Kabanata 24

2.8K 174 43
                                    

Illustrated by iamchandraneel 💗

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Illustrated by iamchandraneel 💗

PINANOOD ni Gonietta na matulog si Adamas. Hindi pa rin nawawala sa utak niya ang huli nitong sinabi. Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo dahil hindi niya alam kung ano ang tamang i-re-react.

Binaling niya ang atensyon sa study table. Inabot niya ang plushie na si Nana at tinabi sa mukha ni Adamas bago kinuha ang notebook na naglalaman ng mga ideya ni Logan. Binuksan niya ito.

'Coffin Free Spin'

Ito ang title ng istoryang pinasok nila sa contest. Tungkol ito sa isang hari na nangungulila sa patay nang asawa. Tumakas ang hari sa sariling kaharian matapos aksidenteng mapatay ang sariling anak. Nagpunta ito sa isang kuweba. Doon nito nakita ang isang coffin na naglalaman ng sandamakmak na pinwheels. 

Ang mga pinwheel ay mga portal papunta sa sariling mga memorya. Sinubukan ng hari na pumasok sa pinwheel upang balikan ang mga alaala kung saan buhay pa ang asawa. Nais nitong sabihin ang mga katagang minahal niya ito. Na pinakasalan niya ang babae hindi dahil lang sa kapangyarihan kundi dahil sa sinserong nararamdaman. At nais rin nitong humingi ng tawad sa nagawa niyang krimen sa kanilang anak.

Sinandal ni Gonietta ang likuran sa headboard habang nakangiting binasa ang concept map. Napunta ang tingin niya sa salitang nasa loob ng bilog.

'Memory Monsters'

Ang paliwanag ni Logan sa kaniya dito magsisimula ang paghihirap ng hari. Hindi nito alam na sa bawat memoryang papasukin, may mga Memory Monster na mag-aabang. Ang mga Memory Monster ay emosyon ng hari, nakabase ito sa emosyong nararamdaman sa bawat memorya. Masaya man ito o malungkot, ang mga Memory Monster ay mananatili niyang kalaban. Isa lang ang misyon ng mga Memory Monster at iyon ay kainin ang mismomg may gawa nila--ang hari. If they succeed, the king would die and he would be laying in the coffin full of pinwheels.

Hindi makakalabas ang hari sa bawat pinwheel hangga't hindi nito nagagawang patayin lahat ng Memory Monster. Tataas nang tataas din ang level of difficulty sa bawat lipat niya ng pinwheel.

Marami pang ibang bagay na nakakabit sa concept map. Sinali rin ni Logan ang type of magic system nito, ang culture at belief sa mundo na ginagalawan ng hari, at ang do's and don't rule ng pinwheel portals.

"Excited na ako," ngiting-ngiti niyang sabi habang  nakatitig pa rin sa notebook. Sabik na sabik na siyang iguhit ang mga ideya ni Logan.

Simula nang mabasa niya ang tula nito no'ng elementary, ninais niyang bigyang mukha ang bawat maililimbag nitong salita. Dahil kay Logan, nagawa niya ring makita kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay.

Napatigil siya sa kaniyang isip nang biglang sumagi sa isipan ang mukha ng kaibigan habang kinukuwento nito ang Coffee Free Spin. Bakas sa mukha ang saya nito sa tuwing binabanggit ang pagmamahal ng hari sa asawa kaya nagtaka siya.

Author's Note (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon