Adrian's POV
Isang linggo na ang lumipas magmula noong magpunta kami sa Camp site para mag celebrate ng 5th year anniversary namin. Dalawang buwan na rin ang dumaan magmula noong makahanap si Missy ng trabaho sa isang BPO company bilang isang customer service representative.
Pinaliwanag niya naman sa akin ang dahilan kung bakit siya naghanap kaagad ng trabaho at tumigil na rin sa pag-aaral. Gusto niya raw makatulong sa gastusin at sa pagpasok niya sa BPO ang nakikita niyang solusyon para doon. Ang usapan naming dalawa, babalik pa rin siya sa pag-aaral pero sa ngayon ay mag-iipon lang muna ng panggastos naming dalawa. Lalo pa at wala naman kaming ibang maaasahan kung hindi ang sarili lang din namin.
Kasalukuyan akong naglalakad pauwi ng apartment. Kakatapos ko lang kasi mamalengke at bitbit ko sa magkabilaang kamay ang dalawang paper bag. Nang makarating na ako ng bahay ay nilapag ko na kaagad sa mesa ang mga gulay na pinamili ko. Off ko ngayon sa Morning Cafe kaya naisipan kong ipagluto si Missy ng paborito niyang ulam na sinigang na manok.
Nang tingnan ko ang oras ay nasa alas onse na pala ng tanghali, oras din ng uwian ni Missy kaya sakto lang ang preparasyon ko para pag-uwi niya ay luto na at nakahain ang paborito niyang ulam. Habang hinahanda ko ang mga kakailanganin, naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa may bulsa kaya kaagad ko itong tiningnan. Napangiti ako nang mabasa ang chat niya.
[Hal, pauwi na ako.]
[Mag-iingat ka, hal. May gwapong nakaabang dito sa bahay pag-uwi mo.]
Mas lalo akong napangiti pagkatapos kong pindutin ang send button.
[I just realized, off mo nga pala today. Do you want to go somewhere, hal?]
[Hindi na, hal. Next time na lang kapag pareho tayong naka rest day. May pasok ka kasi mamaya kaya hindi pwede.]
Gustuhin ko man siyang ayain na gumala sa labas, hindi rin pwede dahil may pasok nga siya mamaya. Ayaw ko namang magdahilan siya ng kung anu-ano sa team leader niya para lang di pumasok. Mas okay na itong pagkauwi niya, may madadatnan siyang masarap na pagkaing gawa ko mismo.
Pagkatapos kong ipripara ang lahat ng kailangan ay nagsimula na ako magluto. Sinimulan ko ito sa paggisa ng bawang, sibuyas at luya. Sinunod ko na rin kaagad ang kamatis at ilang minuto lang ay nilagay ko na rin ang isang kilong manok. Sinunod ko na rin ang paglagay ng isang litrong tubig at nilagyan ko ito ng kaonting patis at ang pampaasim.
Nang kumulo na ito ay kumuha ako ng isang kutsara at saka sumandok ng kaonting sabaw para tikman kung sakto na ba ang lasa nito. Mayamaya lang ay nangasim ang mukha ko nang malasahan ito.
"Sakto! Tiyak magugustuhan 'to ni Missy." sambit ko sa sarili saka nagpatuloy lang sa pagluluto.
---------*****----------
HINDI ko mapigilan ang saya nang makita ko ang chat niya sa akin na malapit na raw siya. Excited akong lumapit sa pintuan at doon ko siya hinintay.
Isang malapad na ngiti ang bumungad sa kanya nang buksan na niya ang pintuan. Kita ko rin naman kaagad na medyo pagod siya sa byahe kaya kinuha ko na kaagad ang sling bag niyang kulay green at saka inalalayan papasok sa loob ng bahay.
"Kumusta byahe?" tanong ko kaagad nang makapasok na siya. Hinalikan ko siya sa pisngi at saka niyakap sa tagiliran niya.
"Sobrang traffic, hal! Nakaka-stress!" reklamo niya.
"Hindi ka pa ba sanay sa traffic, hal?" natatawang sambit ko.
"Ewan ko ba. I can't get used to it. Wait, what's that smell? Don't tell me—" magrereklamo pa lang sana siya ulit pero nakuha niya ang atensiyon ng amoy ng niluto ko.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Thread (GL)
Historia Corta"Mahal mo nga ba talaga ako? O mahal mo lang ako dahil alam mong mas convenient 'yon para sa 'yo?" [PUBLISHED UNDER MNV PUBLISHING]