UMAKYAT sa seventh floor si Gonietta habang pinagmamasdan ang manipis at itim na sinulid na dahan-dahan nang nawawala. Palagi na lang siyang napapakamot sa buhok niya sa tuwing bibitiw ng mga salita si Adamas. Ang labo. Hindi niya maintindihan.
Nang makarating sa kaniyang room number, kaagad siyang pumasok sa kuwarto. Hinanda niya ang drawing tablet, stylus at drawing glove. Pinuno niya muna ang kaniyang tumbler ng tubig bago umupo sa swivel chair at nagsimulang mag-drawing.
Plano niyang tapusin ang fan art ni Adamas ngayong araw. Tiningnan niya ang mga litratong nakuha niya. Nagtatalo ang isip niya kung anong pose ang magandang i-draw kasi sa lahat ng kaniyang naiisip, alam niyang bagay lahat kay Adamas.
Napunta siya sa photo kung saan nakasandal si Adamas, nakaangat ang mukha at bahagyang nakangiti. Ito ang pose na pinagawa niya sa lalaki.
May ideya na pumasok sa isipan niya kaya iyon ang ginawa niyang reference sa magiging pose ng kaniyang drawing.She started sketching Adamas Riscarte with his villain outfit. Half body lang ang request ng client kaya hanggang sa corset lang ang kaniyang drawing. Bahagyang nakatingin sa ibabaw ang ulo ni Adamas habang ang isang kamay ay inaangat ang black veil.
Nakailang ulit siyang iguhit ang ngiti nito dahil gusto niyang kuhang-kuha mismo kung paano ngumiti si Adamas. He had an innocent face, and so was his smile. Hindi mahahalata na isa itong delikadong nilalang na kayang kumitil ng buhay nang walang pag-aalinlangan.
"Hmm." Napatigil muna siya sa pag-s-sketch at tinignan ang kabuohan ng drawing. Nang makuntento, sinimulan na niyang mag-line art kung saan mas malinis at finalized ang bawat linya at hugis ng kaniyang drawing.
Tumagal siya ng ilang oras na hindi niya namalayang alas nuwebe na pala ng gabi. Saka niya lang naramdaman ang pagkulo ng kaniyang tiyan nang matapos niya ang commission. She sent an overview of the art to know her thoughts and if there were still things she needed to change.
Nagtungo siya sa kusina para magluto ng pagkain.
"Aray," napadaing siya nang maramdaman ang sakit ng kaniyang likod. She stretched her body while waiting for her noodles to be cooked.
Kaagad niya itong nilantakan matapos maluto dahil sa gutom. Sinulyapan niya ang phone sa ibabaw ng lamesa nang may notification. It was from her client. Wala na raw itong pababaguhin, nagbayad na rin ito sa kaniya kaya s-in-end na niya ang product.
Pumasok na ulit siya sa kaniyang kuwarto para matulog. May mga pending commission pa siya pero malayo pa naman ang deadline kaya hindi muna niya gagawin.
Ilang minuto muna siyang nag-scroll sa kaniyang social media account at nang makita na online ang kaniyang ina, iniwanan niya ito ng mensahe.
Gonietta Ran:
Ma, sumali kami ni Logan ng contest InternationalNaghintay muna siya ng ilang minuto bago nag-reply ang ina. Napangiwi siya dahil isang thumbs up lang ang mensahe nito.
Baka busy pa rin sila.
Palaging abala ang parents niya sa kanilang restaurant lalo na sa mga ganitong oras dahil maraming nag-d-dine in. Hindi niya na lang ito pinansin at natulog na.
Nagising si Gonietta na malapit nang mag-alas diyes ng umaga.
"Gago, I overslept." Napakamot siya sa kaniyang ulo. Maaga naman siyang natulog pero ang tagal niya pa ring nagigising.
Humihikab siyang bumangon sa kama. Nagtungo siya sa kusina para magluto ng kaniyang pagkain pero pagbukas niya sa freezer ng refrigerator, matigas na matigas pa ang manok na binili niya no'ng nakaraan.
BINABASA MO ANG
Author's Note (Published under Cloak Pop Fiction)
FantasyThe Villain Series No. 1 Due to Zero almost wiping out the fictional dimension, Fictosa's system malfunctioned. It has failed to distinguish the boundary between two dimensions and allowed the villains from the most grossing and award-winning books...