumalon na naman sa bintana si Adamas matapos kunin ang black veil na iniwan nito sa lamesa.
Nagkatinginan sila ni Gon.
"Anong gagawin natin? Susundan ba natin siya?"
"I don't know. Hindi naman natin alam kung saan siya pupunta," sagot niya at tinignan ang telebisyon.
Nang lumabas si Aivan Laurien, nagbago ang mood ni Adamas. Nagmistulang isang mabangis na lobo ang kaninang kalmado at masunuring nilalang. Malakas ang kutob niyang may hindi magandang mangyayari lalo na sa mga huli nitong sinabi.
“Uy, Lolo. Anong gagawin natin?” Hindi rin mapakali si Gon sa kaniyang tabi. “Ito namang si Adamas, e. Kakauwi lang, umalis na naman. Ano ba 'tong mga pinaggagawa niya! Avenge his author? How can he do that when her death was a suicide? Kanino siya maghihiganti?”
Nanatili siyang tahimik habang patuloy pa ring nagsasalita si Gon sa kaniyang tabi. Napaisip siya sa mga sinabi ni Adamas mula sa bahay ni Noa Green hanggang pagdating nila rito.
After Adamas read something in Noa's room, he didn't stop saying that he wanted to kill someone to avenge her death.
But it was a suicide. What Gonietta said had a point. Kung murder ito, maiintindihan niya pa pero dahil ang manunulat mismoang kumitil sa sariling buhay, kanino isisisi ni Adamas ang pagkamatay nito?
Pero . . . bakit nga ba natutulak ang isang tao na bawiin ang sariling buhay?
He held his wrist tight.
Options were pressure from the world, never-ending problems, shortcomings, failures, disappointments, shame, lack of will, fear, unhealed wounds, traumas. And all of those were results from the people surrounding the suicidal--the environment they grew up in, the mouths they were fueled on, and the perspectives they were taught.
"Gon."
"Oh?"
"I think Mr. Adamas are finding the people who pushed Miss Noa Green to commit suicide." He looked at the television again. "And Aivan Laurien might be one of them."
"Huh? How come? I don't think Noa Green and Aivan have something in between."
"We don't know much about Miss Noa. Kahit sa mga interviews niya before and her social media posts, hindi siya masiyadong nag-o-open sa personal life niya."
Now that they thought about it, Noa Green was actually mysterious. Bukod sa address nito, hindi nila alam kung ano ang totoo nitong pangalan, edad, kaarawan at pati ang mga hilig nito.
"Oo nga, 'no? Kahit favorite color niya hindi niya sinabi. Nag-assume lang ako na green kasi Noa Green ang pen name niya."
Iniwan niya muna si Gon sa salas at nagtungo sa kaniyang kuwarto. Kinuha niya sa kaniyang shelf ang kopya niya ng libro ni Noa at binuklat ang pahina ng About the Author.
He was hoping that he could find something, but to no avail, there was no helpful information he could say it was about the author.
'The writer who wants to live, Noa Green.'
Ayan lang ang nakasulat. Naglalaman dapat ang parteng ito ng mga impormasyon ng manunulat pero iyon lang ang laman.
"What a woman of few words yet can write a thousand word counts." He sighed. Binalik na niya ang libro sa shelf at naglakad papuntang salas.
"Ano na?" Sinalubong siya ni Gon na nakatayo sa harapan ng pintuan habang nakakrus ang mga braso. Naiinip na ito. "Hindi ba talaga natin siya susundan? Kinakabahan na ako."
BINABASA MO ANG
Author's Note (Published under Cloak Pop Fiction)
FantasyThe Villain Series No. 1 Due to Zero almost wiping out the fictional dimension, Fictosa's system malfunctioned. It has failed to distinguish the boundary between two dimensions and allowed the villains from the most grossing and award-winning books...