Kabanata 20

2.6K 168 27
                                    

Warning: This chapter contains violence, death, miscarriage and depressing scenes. This may be uncomfortable for some readers so please, be advised. Prioritize one's state of mind all the time. Thank you.

AFTER the graduation, Adamas watched the two get married. Their marriage wasn't that grand and their only witness was Anais. Nagpakasal sila sa huwis at namuhay sa kabilang siyudad kung saan nagtayo ng bakery shop at bahay si Adamas.

Hindi imposibleng hindi sila mahanap ng mga Laurien kaya hindi na rin sila nagpakahirap pang lumayo at magtago. Alam ng dalawa na malalaman at malalaman din nila kung nasaan sila pero hindi na natatakot dahil wala nang pakinabang pa ang lalaki sa pamilya nila.

Him breaking the engagement was the cue that he already cut ties with them. Mahalaga ang engagement dahil susi 'yon upang mas lumawak pa ang ugnayan ng businesses ng Laurien. At dahil hindi ito sumipot at nagpakasal sa iba, paniguradong abot-langit na ang galit ng ama at hindi na pa nanaising makita pa ulit ang anak.

Even if Adamas Laurien would try to go back, he would likely be disowned by his family.

And he was right. His family didn't even bother finding them.

The events went fast. Maya't maya itong nagpapalit dahilan para maramdaman niyang malapit na itong matapos. The extent of his gift was almost at its limit.

Sa loob ng dalawang taon namuhay nang tahimik ang dalawa. Walang kahit anong gulo. Walang pumapagitna sa kanila. At kung may problema man, nagagawa nila itong maayos.

They were happy not until Noa got a call from someone.

Nagluluto si Noa nang hapunan nila nang biglang mag-ring ang kaniyang phone. It was from an unregistered number.

"Hello?"

"Hello. This is the Southern Medical Hospital. Is this Lilianoa Laurien?"

Napatigil ito sa paglagay ng toyo sa Adobo. "Yes. W-what is it?"

Napakunot din ang noo niya habang nakikinig. Nasa likuran siya ni Noa at dinutdot talaga niya ang tainga sa phone upang marinig ang caller.

Pinakinggan niya ang sinagot nito.

Namilog ang mata niya matapos marinig ang sinabi ng caller. Natigilan siya. Kasabay ng nalaglag na sandok ang kaagad ding pagtakbo ni Noa palabas ng bahay. He immediately followed her to the hospital.

The call reported Adamas' death. He died because of another episode of Takotsubo.

What triggered him again? 

The event he saw were all happy memories with Noa so how come he was triggered by extreme emotions? Did happiness kill him?

Dumiretso sila sa emergency room pero may nurse na humarang at sinabihan si Noa na magtungo sa second floor. Sira ang elevator ng hospital kaya walang choice si Noa kundi sa hagdanan umakyat.

"Noa!" Muntik nang lumuwa sa gulat ang puso niya nang makita ang manunulat na bumangga sa pader dahil sa isang malakas na puwersa. Katatapak lang nito sa second floor pero isang hampas kaagad sa ulo ang natanggap nito.

Kaagad niyang pinukol ng masasamang tingin ang humampas kay Noa.

It was Anica. Kasama rin nito ang iba pang mga anak.

"Hayop ka! Pinatay mo ang anak ko!" Muli nitong sinugod ang nakahandusay na si Noa. Hinila nito ang buhok at pinagsasasampal ang mukha. Walang tigil nitong kinakalmot ang pisngi ng babae. "Dahil sa 'yo inatake ang anak ko! Pinatay mo siya!"

"I . . . w-what?" Dumudugo na ang labi ngunit dahil sa sinabi ni Anica, parang nakalimutan ni Noa na puno na ng sugat ang kaniyang mukha. Nanatili itong nakahandusay sa sahig.

Author's Note (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon