Chapter 12: Where's Missy?

29 3 0
                                    

Adrian's POV

HINDI ko mahanap si Missy. Ilang oras na akong paikot-ikot sa loob ng bahay at maging sa labas ay tiningnan ko na siya pero ni anino ay hindi ko siya makita. Mag alas siete na ng umaga nang tingnan ko ang aking relo.

Naalala kong hindi naging okay ang usapan namin kagabi. Matapos ko siyang komprontahin ay hindi na siya umimik pa. Hindi ko rin kinaya ang sakit na naramdaman ko kaya umalis ako ng bahay at nagpahangin at pagbalik ko ng bahay ay mahimbig na siyang natutulog ulit. Binigyan ko siya ng pagkakataon para magpaliwanag pero wala akong narinig na ano mang salita galing sa kaniyang bibig. Mas pinili niya ang manahimik na lang, bagay na mas lalong nakapagpasikip ng dibdib ko.

"Sh*t," bulalas ko nang makita ang drawer namin na halos wala nang gamit. Wala akong nakikitang damit ni Missy at nagkalat maging ang gamit namin sa loob ng kwarto. Hindi ko rin makita ang ilan sa mga bag niya.

Napasabunot ako sa sariling buhok at napahilamos ng di-oras sa mukha.

Kaagad kong hinanap ang cellphone ko at sinubukan siyang tawagan sa numero niya pero mukhang nakapatay ito. Ilang beses kong inulit ang pag-dial pero palaging ang Service Operator ang naririnig ko. Tiningnan ko ang aking messenger at doon sana siya i-chat pero hindi ko makita ang conversation naming dalawa. Hindi ko rin mahanap ang account niya na para bang binlock niya ako.

Napamura ako sa pangalawang pagkakataon dahil sa ideyang baka nga binlock niya ako at iniwan niya ako.

"Hindi-hindi pwede ito!" napailing ako.

Missy nasaan ka na ba?

Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa at dumiretso na ako sa office ni Missy, pero hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng building ay may humarang na sa akin na isang babaeng guard.

"Miss-Sir, employee ka ba dito? Nasaan ang ID mo at bakit naka-pambahay ka lang?" suway niya sa akin.

"Guard papasukin ninyo ako, kailangan kong makausap si Missy." Pagmamakaawa ko. Nakuha na rin kaagad ng ibang empleyado doon ang atensiyon namin at mayamaya pa ay may lumapit na isa pang guard na lalake.

"Anong nangyayari?" kaagad na tanong niya nang makalapit. Napatingin naman ako sa kaniya.

"Sir, kilala niyo po ba si Missy Chavez? Empleyado po siya dito sa Dial Centre, kailangan ko lang po siyang makausap."

Nakita kong nagkatinginan ang dalawang guard na para bang tinatanong nila ang isa't isa kung sino ang tinutukoy ko.

"Sir, sa dami ng empleyado sa kompanyang ito hindi na po namin matandaan ang mga pangalan nila. Subukan niyo pong tawagan muna." Kalmadong sambit ng guwardiyang babae.

"S-Si Harold. Hindi ko matandaan ang buong pangalan niya pero alam ko SME siya dito, baka kilala ninyo?"

Halos sabay silang umiling pareho kaya mas lalo akong nanlumo. Biglang nanghina ang tuhod ko kaya inalalayan ako ni kuyang guard palabas ng building. Napaupo ako sa pinakamalapit na upuan at doon nagsimulang tumulo ang mga luha ko.

Kinuha ko ulit ang phone sa bulsa ko at nagbakasaling sagutin na niya ang tawag ko pero bigo pa rin ako. Nakailang beses pa ako sumubok pero parang wala talaga siyang balak na sagutin ang tawag at messages ko.

Hindi ako umalis sa pwesto ko at nanatili lang na nakatayo sa harap ng building nila, nagbabakasakaling mahagilap ko si Missy. Hindi ko iniinda ang gutom, pagod at sakit makita lang ang babaeng pinakamamahal ko. Nang ma-realize kong mag a-alas onse na ng umaga ay mas naging alerto ako sa gate ng building nila. Iyon kasi ang oras ng end of shift nila. Pero dumaan ang halos kalahating oras ay hindi ko pa rin nakikita ni anino ni Missy o nung Harold na 'yun.

The Unbreakable Thread (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon