Kabanata 19

2.6K 184 34
                                    

"MOM, w-what did you do again?"

Adamas sighed while staring at Adamas Laurien who was crying. Kanina pa ito umiiyak matapos makatanggap ng text message mula kay Noa na hindi na muli itong magpapakita sa lalaki.

"Argh, you're such a crybaby, Adam. Can you shut up?" matinis na saad ni Azaliah na nakaupo sa couch.

"Tumahimik ka na r'yan, Adamas. Kagigising mo lang pero umiiyak ka na." Naglakad papalapit ang ina nito. Papahirin na sana ang luha pero winaksi ito ni Adamas.

"Don't touch me." His face was red like it was ready to burst.

His mother frowned. "Are you seriously getting mad? Dahil pinalayas ko ang walang kuwentang babae na 'yon?"

"Hindi siya walang kuwenta! Don't say that to her!" Sinamaan niya ng tingin ang ina.

"What's happening here?" Isang lalaki ang pumasok sa loob ng kuwarto. May kaedaran na ito kaya ang hula niya'y ama ito ni Adamas.

"He's mad at me because of a woman." She crossed her arms.

Naupo naman ang ama sa couch katabi ni Azaliah bago nagsalita. "Totoo ba, Adamas? Nangyayari ito ngayon dahil lang sa isang babae? Tsk. Wala ka na talagang ginawang maganda sa pamilyang ito kundi ang maging pabigat."

"Dad's right. Sakitin pa. Pfft," natatawang singit ni Asnael habang naglalaro sa kaniyang phone katabi rin ni Azaliah.

Napakuyom naman ang kamao ni Adamas. Kitang-kita niya ang kulay ng emosyon ni Adamas Laurien na unti-unting nagbabago. Ang kaninag malungkot ay unti-unting napapalitan ng pula. He was mad.

"Stop pursuing that woman and focus on your studies. Hindi ka magsusulat! Matalino ka pa naman, huwag mong sayangin ang buhay mo sa walang kuwenta mong pangarap pati sa babaeng iyon. Understood?"

Hindi ito sumagot.

"Hey, Adamas, are you listening to me?" Tumaas ang boses ng kaniyang ina. Napairap ito nang hindi pa rin sumagot ang anak. "Are you going to be furious with your family just because of her, huh? Gosh. You're losing my patien--"

"Shut up, Mom."

Lahat ng tao sa loob ng hospital room pati siya ay natigilan. Hindi niya inaasahang lalabas iyon sa bibig ni Adamas. Ang Adamas na iyakin at hindi kayang ipaglaban ang sarili ay ito ngayon, sinabihan ang ina na tumahimik.

"W-what did you say?"

"I said shut up!" He screamed, making everyone jolt in surprise. "Ginawa ko naman lahat ng gusto mo pero bakit pinapakialaman mo pa rin ako? Simula pa no'ng bata pa ako, wala akong sinuway. Lahat ng pinapagawa mo sa akin, sinunod ko. Kahit na ayaw ko sa course na pinili mo sa akin, sinunod ko pa rin 'yon! Hindi ko pinabayaan ang pag-aaral ko pero bakit pinapakialaman mo pa rin ako?!"

Bumakat ang ugat sa gilid ng panga ni Adamas habang binibitiwan ang mga kataging iyon. He, on the other hand, couldn't help but cheer for the man he was based on.

"That's the spirit, human! Tell that to your toxic mother!"

Dinuro nito ang ina. "Pati kung anong gusto kong gawin sa buhay ko, bakit ikaw pa ang kailangang masunod? Bakit kayo palagi? Bakit hindi ako puwedeng magdesisyon sa buhay ko? Do all of you are really my family? Am I supposed to live my life the way all you wanted and not what I want?!"

"Hey, Adamas! Enou--"

"I had enough!" Kinuha nito ang unan na nasa likuran at tinapon sa sahig. "I'm tired! I'm tired of seeing all of your faces! I'm tired of accepting all your hurtful words! I hate you! I hate this family! I don't want to be here!"

Author's Note (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon