Kabanata 15

2.9K 181 46
                                    

"THIS is me."

Adamas forgot to blink because of how frozen he was. What was he seeing right now? Was this real? How could he have a photo with Logan?

"Huh?" Napalingon si Logan sa kaniyang gawi matapos siyang marinig. "Anong ikaw?"

Hands still shaking, he picked up the photo and showed it to him. "Why am I here, human? Why do we have a photo together?"

Kumunot ang noo ni Logan at kinuha ang litrato. Tinitigan nito ang imahe bago siya tiningnan, kinukumpura kung kawangis nga ba talaga ni Adamas ang bata.

"Well, you seem to look like him, but your eyes are different. The kid's eyes is normal, while yours are not. And your hair . . ." Tinuro nito ang kaniyang buhok. "Walang puti sa dulo ng buhok ng bata."

"But that is me!" sigaw niya. "I can't be mistaken!"

Napasapo siya sa kaniyang noo nang bigla itong kumirot. Everytime he would start to feel a strong surge of emotion, an invisible axe would start to crack his head open too. It was painful.

"What is your surname again, Mr. Adamas?"

"Riscarte."

"Then hindi nga ikaw 'to." Logan waved the photo on his hand kaya napakunot ang kaniyang noo. "This kid I'm with is a Laurien."

For the second time, he froze. The purple hologram glitched when he realized something. Adamas knew from the beginning that Noa wrote him in inspired by someone. Alam niyang ang karakter niya ay nakabase sa isang taong malapit kay Noa pero . . .

"I am a Laurien?"

"Huh? Hindi. What I meant is the kid. Imposibleng ikaw 'to dahil hindi ka naman totoo."

Hindi niya pinakinggan si Logan at kinuha ang litrato sa kamay nito. Kaagad siyang tumakbo palabas. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya hanggang sa makarating siya sa bahay ni Noa.

He needed to find out something. Kailangan niya ng kasagutan ngayon din dahil kung magtatagal pa ito, pakiramdam niya'y mababaliw na siya.

Handa na siyang tumalon sa gate ng bahay ngunit napatigil siya dahil sa system.

[Warning: You are trying to stray away from your character. Do not attempt to dwell with the real dimension.]

"Don't stop me." Hindi siya nakinig at pumasok sa loob. Kaagad niyang tinungo ang kuwarto ni Noa.

Binuksan niya isa-isa ang mga drawers nito, nagbabakasakaling may makita siyang makapagbibigay ng sagot sa mga tanong sa isip niya. Kahit may parte sa kaniyang natatakot, kailangan niyang malaman ang totoo.

Ang gulat na ekspreson ni Aivan, ang paghingi ni Asnael ng tawad sa kaniya, ang babaeng umiyak nang makita siya at ang kakaibang takot na naramdaman niya; Nais niyang malaman ang rason sa likod ng mga pangyayaring iyon. Hindi siya patatahimikin ng utak niya hangga't wala siyang makikitang bagay na makapagsasabing tama o mali ba ang mga naiisip niya ngayon.

Nang wala siyang mahagilap sa drawers, ang kabinet naman nito ang pinakialaman niya. Winaksi niya lahat ng damit nito at tinanggal ang mga hangers pero wala pa rin talaga siyang makitang bagay na makakatulong sa nalilito niyang isip.

"Argh!" He kicked the side of the bed out of frustration. Dumagdag pa sa inis ang sakit ng kaniyang ulo.

Maglalakad na sana siya papalapit sa kama ngunit may napansin siyang kuminang sa ilalim nito. Kaagad siyang yumuko at tinignan ito. Hinila niya ang kumikinang na silver lock at isa pala itong kahon.

Author's Note (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon