Kabanata 35

2.2K 160 64
                                    

LOGAN excused himself early in the publishing company he was working on. Kaarawan na ni Gon kaya naman balak niyang umuwi nang maaga upang makasiguradong walang papalya sa plano niya. Binati niya kaninang umaga si Gon sa kaarawan nito dahil nasa iisang kompanya lang naman sila nagtratrabaho.

"Come to my apartment later at seven, okay?" nakangiti niyang sabi kay Gon na kumukuha ng tubig sa water dispenser na nasa kanilang office.

"Ito na ba ang surprise na sinasabi ni Adamas?"

Namilog naman ang kaniyang mata. "What? Adamas told you?"

"Sabi niya lang may surprise pero 'di ko alam kung ano."

Napahinga naman siya nang maluwag. Akala niya pa naman nabulilyaso na ang kaniyang plano.

"Well, yeah, parang ganoon na nga. Punta ka, ah?"

"S'yempre naman. Abangan ko surprise mo!" Matingkad itong ngumiti sa kaniya dahilan para bahagya siyang natigilan. He really loved the subtle squinting of her eyes. The way her cheeks lift felt like it was carrying his heart too.

Nagpaalam na siya at nagtungo pauwi ng apartment. Dumaan muna siya sa café upang bumili ng favorite nitong Frozen Strawberry Yogurt. Pagkarating niya sumalubong kaagad sa kaniya ang pastel pink carpet. Sa gilid nito ay may nakalinyang mga pink din na balloon. At sa dulo ng mga ribbon, may libro na nakatali ro'n. Iba rin ang librong nilagay niya sa ginawa niyang bouquet.

Gon loved pastels. So he painted his room just so he could get the light vibe she loved even if it meant sacrificing the plain white color he prefer in his room.

Suhestiyon din ni Anais na maglagay ng mga kulay ng pastel violet na mga lights sa pader at pati na sa gilid ng carpet. Para kapag pinatay ang ilaw, magandang tingnan ang kulay. At kitang-kita ang sinulat niyang "Happy 28th Birthday" sa pader.

Napatigil siya sa paglalakad nang makitang may dalawang pigura ang nakaupo sa bawat dulo ng sofa.

"Mr. Adamas? And . . ." Kumunot ang noo niya sa isa nitong kasama. Nakatalikod ito at walang planong lingunin ang katabi.

Tumingin sa kaniya ang lalaki. Bahagya siyang nagulat dahil sa kulay ng mga mata nito. Kung gaano ka walang buhay ang kulay ng mga mata ni Adamas, salungat naman ang lalaki. Umaapoy sa pula at dilaw ang mga mata nito. Maikli ang olandes nitong buhok at nakasuot ng puting pantalon. Maraming kumikinang na bato ang nakakapit sa coat nito. Sa kaliwang parte ng coat ay may na dilaw na telang mahaba na parang isang cape.

Logan took a step back when his appearance reminded him of someone.

"I brought your request," Adamas said.

"Is this the human who wants to see me?" patalong tumayo ang lalaki at patakbong lumapit sa kaniya. Inilahad nito ang kamay. "Hi! I'm the main character of Odds of Tribes, Hamitherion."

His mouth hangs open while slowly accepting his hand. He couldn't believe it. Adamas really brought Hamitherion of Odds of Tribes.

"Whoa .  . . you look really like the sun," nakanganga niyang sabi at taas-noong tiningnan ang lalaki.

"Right? Noa really made me so bright so I could shine and lead the Odds of Tribes to fame." He giggled before letting go of his hand.

"The nerve you have to say that. It was because of me that Odds of Tribes is now famous!" sabat ni Adamas.

Inis namang lumingon si Hamitherion. "Oh, please, Riscarte. You're the villain! I am the main character. It is my story and my perspective they are reading. They love me more than you!"

Napahalakhak si Adamas at nanunuyang tiningnan ang lalaki. "What you said is baseless. If they love you so much, then why the hell do they want a sequel in my perspective, huh? It's clear who's the more loved character between us. And it is me!"

Author's Note (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon