Kabanata 13

3.6K 200 64
                                    

NAGTAKA si Gonietta nang panay ang pag-usog ni Logan palayo kaya hinawakan niya nang mahigpit ang pulso nito. Hindi ito makatingin nang diretso sa kaniya. Nalilito tuloy siya kung may nasabi ba siyang hindi maganda patungkol sa ugnayan nito sa mga Laurien.

"Na-offend ba kita?"

"Hindi naman. Ano pala ginagawa mo rito?" Hinila nito ang kamay dahilan para mabitawan niya ang lalaki.

"Ay, bawal na ba ako rito? May chika kasi ako. Tingnan mo 'to." Kinuha niya ang phone sa bulsa. Nakangiting pinakita niya kay Logan ang announcement na nabasa niya kanina.

Tiningnan naman nito ang kaniyang pinakita. Ilang saglit bago ito napanganga at napatingin sa kaniya.

"Really? A comic contest?" 'di makapaniwalang saad nito.

Tumango naman siya.

The International Comic Industry, ang isa sa pinakamalaking publishing company sa buong mundo ay nag-announce kagabi ng isang contest kung saan ang mananalo ay mabibigyan ng pagkakataong ma-publish ang digital comic nila.

"Sabi rito, pasok daw ang collaboration pero kailangang gumamit lang ng isang screen name at account, so we need to make a new account for us. Sali tayo rito, ah? You write and I'll draw for you just like always!" Hinawakan niya ang magkabilang-balikat nito at niyugyog. "Chance na natin 'to, Lolo. Kapag nanalo tayo, matutupad na pangarap natin!"

"But it's international. For sure, maraming magagaling na sasali. Can we win against them?"

Nag-aalala ang mukha nito kaya napasimangot siya.

"Ang negative mo talaga! Who knows, 'di ba? Saka magaling din naman tayo, ah. We just lack the exposure."

She was confident in terms of her skills. May tiwala rin siya sa kakayahan ni Logan dahil alam niya kung gaano ito kagandang magsulat. Alam na alam niya dahil siya ang unang mambabasa nito. Simula pa elementary, napahanga na siya sa mga sinulat nito.

Grade four siya nang mag-transfer ng school dahil lumipat sila ng bahay. It was in Filipino class when their teacher ordered them to write a poem and read it in front.

Siya na hindi maalam pagdating sa ganiyang bagay ay sobrang hiyang-hiya kasi baka pagtawanan siya. Imbes na magsulat, ang ginawa niya ay nagpaalam siya sa teacher na mag-cr muna pero wala na talaga siyang planong bumalik. Handa na siyang lumabas sa classroom no'n nang may magboluntaryong mauna sa pagbabasa ng nagawang tula.

At iyon ay si Logan.

Nakuha siya sa ganda ng mga salita nito kaya ang ending, bumalik na lang siya sa loob ng classroom. No'ng araw din na 'yon, hindi niya nilubayan si Logan. Nag-request pa siya sa teacher niyang magbago ng seat at tumabi sa lalaki.

"Ang galing mo kayang magsulat." She poked his cheek. "Sa galing mo, hanggang ngayon naalala ko pa tula mo no'ng grade four."

Namula naman ang mukha nito. Dali-dali nitong inalis ang kaniyang kamay at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama kaya natawa siya.

"That was ugly. Ang corny no'ng tula kong 'yon."

"Sus. Ayaw mo pang tanggapin compliment ko." Muli niyang kinalikot ang phone at binasa ang mechanics ng contest. "May dalawang rounds ang contest. Una, submission of synopsis. Kukuha lang ng fifty ang company para sa final round."

"Fifty? Argh. Ang unti."

"Tapos sa final round, dito na papasok ang illustrations. We are going to make your story into a digital comic." Ngumiti siya. "Hanggang fifty episodes lang ang hinihingi nila. Kaya dapat sa fifty episodes na 'yan, dapat bonggahan na natin nang sobra!" Patalon siyang tumayo.

Author's Note (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon