Chapter 9: Sinful Night

37 2 0
                                    

WARNING: This chapter contains the slight SPG scenario. Please read at your own risk. You've been warned.

Missy's POV

"CHEERS, everyone!"

I saw my TL raise his glass of Tequila sunrise while standing at our mini stage in front. In his left corner, there was a table and big speakers and a man standing, wearing a headphone whom I believe, was a disc jockey. He's busy checking on his laptop.

"So tonight, let's all have fun! Huwag na muna nating isipin ang problema ng mga customers natin. Let's enjoy the night!"

A big smile formed on his face before he drink his tequila and as if on cue, we followed him. I glanced at my canned beer bottle before I take a sip of it. Napapikit pa ako ng bahagya dahil sa pait na nalasahan ko. With that, music starts to play. Nakita kong sumasayaw na rin ang halos lahat. May ilan pa na nakababad sa pool, sumasayaw habang hawak ang kani-kanilang baso ng inumin. Yung iba naman ay nasa kani-kanilang table lang, nakaupo habang napapasayaw ang mga katawan. It was around ten in the evening and everyone was so happy and busy with dancing while drinking.

Hindi ako ganun kahilig sumayaw kaya naghanap na lang ako ng pinakamalapit na upuan para doon na lang magpahinga. Inaya pa ako ni Fatima noong una na sumayaw at makisaya pero sa huli ay siya rin ang sumuko. Medyo na-out of balance pa ako nang makalapit sa upuan. Maybe it's because of the drinks. Actually, it's my fourth set of beer already kaya siguro medyo sumasakit na ang ulo ko kahit papaano.

Napainat ako nang sa wakas ay nakaupo na rin ako. I was smiling the whole time while looking at them partying and having fun. Mayamaya lang ay nakita ko si Harold na papalapit sa gawi ko. His paired of eyes were all focused on me, smiling while walking and he's holding a glass of I don't know, maybe a tequila. Napaiwas ako nang dumako ang paningin ko sa katawan niya. Hindi ba siya nilalamig? Wala pa rin kasi itong damit, tanging shorts lang na kulay asul at naka-tsinelas ang kanyang suot. Nakikita ko na naman tuloy ang mala-pandesal nitong tiyan. Hindi ko alam kung dahil ba sa nainom ko kanina kaya pakiramdam ko ang init ng katawan ko ngayon.

"Hindi ka talaga mahilig sumali sa trip ng karamihan ano?" pasigaw niyang bungad nang makalapit. Kinailangan niyang sumigaw para marinig ko dahil sa lakas ng sound ng DJ. I just simply smile.

"Wanna dance?" pag-alok niya na kaagad kong tinanggihan. "Come on, dance with me," pangungulit nito.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kanang kamay ko at inakay para makatayo. Matapos niyang gawin iyon ay nag-umpisa siyang sumayaw sa harapan ko pero tumigil siya nang ma-realize na nakatunganga lang ako.

"Don't you know how to dance? Or is this your first time na may nag-aya sa 'yo na isayaw ka?" he smirked. Napataas ang kilay ko sa narinig.

"Excuse me? I've done this before. Anong akala mo sa akin?" I hissed.

"'Yun naman pala, eh. Then what's the problem?"

"Problem? You're a guy and I have a girlfriend."

"And so?"

This time ay mas lalong nangunot ang noo ko sa narinig. And so?

"Listen, I don't care kung may Adrian ka na. All I want is to dance with you, to be with you. Remember we have a deal? I will make you happy today and besides, wala naman siya dito kaya hindi niya makikitang sinayaw kita."

Natahimik ako. Yeah, right. Napabuntonghininga na lang ako saka napatingin sa kanya na ngayon ay ngiting-ngiti.

Okay, fine. Ngayong gabi lang naman. I will make sure na huli na ito.

"Tantanan mo na ako pagtapos ng gabing ito." Walang kabuhay-buhay kong sabi sa kanya. Mas lumawak ang ngiti niya nang marinig ang sinabi ko.

"Before we dance, drink this first."

The Unbreakable Thread (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon