Kabanata 30

2.5K 177 72
                                    

"AKO na nga ang bahala." Napakamot sa ulo si Gonietta dahil ayaw manahimik ni Adamas.

Kagigising niya lang at sumobra na naman tulog niya. It was almost afternoon when somebody knocked on her door earlier. Pagbukas niya, si Adamas kaagad ang bumungad sa kaniya at pakaladkad siyang hinila papunta sa kuwarto ni Logan. Akala niya kung ano na ang nangyari sa lalaki, nilagnat lang pala.

"Tinakot mo 'ko sa expression mo. Akala ko nag-aagaw buhay na kaibigan ko!" inis niyang saad habang nilalabhan ang towel bago ito nilagay sa noo ni Logan. Nasa kama ito ngayon at natutulog.

"I told him not to panic but he already went out to get you," sagot naman ni Anais. Naupo ito sa paanan ng kama.

Pinagkrus naman ni Adamas ang mga braso. Nakatayo ito habang 'di inaalis ang tingin kay Logan. "How could I not? Look at. his face, he's looking dead than the deceased."

Totoo nga na sobrang putla ng mukha nito. Naninilim din ang ilalim ng mga mata at halatang puyat.

Tinapat niya ang likod ng palad sa leeg nito. Sobrang init pa rin. She checked his temperature earlier and it was almost thirty-eight degrees.

"Magiging okay rin siya. Ako na bahala." Inalis niya ang tingin kay Logan at binalik kina Anais. Nagulat pa siya kanina dahil hindi niya inakalang makikita ang babae sa loob ng kuwarto ni Logan. "Mukhang may lakad yata kayo."

"Ah, yeah. We're going to a hospital."

"Bakit? Papa-check up mo si Adamas?" Turo niya sa lalaki.

"Do I look like I'm sick, my reddy readsy? We should bring Logan!" protesta nito. Kanina pa nito pinipilit na ipadala ang lalaki sa hospital.

Wala naman siyang problema ro'n pero nagdadalawang-isip siya dahil baka hindi matuwa si Logan pagkagising. Knowing him, he wouldn't want to waste money for himself even if it meant getting sick. He'd probably going to say he prefers to be out of the hospital.

"We can keep Logan here for now and observe him," sagot ni Anais. "Just make sure to watch his temperature. Kapag hindi 'yan bumaba at tumaas hanggang thirty-nine, we need to take him to the hospital." Tumayo na ito. Tiningnan nito si Adamas at sinenyasahang aalis na sila.

Nagdalawang-isip naman si Adamas. "Will he really be okay?"

Bahagya siyang napatawa dahil sa nag-aalala nitong mukha. "First time mo ba makakita ng may nilalagnat?"

"I never got sick, so I don't really know what it feels like."

"It's tiresome. You'll feel cold tapos sasakit ulo mo. But most of the time, they don't really last long. You can take care of someone who has a fever just inside your home," paliwanag ni Anais.

Tumango naman siya. "At isa pa, hindi naman 'to unang beses na nilagnat si Logan at mas lalong hindi ito ang unang beses na inalagaan ko siya. You can leave him to me. Okay ba?" She put her thumbs up.

Adamas sighed with his lips slowly smiling. "All right. I will hold on to your words."

Naglakad na si Anais palabas ng kuwarto. Sumunod din si Adamas pero bago pa ito tuluyang lumabas, lumingon muna ito sa kaniya. Ngumiti ito sa kaniya nang nakakaloko dahilan para kumunot ang kaniyang noo.

"Take good care of your husband."

Natigilan naman siya. Hindi siya nakasagot at pinanood lang itong umalis na habang tumatawa.

Nanukso pa talaga ang gago.

Binalik niya na lang ang atensyon kay Logan. Kinuha niya ang towel at muli itong nilabhan. Nilagay niya ito sa noo ng lalaki bago lumabas para magluto ng lugaw.

Author's Note (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon