Chapter 3: New Beginning

58 25 3
                                    

Adrian's POV

SAMPUNG minuto na lang ay mag-a-alas dose na ng gabi pero hindi pa rin kami nakakaupo ni Missy. Ramdam ko ang pagod niya dahil kanina pa kami naglalakad, naghahanap ng pwedeng matuluyan pansamantala. Pero bigo kami. Bitbit niya ang isang maletang kulay itim habang ako naman ay bitbit sa magkabilaang braso ang dalawang backpack kung saan naroon ang mga damit ko.

Isang tao na lang ang naiisip kong makakatulong sa amin. Nang buo na ang desisyun ko na kapalan ang mukha, nagpunta na kami kaagad sa bahay nila.

"Pasensya ka na, tol. Wala kasi talaga kaming ibang mapuntahan, eh. Promise, bukas na bukas kaagad maghahanap ako ng trabaho at ng malilipatan. Kahit ngayong araw lang sana."

Nasa labas kami ng isang kahoy na gate ng bahay nila Toni, nagbabakasakaling pwede kaming makituloy muna kahit ngayong araw lang. Hindi ga'nun kalaki ang bahay nila pero kinapalan ko na ang mukha ko. Wala rin naman kasi talaga kaming mapuntahang iba. Hindi naman pwedeng doon sa bahay nila Missy dahil nga bayolente ang tatay niya. Hindi rin ako pwedeng bumalik sa amin. Kailangan kong patunayan sa erpats ko na tama ang naging desisyun ko.

"Medyo negative kasi tol, dahil nga dito rin nakitira ang asawa ng ate ko at hindi pa nakakapag-bukod." Nanlumo ako dahil sa narinig pero bigla rin nabuhayan nang magsalita siya ulit. "Pero kung ipapangako mo na makakahanap ka kaagad kinabukasan, makikiusap na lang ako kay Mama na dito muna kayo ngayong araw makitulog."

Napangiti ako sa narinig. Sa wakas!

"Talaga, tol? Salamat! Pangako, bukas na bukas maghahanap ako." napayakap ako ng di oras sa kanya dahil sa tuwa. Mayamaya lang ay lumipat ako ng yakap kay Missy na ngayon ay nakikita kong parang inaantok na dahil sa namumugto na ang mga mata. Hinalikan ko na lang siya sa noo at saka sinundan si Toni na ngayon ay papasok na sa bahay nila.

Patay ang ilaw sa loob ng bahay nila maliban lang sa may kusina. Pero naaninag pa rin naman namin ang daanan kaya hindi kami nangapa nang makapasok na kami sa loob ng tuluyan. Tulog na siguro ang mga tao dahil. Maliban kasi sa aming tatlo, wala na akong ibang taong nakikita pa.

Dumiretso na kaming dalawa ni Missy sa loob ng kwarto ni Toni. Malinis at organized ang kwarto niya. Wala kang makikita ni isang kalat man lang sa sahig o sa kama. Mayamaya lang ay naglapag siya sa sahig ng isang maliit na kutson at saka tinuro sa amin.

"Dito kayo hihiga. Pasensya na, ah. 'Yan lang ang nakayanan ko, eh." Pagpaumanhin niya.

"No, it's okay, Toni. We're good. Thank you. Na-appreciate ko yung help mo sa amin ni Adrian." pagsasalita ni Missy. Kita kong napangiti siya.

"Oo, tol, okay na sa amin 'to. Para namang di sanay sa sahig matulog." pagbibiro ko saka natawa.

"Teka, ngayon ko lang napansin. Matutulog kang ganyan?"

Napatingin ako sa kung ano ang tinuro niya. Napahawak naman ako sa ulo ko. Oo nga pala, para akong nakipagsabunutan sa kanto at nagsilagasan ang mga buhok ko. 'Yung dating hanggang balikat kong buhok ay umiksi na hanggang batok. Kaya pala kanina pa ako nangangati, dahil pala doon, nawala na sa isip ko gawa nung nangyari.

"Di ko alam anong nangyari pero tara sa banyo, tol. Ayusin natin yan. Marunong naman ako mag-gupit kahit papaano."

'Yun lang ang sinabi nya at nagpunta na nga kami sa banyo para ayusin ang pagka-gupit sa akin. Ginawa niyang reference ang french cut hairstyle na nakita sa google. Nagustuhan ko naman ang naging resulta. Mukha na talaga akong lalake.

"Naks! Pogi!"

Napangiti ako sa naging reaksyon ni Missy. Nakaramdam din ako ng ginhawa nang mapatingin ako sa salamin at nakita ang bago kong hitsura.

The Unbreakable Thread (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon