Chapter 14: Mistake?

11 1 0
                                    

Adrian's POV

PARA akong binuhusan ng malamig na tubig. Parang gumuho ang mundo ko nang banggitin niya ang mga katagang kailan man ay hindi ko inaasahang marinig galing sa taong pinakamamahal ko. 

"I'm very sorry Adrian," walang-katapusang hingi niya ng tawad sa akin. Nagkahalo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Hindi ma-process sa utak ko ang mga salitang binitawan niya.

"Nagbibiro ka ba? Kung prank lang ito, please, hindi siya nakakatuwa."

Tiningnan ko siya nang seryoso. Pero hindi niya magawang tumingin sa akin. "Tumingin ka, please. Sabihin mo sa akin ang totoo. Prank lang ito, di ba?"

Ilang minutong katahimikan ang pumagitna sa aming dalawa. Napailing na lang ako at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay. Nadaanan ko pa sina Aries at Erin na nakatayo sa may pintuan pero hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa loob ng kwarto. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang mga hakbang na nanggagaling sa likuran ko.

"I made a huge and unforgivable mistake, Hal. I-I was drunk and dizzy at that time. I was unconscious of what I was doing. I realized how stupid I am. M-May nangyari sa aming dalawa—"

Hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin niya dahil sa malakas nitong hikbi. Napasapo ako sa aking noo sabay pamewang ng kaliwang kamay ko. Napabuntonghininga ako ng ilang ulit. Pagkatapos ay hinarap ko na siya. Bago pa man ako makapagsalita ay nauna nang pumatak ang mga luha sa mga mata ko.

Akala ko wala ng ikasakit pa ang pag-iwan niya sa akin, mayroon pa pala. Sumisikip na naman ang dibdib ko.

"Umalis ka rito." Halos pumiyok ang boses ko nang banggitin ang mga katagang iyon. Humarap ako sa kaniya at nakita ko siyang nakaluhod at nakayuko habang umiiyak. "Ayaw ko nang marinig ang mga paliwanag mo kaya umalis ka na sa harapan ko."

Pilit kong pinapakalma ang sarili. Napahawak ako sa dibdib. Pakiramdam ko, ilang ulit akong sinasaksak ng isang matulis na bagay sa dibdib. Walang-wala ang sakit na naramdaman ko noon sa nararamdaman ko ngayon. Gulong-gulo na ang utak ko.

"Adrian, please. Wala akong ibang mapupuntahan."

Pinilit ko siyang itaboy nang yumakap siya sa mga binti ko habang nakaluhod. Ramdam ko ang higpit ng yakap niya. Mas lalong nanikip ang dibdib ko. Hindi ko kayang makita siyang ganiyan. Napatingala na lang ako habang sunod-sunod nang nagpatakan ang mga luha ko.

"Hindi ako pinanagutan ni Harold. Gusto niyang ipalaglag ang bata, and I don't want to do that. Please, I need you."

Napa-smirk na lang ako dahil sa narinig at napailing ng ilang beses. Kailangan niya ako? Dahil ba para may umako ng responsibilidad sa pagdadalang-tao niya?

"Ano ba'ng naging mali ko sa 'yo, Missy? Lahat naman ginawa ko para maging maayos ang relasyon natin, ah? Pinagkatiwalaan kita." 

Pilit ko pa ring inaalis ang mga binti ko pero masyado siyang mahigpit kaya wala na akong nagawa. Tiningnan ko siya. Nakatingala siya sa akin at nakikita ko ang pamumugto ng kaniyang mga mata. "Tinanong pa kita noon kung ano'ng meron sa inyo ng lalaking iyon dahil ayaw kitang pagdudahan. Ang tanga ko kasi muntik ko nang paniwalain ang sarili ko sa kasinungalingan mo."

"Hal, please. It was just a mistake. Masyado akong nagpadala sa tukso. Please, don't do this to me. Mahal na mahal kita."

"Mahal?" singhal ko sa kaniya. "Kung mahal mo ako bakit mo ako sinasaktan nang ganito?"

Hindi ko na siya narinig pang sumagot. Nangibabaw ang iyak naming pareho ng mga oras na 'yun. Ilang minuto rin kaming nasa ganoong sitwasyon hanggang sa siguro napagod siya sa ginagawa niya kaya bumitaw na siya sa akin. Napahiga na lang din ako sa kama at nagtakip ng mukha gamit ang unan. Napakuyom ang mga kamao ko. Gusto kong saktan ang sarili ko. Gusto kong sumigaw hanggang sa mapaos ako, mailabas lang ang sakit na nararamdaman ko.

Naramdaman ko ang mga yapak niyang papalayo sa kwarto at ang pagbukas ng pinto. Ilang sandali pa ay isang katok ang narinig ko.

"Adrielle, umalis na si Missy. Pwede ba kaming pumasok?"

Hindi ko pinakinggan si Erin pero mayamaya lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at saka siya lumapit sa akin. "Narinig namin ang usapan ninyong dalawa," bungad niya. Hinawakan niya ang kamay ko na ngayon ay hawak pa rin ang unan na nakatakip sa mukha ko.

"Ang lakas ng loob niyang bumalik dito para sabihing buntis siya! Ano yun, nagpakasarap sa iba tapos sa 'yo ipapaako ang bunga?"

"Tumahimik ka nga," rinig kong saway ni Erin kay Aries. Mas lalo akong naiyak sa naririnig.

Isa ito sa mga bagay na kinakakatakutan kong mangyari. Hindi ko kayang maibigay sa partner ko ang karapatang maging ina dahil hinding-hindi naman kami makakabuo. Bagay na hindi ko inasahang mangyayari habang kami pa.

Sumasakit ang ulo ko sa tuwing iniisip si Missy.

"Nagpapaawa ba siya? Ano pa'ng ginagawa niya sa labas?"

Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong umiirap ngayon si Aries. Kilala ko ang kapatid ko. Kapag naiinis siya sa isang tao, lumalabas ang pagiging masungit at pagiging iritable niya. Pero ano 'yung sinabi niya? Nasa labas? Si Missy?

Nang umalis na silang dalawa sa kwarto ay dahan-dahan kong tinanggal ang unang nakatakip sa mukha ko at tumayo. Kaagad akong lumapit sa may bintana. Umuulan na pala. Napatingin ako sa may gate at doon ko nakumpirmang naroon nga siya, nakaupo sa may gilid, nakayakap sa sarili, at ramdam ko ang panlalamig niya sa katawan.

Bakit wala siyang payong? Bakit nasa labas pa siya? At bakit hinahayaan niya lang ang sariling mabasa ng ulan?

Napabalik ako ng upo sa kama. Napasabunot ako sa sariling buhok habang nakapatong ang mga siko sa magkabilang hita ko. Bakit mo ito ginagawa sa akin, Missy?

"Sh*t."

Ilang oras din akong nasa ganoong posisyon. Tahimik sa loob ng buong kwarto, tanging patak lang mga ulan ang naririnig ko. Muli ko siyang sinilip sa bintana para i-check at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang naka-handusay na sa labas ng bahay. Nagmadali akong tumakbo palabas ng bahay. Tinawag ko pa sila Aries at Erin bago pa man ako tuluyang makalabas. Nang buksan ko ang pintuan ng gate ay nakita kong muli si Missy at walang malay na nakahandusay sa semento.

"Missy!"

---------*****----------

"Hindi kita ma-gets, Ate. Dapat hinayaan mo na lang siya sa labas, eh."

Hindi ko pinansin si Aries at nagpatuloy lang sa ginagawa ko. Pinupunasan ko ang katawan ni Missy gamit ang puting bimpo na binabad sa maligamgam na tubig. Kahit tulog pa siya ay nararamdaman ko ang panginginig ng katawan niya dahil sa lamig. Makakatulong ang ginagawa ko para maibsan kahit papaano ang lamig na nararamdaman niya.

"Tumigil ka na nga, Aries. Kahit sino namang makakita ng taong nakahandusay sa labas ay tutulungan siya. Saka, hindi rin naman ibang tao si Missy kaya wag kang magsalita nang ganiyan," saway naman sa kanya ni Erin.

"Ako na ang bahala dito, please, doon muna kayo sa labas." Walang-ganang sambit ko sa kanila na kaagad rin naman nilang sinunod. Nagpatuloy lang ako sa pagpunas sa katawan ni Missy. Tinulungan ako kanina ni Erin para palitan ang damit na suot ni Missy dahil basang basa na iyon.

Napatigil ako sa ginagawa at napatingin sa kaniya. May kung anong kirot ang naramdaman ko ng mga oras na 'yun. Mayamaya lang ay unti-unting bumaba ang tingin ko sa bandang tiyan niya. Nakatutok lang ang paningin ko sa tiyan niya ng ilang minuto, mayamaya pa ay naramdaman ko na naman ang pagpatak ng mga luha ko.

Bumalik siya.

Bumalik si Missy.

Iniwan niya ako noon ng walang dahilan, biglaan. Pakiramdam ko ilang taon akong nangulila sa kaniya. Dapat maging masaya ako kasi 'yung taong matagal ko nang hinihintay, sa wakas ay nagbalik na. Pero ang sakit lang isipin na bumalik siyang may bitbit na sanggol sa sinapupunan. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

"Sh*t"

The Unbreakable Thread (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon