Kabanata 28

2.4K 153 16
                                    

ADAMAS carried Anais. Although he had the option to leave the woman on the ground, he would not do it. Anais was the only Laurien who was good to his author, the least he could do was treat her with care. He owed her.

Hindi na siya puwedeng magtagal kaya dinala niya ang babae pauwi sa apartment ni Logan. Sinipa niya ang pinto bilang katok.

Nakarinig na siya ng mga yabag kaya naghintay siyang buksan iyon ni Logan.

"What is--" Hindi natapos ng lalaki ang sasabihin nang makita ang kaniyang dala. Gulo-gulo ang buhok nito at mukhang nagising niya yata. Napahilamos ito sa mukha nang mapansin ang karga-karga niya. Dumaan din ang takot sa emosyon nito nang makita ang mga kamay niyang puno ng dugo. "What do you think you're doing, Mr. Adamas? Bakit dala-dala mo si Anais?"

"I'm sorry, human. She saw me and passed out. She's my responsibility." He walked inside the room making Logan move the way.

"I didn't say you can take her in."

"You will say it anyway. After all, she is your relative." Nilagay niya si Anais sa sofa.

Sumunod si Logan sa kaniya. "How did you know?"

"The picture." Umupo siya sa couch. "It's you and Adamas."

"Ikaw?"

"Adamas Laurien."

"May Adamas Laurien ba?" Kumunot naman ang noo nito. "Well, anyway, don't change the subject. I thought you want me to rest. Paano ako makapagpapahinga kung may dinala ka nanamang iisipin ko?"

Tinuro nito ang natutulog na si Anais.

"You can sleep again, human. Leave her to me--ah, wait." He paused for a moment before standing up. "Not yet. Wait for a minute. Let me change first."

Hindi niya pinansin ang pagbuntonghininga nito at dali-daling pumasok sa kuwarto ni Logan. Humablot siya ng mga damit nito bago pumasok ng bathroom.

Paglabas niya, naabutan niya si Logan na may hawak ng bowl at buong ingat na nilapag sa maliit na lamesa kaharap ng sofa. Mukhang nagluto ito.

"What is that, human?" Sinilip niya ito nang makalapit. "Oh, a porridge."

Napalunok siya dahil hindi pa siya naghahapunan.

"Hindi ito para sa 'yo. This is for Anais. Kumuha ka ng sa 'yo ro'n." Tinuro nito ang kusina. Tumayo na ito. "Ikaw na bahala. Inaantok na talaga ako."

Tumango lang siya at binaling ang tingin sa natutulog na babae. Inalis niya ang mga naiwang luha nito sa mga mata bago marahang niyugyog.

"Wake up, human." Nang hindi pa rin ito gumalaw, bahagya niyang tinusok ang pisngi nito ng kaniyang matulis na kuko. "Wake up."

Her forehead creased while scratching the cheek he touched. Dahan-dahan nitong minulat ang mga mata. Napunta ang tingin nito sa kaniya. Ilang segundo pa itong tumitig sa kaniya bago pumasok sa isip ang nangyari kanina.

Dali-dali itong napabangon. Inikot nito ang tingin sa paligid. "Where am I?"

"In Logan's apartment." Kinuha niya ang bowl ng porridge at inabot sa babae. "Here. Eat this."

"Wait," pigil nito habang ang mga mata ay nasa kaniya pa rin. Punong-puno ito ng mga katanungan. Kita niya rin sa emosyon nito ang pangungulila. "Are you really Adamas, my brother? But how? Y-you died . . ."

"He is dead." Binalik niya ang bowl sa mesa. "I am Adamas Vondrov Riscarte. I am not your brother. I am Noa's favorite."

"What?!" she exclaimed. "Riscarte? The villain with a corset?"

Author's Note (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon