ADAMAS listened to Logan's surprise for Gon's birthday. He planned on giving her a huge bouquet filled with balloons. And at the bottom of the balloons were books and art materials. He also wanted to paint his room with Gon's favorite colors.
Aalis sila ngayon para bumili ng mga libro at materyales na kakailangan nila. Nauna siyang nagtungo sa pintuan dahil nagbibihis pa si Logan. Pagbukas niya bumungad si Gonietta na bahagyang nakataas ang kamay at mukhang kakatok pa lang.
"Oh. Aalis ka ba, Adamas?"
"Yes, my reddy readsy." Ngumisi siya. "Not just me but Logan too."
"Saan?"
"It's a secret." He chuckled. "It's a surprise for your birthday."
Napasimangot naman ito. "Paano pa magiging surprise 'yan, e, sinabi mo na sa akin?"
"You only know the idea, but you don't know what's coming." Nilampasan na niya ito. Naglakad na siya papunta sa hagdanan.
Habang pababa, tinawag niya ang system. "Hey, system. May I know who the characters transported in this dimension?"
[Response System: You may.]
[Initializing request. The list may take a moment before it will show up. Please wait patiently.]
Tumango lang siya. Tinuloy niya ang pagbaba sa hagdan at tumigil lang nang may listahan nang lumabas sa hologram. He let out a small gasp when he saw the numbers transported in the real dimension. It was quite a lot. Hindi lang mga villain kundi pati na ang ibang karakter sa ibang role.
He scrolled the list of names, hoping to find his nemesis.
And he didn't fail.
Malawak siyang napangiti nang makita ang pangalan ni Hamitherion. Nandito rin ang main character ng Odds of Tribes. He could bring him to Logan.
Kahit gaano pa kataas ang galit ni Hamitherion sa kaniya, hindi ito makakatanggi sa hiling niya kapag patungkol na sa mga mambabasa. Kagaya niya rin ang lalaki na lubos kung magpahalaga sa mga mambabasa kaya siguradong titiisin nitong makita siya para lang sa mambabasa.
But the problem was the House Spot. It might activate when they see each other.
"System, will the House Spot still activate even if we are in the real dimension?"
[Response System: House Spot is linked to the design of Fictosa. It can't function independently. Without the Fictosa's sky structure, House Spot will not activate.]
"Yes!" He clenched his fist in celebration. Now he just needed to find him with his threads. He wouldn't need to worry about the story replaying again and cost an amount of his time.
Nakarating na siya sa labas ng building. Ilang saglit pa ay dumating na rin si Logan. Sabay nilang hinintay si Anais na dumating. Wala si Anais sa plano nila subalit bigla itong pumunta sa apartment ni Logan kahapon. Nag-uusap sila tungkol sa gagawing surpresa kay Gon at nalaman ito ng babae. Wala silang ibang nagawa kundi um-oo nang magboluntaryo itong tumulong.
Ilang sandali pa, dumating na si Anais.
"Hi! Sorry, naghintay ba kayo?" saad ni Anais pagkatapos ibaba ang windshield ng kotse.
"Okay lang po. Kakalabas lang naman namin," sagot ni Logan. Pumasok na ito sa kotse.
Umupo rin siya sa backseat katabi ng lalaki. Nanatili lang siyang tahimik hanggang sa makarating sila sa bookstore. Inuna muna nilang bumili ng libro.
"What genres should we get?"
"Romance, Mystery, but prioritize Fantasy. Iyan ang pinakagusto niya sa lahat," saad ni Logan habang naglalakad na papasok.
BINABASA MO ANG
Author's Note (Published under Cloak Pop Fiction)
FantasyThe Villain Series No. 1 Due to Zero almost wiping out the fictional dimension, Fictosa's system malfunctioned. It has failed to distinguish the boundary between two dimensions and allowed the villains from the most grossing and award-winning books...