Adrian's POV
NASA Morning Cafe ako at kasalukuyang naglalakad papunta sa katapat naming canteen para mag-lunch. Nang makakuha na ako ng pagkain ko at nakaupo na sa bakanteng upuan ay inilabas ko ang cellphone ay saka chineck kung may message ba galing kay Missy na sa ngayon ay nasa trabaho.
Tatlong buwan ang lumipas matapos ang Team Building nila. Hindi ko rin maintindihan pero parang may kakaiba kay Missy na hindi ko malaman. Napapansin kong sobrang busy na niya palagi at halos wala na talaga kaming oras sa isa't isa. Alas onse na ng umaga, at ang alam ko ay nasa ganitong oras din ang uwian niya. Pero nadismaya ako nang wala akong makitang messages mula sa kanya.
[Hal, pauwi ka na?]
Nangunot ang noo ko dahil nag delivered ang message pero hindi niya pa rin ito chine-check. Di ko na lang masyadong pinansin at kumain na lang. Mayamaya lang ay tiningnan ko ulit ang phone at napansing wala pa rin siyang reply.
[Hal, online ka pero di mo ako sine-seen. Saan ka na niyan ngayon? Pauwi ka na ba?]
Imbes na sa pagkain ang tingin, sa phone lang ako nakatitig habang subo-subo ang pagkain. Bakit kaya hindi siya nagrereply sa messages ko? Bahagya akong natigilan sa kinakain ko at mas lalong naka-pokus sa phone nang mapalitan ang status na delivered sa seen kaya kaagad akong nag-chat sa kanya.
[Ayan, na-seen mo na rin sa wakas. Nag-aalala ako, eh. Akala ko kung napaano ka na.]
[Sorry, hal. I'm on my way home. May ginawa kasi ako kanina kaya hindi na ako nakapag-chat na pauwi na ako. See you later, hal. I love you.]
[I love you too, hal. Ingat ka pag-uwi.]
Nakangiti ako habang hinihintay ang reply niya pero sineen niya lang ito. Baka bumaba na sa sasakyan kaya hindi na nakapag-reply kaagad.
Tinapos ko na rin ang pagkain ko saka bumalik sa cafe at marami na ang customers. Kailangan daw naming mag double time. Nasa locker na ako nang mag ring ang phone ko. Nang tingnan ko 'yun, si Missy pala.
"Hal, sorry. Kailangan ko na kasing bumalik sa trabaho. Mamaya na lang pag-uwi, ah?" bungad ko sa kanya. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at pinatay na rin kaagad ang tawag at saka sinuot ang kulay brown na apron. Dumiretso na ako sa pwesto ko. Sa totoo lang, halos naging all-around na rin ako sa cafe na ito dahil dalawang staff lang ang meron dito, ako at si Samson. Ako ang bartender at siya naman ang taga hatid ng mga orders sa customers. Pero sa panahong marami talaga ang dumadayo kagaya ngayon ay tinutulungan ko na si Samson sa paghatid ng mga orders sa customers. Kung minsan ay tumutulong sa amin ang may-ari ng cafe sa pag-asikaso ng mga orders. Kaya may mga oras din na kapag kaunti lang ang customers, sabay na kami ni Samson mag-break at siya ang tatao.
---------*****----------
"GRABE! Ang daming customer yata ngayon. Nakakapagod!"
Napatingin ako kay Samson na ngayon ay naka-upo sa upuan, pawis na pawis at pinapaypayan ang sarili gamit ang panyo.
Tagaktak na rin ang mga pawis ko dahil sa walang tigil ang galaw kanina gawa nga 'nung marami ang naging customers ngayon. Ramdam ko ang pagod at pananakit ng katawan ko dahil halos buong araw na yata ako nakatayo.
"Good job for today, Samson and Adrian. Ang daming customer at walang palpak ngayong araw na ito."
Tinapik ni Sir Bruce ang braso naming dalawa ni Samson. Siya ang may-ari ng Morning Cafe na mas madalas nasa sulok lang at kung anu-anong mga papeles ang inaasikaso.
"Sir, magdagdag na po kasi kayo ng tao. Kapag maraming tao minsan nahihirapan kami ni Adrian, eh. Diba, adrian?"
Napatingin ako kay Samson na ngayon ay nag-aabang na sumang-ayon ako sa sinabi niya. Pero hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita na si Sir Bruce.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Thread (GL)
Short Story"Mahal mo nga ba talaga ako? O mahal mo lang ako dahil alam mong mas convenient 'yon para sa 'yo?" [PUBLISHED UNDER MNV PUBLISHING]