Adrian's POV
"HAPPY anniversary, Hal!"
Nakatalikod siya sa akin at kahit hindi niya nakikita ay malawak ang ngiti ko at inabot ko sa kanya ang bouquet na binili ko pa kanina sa isang flower shop. Mas lumawak ang ngiti ko nang humarap na siya sa akin.
Ang ganda pa rin niya kahit kailan. Naka-pajama siya ng kulay itim at naka plain white shirt na pinatungan niya ng kulay itim nya ring jacket at as usual, may headband siyang suot na kulay green. Sakto lang ang suot niya dahil wala naman kami sa isang restaurant or mamahaling lugar ngayon.
Hindi ito ang unang beses na nagpunta kami sa Camping Site na ito dito sa Tanay Rizal pero pakiramdam ko ito ang unang pagkakataon na dinala ko siya rito. Ito na yata ang isa sa mga paborito naming lugar na palagi naming pinupuntahan.
"Lilac! Ang ganda niya, hal," nakangiti niyang sambit. Matapos niyang abutin ang bulaklak ay niyakap niya ako. "Happy 5th year sa atin, hal. I love you," pagpapatuloy niya. Lumapad naman ang ngiti ko.
Humiwalay ako ng yakap sa kanya at tiningnan ko siya sa mga mata kasabay ng paghaplos ko sa magkabilang pisngi niya.
"Mahal na mahal din kita, hal, alam mo 'yan. Lahat gagawin ko para lang sumaya ka."
Hinalikan ko siya pero hindi rin nagtagal ay humiwalay siya ng halik at saka tiningnan ang kalangitan. Pasado alas otso na ng gabi kaya naman kitang-kita ang mga bituin na isa-isang kumikinang.
"Ang ganda ng mga bituin ano," pagsasalita ko. Hindi siya sumagot pero nakita kong tumango siya habang nakatingin pa rin sa itaas. "Kasing-ganda mo. At kagaya ng bituin, hindi ako magsasawang tingnan ka."
Mayamaya lang ay nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya dahilan para mag-alala ako.
"Hal? Umiiyak ka ba? Anong nangyari?"
Pinilit kong ibaling ang mukha niya sa akin. Narinig kong humikbi na rin siya. Anong nangyayari?
"W-wala lang, hal, masaya lang ako. Sa kabila ng nangyari, nandito pa rin tayo, matatag. Sa dami ng tutol sa relasyon natin, nand'yan ka pa rin sa tabi ko, hindi mo ako iniiwan."
Ngumiti ako sa kanya matapos marinig ang sinabi. Bumuntong-hininga muna ako bago ko pa siya sinagot.
"Dahil mahal mo ako. Sapat na dahilan na 'yun para sa akin para hindi ako sumuko sa pagmamahal sa 'yo."
Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa pisngi niya saka nagsalita ulit.
"Alam kong hindi maganda sa paningin ng iba na ang isang kagaya mo na maganda ay papatol sa isang kagaya ko na kapwa babae rin. Hindi natin kayang i-please ang ibang tao. Kahit mag explain pa tayo nang mag explain, kapag ayaw nilang umintindi, hindi talaga nila maiintindihan ang kung anong meron sa atin."
"Hal," mangiyak-ngiyak na sambit niya.
"Kagaya nga ng sinabi ko, sapat nang rason sa akin yung mahal mo ako para mag stay sa tabi mo. Ayoko nang isipin ang sasabihin ng ibang tao, sawa na ako 'dun. Quota na tayo doon, hal, alam mo 'yan."
Pagkatapos kong sabihin 'yun ay niyakap na lang niya ulit ako ng mahigpit. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.
Hindi rin nagtagal ay naisipan naming pumasok na sa loob ng tent na nirentahan namin. Kumain muna kami noong Spaghetti na niluto ko pa bago kami umalis. Ilang oras matapos naming kumain ay naisipan na naming humiga. Naka-unan siya sa braso ko. Pareho kaming nakatingala sa kalangitan.
"Grabe ano, di pa rin ako makapaniwala na limang taon na pala tayo. Parang kailan lang noong niligawan kita." Napangiti ako sa naalala.
"Oo nga, parang kailan lang, ang torpe mo pa noon. Obvious ka naman, pero wala kang sinasabi."
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Thread (GL)
Cerita Pendek"Mahal mo nga ba talaga ako? O mahal mo lang ako dahil alam mong mas convenient 'yon para sa 'yo?" [PUBLISHED UNDER MNV PUBLISHING]