Missy's POV
"THANKS for taking care of me, as always hal." I smiled at her. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami papuntang sakayan ng mga bus. She immediately stopped when we reached the bus stop.
"Nahihiya nga ako hal, eh. Kasi tuwing rest day ko lang kita naasikaso." Napakamot pa siya sa ulo niya nang banggitin 'yun. "Pasensya ka na hal, babawi ako sa 'yo, promise." she continued.
"No, it's okay. Understandable. Ako nga hindi kita naasikaso, eh."
I feel bad sometimes kasi hindi ko man lang siya magawang ipagluto kapag rest day ko. Maliban kasi sa hindi naman ako marunong talaga, wala rin akong time masyado. Mas pinipili ko kasi ang magpahinga kesa sa gumalaw pa sa bahay. Hindi pala madali ang pumasok sa BPO, exhausted ako halos araw-araw, both physically and emotionally. Nakaka-drain ng braincells yung product process.
"Ayos lang sa akin kahit hindi mo ako maasikaso, hal. Alam ko kasing hindi madali ang ginagawa mo. Saka, malapit lang naman ang Morning Cafe, hindi kagaya ng sa 'yo na ang layo. Kaya dapat lang na mas inaasikaso kita."
For the nth times, she smiled at me. What did I do to deserve someone like her? Adrian is too good for me. Kahit minsan napapansin kong pagod siya sa trabaho, nagagawa niya pa rin akong asikasuhin. I am just thankful I have her in my life. Hindi ako nagkamaling tanggapin siya sa buhay ko.
Minutes later, dumating na rin ang bus na sasakyan ko papasok sa trabaho. Nagpaalam na ako sa kanya. Hinalikan niya muna ako sa labi bago niya ako inalalayan paakyat ng bus. Nang makahanap ng pwesto ay kaagad akong umupo katabi ng isang lalaki na if I am not mistaken, nasa around mid 30's.
"Jowa mo?"
I heard someone asked. I didn't bother to give him a look kasi hindi naman ako sigurado kung ako ba ang kausap niya.
"Miss, kinakausap kita."
This time ay napalingon na ako sa katabi ko to confirm if he was talking to me. And yes, nakatingin nga siya sa akin na medyo nakakunot ang noo.
"Yes?" response.
"Ang sabi ko, kung jowa mo ba yung naghatid sa 'yo?"
"Yes po. Why?" I answered uncomfortably.
"Ga'nun? Sayang ka naman. Ang ganda-ganda mong babae tapos sa babae ka rin pala papatol."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Why does he care? It's none of his business. Nakaramdam kaagad ako ng pagka-irita kaya mas minabuti ko na lang ang tumayo at lumipat ng upuan. Somewhere far from him. Wag niyang sirain ang mood ko. I don't even need his opinion in the first place!
Nang makahanap na ako ng bagong pwesto ay kaagad kong kinuha ang headset ko at nilagay iton sa tenga ko saka nagpatugtog. Random music lang, sakto lang ang volume para di na ako makarinig pa ng kung anu-anong opinion na hindi ko naman kailangan.
---------*****----------
PAGKABABA ko ng bus ay kaagad kong nilabas ang lanyard ko at sinuot sa aking leeg. Ilang hakbang lang kasi ang layo ng bus station sa building namin.
I was waiting at the elevator when someone tapped my shoulder. It was Fatima, one of my teammate. Siya ang madalas kong nakakausap sa lahat. She smiled at me at halata mo na kaagad ang pagiging energetic nito.
"Girl, balita ko last day of Nesting natin ngayon, ah?" she asked.
"I know. By the end of the day, they will announce who's gonna pass or fail the training. Sana makapasa tayo!" kabado kong sagot sa kanya.
Hindi ko na nga masyadong inalala ang tungkol doon dahil kahit ako ay kinakabahan din pero pinaalala naman niya sa akin. Ang galing!
Pagkabukas ng elevator ay pumasok na kaming dalawa ni Fatima. Someone was shouted when the elevator was about to close kaya madali kong pinindot ang open button. Mayamaya lang ay bumungad sa amin ang pawisang mukha ni Harold, ang Subject Matter Expert ng team namin o tinatawag na SME, isang support na siyang tumutulong sa mga new hires na kagaya namin ni Fatima.
"Oh, coach, ikaw po pala. Good morning po." bati ni Fatima.
"Good morning. Thank you, Missy." Tumingin siya sa akin at saka ngumiti.
"Morning, coach." tipid kong bati sa kanya.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa 9th floor kung saan ang production floor namin. Sumaglit muna ako sa locker ko at pagkatapos ay pumasok na kaagad sa loob ng production.
---------*****----------
"Dear, I am not mad at you but can I please talk to your supervisor? I'm tired of this already. I've been transferred to different agents several times and all are from the Philippines. If you can't get your supervisor, can you transfer me to someone in the United States instead?"
Napairap ako sa narinig. Kakatapos ko lang magbigay ng opening spiel ko tapos ganito kaagad ang bungad sa akin. I stayed calm at ilang segundo lang ay sumagot na ako.
"Ma'am, I do understand that you want to speak to my supervisor. As of the moment, he is also engaged with another call. In the meantime, may I know what is your reason for calling? I will do my very best to help you resolve your concern."
I smiled kahit hindi niya ako nakikita.
"I appreciate it, dear. But I already heard it from the previous agents and yet, they were not able to help me. The least you can do is to get your supervisor on the line."
Bumagsak yung mukha ko nang marinig 'yun. Nag-mute muna ako ng headset bago pa sumagot.
"Edi 'wag! Ikaw na nga tinutulungan, eh." Mahina lang na pagkasabi ko pero sapat na para marinig 'yun ni Fatima na katabi ko lang ng station. Natatawa pa siya sa inasal ko.
Di ko siya pinansin at ngumiti na lang ulit at nag-unmute ng headset.
"Yes, Ma'am. I can definitely get my supervisor on the line. Please bear with me as I will put this call on hold for a couple of minutes. I will be right back once I have my supervisor."
"Thank you, dear."
Thank you, dear. I mocked while looking at the screen.
I was trying to look for support and when I saw Coach Harold, I immediately raised my hand. Lumapit naman siya kaagad sa akin at nagtanong.
"How can I help, Missy?" he asked as he comb his hair using his fingers. Pansin kong binabasa din ng kanyang dila ang kanyang labi.
Naging unconscious naman ako bigla sa inasta niya kaya imbes na tingnan siya ay nilipat ko ang paningin sa monitor ko.
"The customer is asking for a supervisor onset of the call. No details provided yet, even the concern. I tried to de-escalate but kind of insisted." I explained.
He leaned himself at kinuha ang mouse sa kamay ko at siya ang navigate ng computer ko. Ramdam ko ang hininga niya sa kanang bahagi ng leeg ko habang nagsasalita.
"So you already tried to ask for her details, right?" he asked. Medyo nailang ako nang lumingon siya sa direksyon ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya umusog ako ng kaonti palayo sa kanya. Nasa likuran ko pa rin siya.
"I-I did. She's just insisting to get a supervisor so I was not able to pull up any account at all."
"All right. Connect the call to—"
"Oh my God! I'm so sorry!"
Parehong nanlaki ang mga mata naming dalawa ni Harold nang biglang maglapat ang labi niya sa pisngi ko kasabay 'nun ay ang sigaw ng isang babae. Sa hindi ko malaman na dahilan ay nabunggo 'nung babae si Harold dahilan para mapalapit ang mukha niya sa akin.
"I am so sorry, M-Missy. I didn't mean to kiss you." Depensa niya. I'm still in shocked kaya hindi ako makagalaw kaagad sa kinauupuan ko.
"Look what have you done. Next time, pakitingnan ang dindaraanan mo." rinig ko ang gigil sa mga boses ni Harold sa kausap.
" I am very sorry, coach."
"Missy, are you okay?"
Napalingon ako sa kanya nang hawakan niya ang balikat ko. Kita ko sa mukha niya ang pagiging worried.
"The call got disconnected already and you're back on avail now. Are you okay?"
Hindi pa rin ako makasagot sa kanya. Binalik ko ang atensyon sa monitor at naghanda na para sa susunod na tawag.
Kumabog ng mabilis ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Thread (GL)
Short Story"Mahal mo nga ba talaga ako? O mahal mo lang ako dahil alam mong mas convenient 'yon para sa 'yo?" [PUBLISHED UNDER MNV PUBLISHING]